SAINT'S P.O.V
"Saan ba tayo?" Takang tanong ko kay Zee, nakuha niya na, i mean nakuha ko na kasi yung mga kailangan namin para sa pagtutor ko sa kaniya, hindi pa kasi namin alam kung saan kami
"Bahay mo na lang, magulo sa bahay" sabi niya at tumango tango na lang ako
"Bali tuwing after class ko tsaka kita tuturuan, and pag weekends naman depende sa sched mo, now every after class may atleast 2 to 3 hours tayong session, seeing na mababa ka talaga sa lahat ng subject, lets focus muna sa major subjects, may tig iisang oras bawat subject, meaning there's time for english, math and science, now it depends sa mood ko kung ano ang mauuna. And pag malapit na ang exam like in one week na lang exam na, tsaka natin isasali ang minor subjects mo, dahil madali lang naman yung lessons mo its just that hindi ka nakikinig, at tumatakas ka pa in the middle of your class saying pupunta ka ng bathroom pero nasa tambayan mo na pala ikaw, may 4 to 5 hours tayong session after class and bahala ka na kung meron tayo pag weekends" sabi ko sa kaniya at nakatunganga lang siya sakin
"Ang dami namang oras nun, kakatamad" sabi niya at napa buntong hininga na lang ako
"Well unless you want your grades to stay that way, then so be it. But we'll have to focus on your studies if you want your grades na tumaas" sabi ko sa kaniya at napa iling iling na lang siya
"Well see you after class" sabi ko sa kaniya at umalis na duon at dumeretso sa last class ko today, Sana naman di ako mahirapan sa pag tutor sa kaniya.
Napaka walang kwenta! Yan na lang masasabi ko ngayon dahil, punyeta tong hinayupak na kupal na toh, kanina pa ako sulat ng sulat, solve ng solve ng kung ano ano, explain ng explain putakte naglalaro pala sa cellphone ang hayop.
"Pwede ba seryosohin mo naman ako" sabi ko at napatingin siya sakin ng nagtatakang look, oh nagkaruon ba ng ibang meaning?
"Pwede ba? Mag aral ka dito, hindi yung puro ka laro dyan" sabi ko sa kaniya at hinarap niya sakin ang phone niya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko at agad ko siyang binato ng libro
"Napaka baboy mo! Mag aral ka dito, itong libro at notes ang titigan mo at namnamin mo hindi yang mga yan!" Bulyaw ko sa kaniya, myghash ang baboy niya!!!! Pano ba naman may tinitignan siyang hubad na pictures ng mga babae
"Di ko naman kasalanang nag sesend sila ng nudes sakin eh, ineenjoy ko lang yung view" sabi niya talaga namang pinandirihan ko, uahck! That is some disgusting shit! Oo, alam kong nasa dugo na ng mga lalake ang pagiging malibog pero sana naman ilugar niya diba?
"Bakit hindi ka ba natingin ng picture ng mga hubad na lalake? For sure ginagawa mo din yung ginagawa naming mga lalake kahit sabihin mong bakla ka" Pagtatanong niya at binato ko uli siya ng libro
"No, I do not, and that's disguting for you to assume na ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa ng isang lalakeng katulad mo, if that's what you enjoy, then so be it, pero wag mo kong idamay sa kagugahan mo! Kung yan lang naman ang gagawin mo everytime na tutorial time natin, then wag na lang natin ituloy ito, tapusin na natin toh, sinasayang mo lang oras ko!" Sigaw ko sa kaniya at tinulak siya palabas ng guestroom.
Omyghad! Why so stressful! I can't with this guy! We're better off without each other's presence.
"Kung ayaw mo edi wag!" Sigaw niya at feeling ko naglakad na siya palabas ng bahay at buti naman umalis na siya dahil baka di ako makapag pigil at mahampas ko siya ng kung ano mang mahawakan ko
Nothing will change, nothing will ever happen sa pag tutor na toh. Jusqo! Siya na nga tong tinutulungan, siya pa tong may ganang tumingin ng nudes ng mga fans niya while kanina pa ako nag sosolve ng mga problems dito! Hindi na nga lang mathematical problem sinosolve ko eh, pati na rin siya sinosolve ko! GRRRRR!!!
Kinabukasan.
Agad akong dumeretso ng office dahil may naghahanap daw sakin dun, at wala akong idea kung sino yun at bakit ako nun hinahanap. Wala pa naman akong inaaway na student dito, kaya impossible na about sa ganun yun and hindi naman ako palaaway- oh... may naaway na pala ako, I mean nang away sakin, GRRRR! Kairita talaga! Tuwing maalala ko yung pag mumukha ng bobitong yan!
"Mr. Saint, upo ka, umagang umaga bad mood ka ah" salubong sakin ng principal, hay nako... may kailangan toh, i can feel it
"Nag sabi sakin si Mr. Zee sa nangyari kahapon sa inyo, and tinawagan ko yung parents ni Mr. Zee para kumbinsihin yung anak nila na need na talaga niyang mag aral" sabi ng principal at biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tao na naka business attire at halatang halata mo sa aura nila na mayaman sila and then may pumasok na hayop kasunod nila, hindi ko naman na kailangan sabihin kung sino yung hayop na yun
"Welcome po" sabi ng principal dun sa dalawang tao na yun, na by now i realize na parents ni zee, wow mukhang mabait naman tong mga toh ah? Anyare kay zee? Hindi ata nabiyayaan ng kagandang loob
"Is this him?" Tanong ng babae kay principal at tumango lang si principal
"Why dont you two do your thing in that room?" Sabi nung babae dun sa lalakeng kasama niya at tumingin siya kay zee at agad namang tumayo si principal at nilead si zee at ang father niya dun sa isang room sa loob ng office
"Mr. Saint right?" Tanong ng babae sakin at hindi ko maiwasang mailang sa Mr., nakakatanda kasi
"Saint na lang po" sabi ko sa kaniya at tumango tango lang siya
"Dederetsohin na kita ha? I need you to help my son sa studies niya, i know its hard for you to study for yourself and to study to teach him, and I know na mahirap pakisamahan si zee lalo na dahil ganyan ang ugali niya, pero i think you're the only one nakayang ihandle yung anak ko, lalo na't nasasagot sagot mo siya kahit na kilala siyang masama ugali dito sa school niyo, please help my son" mahabang sabi ng nanay ni zee at napaisip naman ako sa mga sinabi niya. Well, if you put it that way, oo nga ako lang nakakasagot sagot kay zee kahit alam king kinatatakutan siya dito, pero nakakabadtrip talaga siya eh
"Mrs. Celistiales, bakit ako po? Pwede naman po kayong mag hire ng professional private tutor ni zee eh, in that way mas madaming matutunan si zee" sabi ko at medyo muntik na akong mapatawa sa huli kong sinabi
"Tita na lang itawag mo sa akin, and ikaw ang napili ko kasi kafellow student ka niya and mas momonitor mo siya kasi nasa iisang school lang kayo" sabi niya pa at napa isip ako, si zee naman kasi napaka walang kwenta eh, kinailangan pa tuloy na pumunta dito tong dalawang toh! Mamaya busy sa trabaho toh tapos nagpunta dito para lang kausapin ako
"Sige po, payag na po ako" sabi ko sa kaniya at saktong lumabas yung mag ama
"I'm giving you permission na gawin lahat ng gusto mong gawin kay zee pag hindi siya nakikinig sa lessons mo, and if possible mag sched ka ng tutorial niyo na sa bahay naman namin para mag sumbong ka samin pag hindi na talaga nasunod sayo itong bata na toh" sabi niya st tinarayan niya si zee at napa ngiti lang ako sa kanila
"oh, sige na, una na kami" sabi ng nanay ni zee at kinirot niya si zee
"Sige po tita" sabi ko na lang at tinignan ako ng masama ni zee at inirapan ko lang siya at nginitian ang nanay at tatay ni zee, at sila ay lumabas na, pagkalabas nila ay lumabas na din ako at naglakad sa opposite na direction at ngulat na lang ako ng may humawak sa bakikat ko at hinila ako
"Bakit ka pumayag!?" Inis na banggit niya at hinampas ko ang kamay niya na nakahawak sa balikat ko kaya agad siyang napabitaw
"Eh naawa ako at nahihiya ako sa parents mo eh! Mukhang ang busy busy nila tapos pupunta lang sila dito para sabihin sakin na itutor ka! Mahiya ka naman!" Bulyaw ko sa kaniya at inambahan niya ako ng suntok at hinarap ko lang siya at tinaasan ng kilay
"Pasalamat ka..." sabi niya at hindi ko na narinig yung last words dahil binulong niya na lang iyon
BINABASA MO ANG
Cliche
Novela JuvenilHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...