CHAPTER 007

1K 45 0
                                    


SAINT'S P.O.V

"Hey listen to me!" Bulyaw ko sa kaniya at tumingin lang siya sakin ng walang kagana gana, HOOOO! kanina pa ako nagtitimpi sa lalake na toh ah

"Umamin ka nga sakin! May gusto ka ba sa buhay!? Pangarap?" Sabi ko sa kaniya at nakita kong napa isip siya

"Gusto ko lang matikman ang mga babae sa bawat bansa" sabi niya at parang iniimagine pa, potahhhh! Di ko na kayang makasama sa iisang lugar tong lalakeng toh

"Joke lang" sabi niya at tinignan ko lang siya nang masama, pustahan kahit nag joke yan iniisip niya pa rin yung sinabi niya

"Joke nga lang eh!" Bulyaw niya sakin at inambahan ako ng suntok

"Wala naman akong sinasabi ah!? Bakit defensive ka!?" Bulyaw ko sa kaniya pabalik at umakmang ibabato sa kaniya ang mga libro

"Makinig ka na kasi dito" sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya sakin at napa irap na lang ako

"Well, kung ganyan ka na, wala na akong magagawa, kikita pa rin naman ako ng pera, kahit walang maging pag babago sa grades mo, kahit sabihin mong hindi na kita tinututor, hindi ka paniniwalaan, dahil mas katiwatiwala ako kesa sayo. Kaya hanggat di ko sinasabing tapos na ang tutorial natin makakatanggap pa rin ako ng pera and i can tell your parents na im trying my very best na turuan ka" sabi ko sa kaniya without looking at him at for sure medyo nagulat yan sa inaakto ko, i have this side ever since naging mag isa ako, di ko alam bigla na lang ako naging ganito pero kontrolado ko naman

"Masama din pala ugali mo eh" sabi niya at napa smirk na lang ako at tumingin sa kaniya

"Binabagay ko lang sa tao ang ugali ko, and I'm sure hindi mo alam na, I'm a manipulative person, i can use everything to be an advantage for me" sabi ko sa kaniya at bumalik sa pag sosolve ng problem

"Well then my little demon, I'm impressed" sabi niya at pumalakpak siya, sira ulo na ba toh? Nako kaya pala di madaling pasunurin

"Little demon? You're underestimating me, even satan would fall under my manipulations" sabi ko sa kaniya, sinakyan ko na lang tong punyemas na toh di ko na kasi alam gagawin ko sa kaniya eh...








If you're wondering if anong nangyari after ng pag uusap naming yun, ang sagit ay wala, nag solve lang ako ng mga problems at siya ay naglaro lang ng nag laro. Andito ko sa library dahil may inaasikaso lang ako at uuwi din ako agad kasi wala naman yung prof ko ngayon.

Pagkatapos kong gawin yung inaasikaso ko ay agad akong umuwi, hindi ko na pinuntahan si zee dahil mukhang wala na din naman siyang balak ituloy yung tutoring namin.

Nakahilata lang ako sa kama ng narinig kong bumukas yung pinto ko sa baba, kaya agad akong napatayo sa kama at tumayo sa likod ng pinto ko, dqhil kung magnanakaw man yan ay for sure mag pupunta din dito yan...

Mamaya maya pa ay narinig ko ang mga yapak ng paa ng isang tao papunta dito sa kinaroroonan ko at naramdaman kong binuksan niya yung doorknob ko at agad akong sumugod at sumipa pero nagulat na lang ako ng masalo niya yung sipa ko at napatingin ako sa taong yun

"Zee!?" Gulat na sabi ko at binitawan niya lang ang paa ko at dumeretso sa kama ko at nahiga, sinundan ko lang siya ng tingin dahil sa pagtataka kung bakit andito siya

"Bakit di mo ko sinabihang uuwi ka na pala? Kung hindi pa ako nag punta sa library di pa kita makikitang pauwi na eh, edi hanggang ngayon baka nag aantay pa rin ako sa tambayan ko. Bakit di mo sinabing uuwi ka na? Pano na yung tutorial?" Sunod sunod nutang sabi at napatawa na lang ako sa huli niyang sinabi

"Seryoso ka ba boy? Pano na yung tutorial natin? Eh hindi ka naman nakikinig sakin!" Bulyaw ko sa kaniya at inirapan siya at inisnob niya lang ako

"Kahit anong sabihin mo dapat sinabihan mo pa rin ako, isipin mo kung hindi kita nakitang pauwi hanggang ngayon siguro nag aantay pa rin ako sayo" sabi niya at tumagilid at nakita kong nilabas niya ang cellphone niya

"Pwede umuwi ka na? Pagod na ako eh" sabi ko sa kaniya at umupo sa kama

"Ayoko pa, ayoko sa bahay" sabi niya at napa kunot naman ang noo ko

"Kung ayaw mong umuwi, dun ka sa tropa mo wag dito!" Bulyaw ko sa kaniya at di pa rin siya natinag kaya tinulak ko siya kaso sa hina kong toh nausog ko lang siya, at humiga na lang ako dun sa space na natira, pagkahiga ko aya naramdaman kong medyo umusog siya kaya nagkaruon pa ako ng konting space kaya nakahiga ako ng maayos

"Umuwi ka na lang kung gusto mo nang umuwi matutulog muna ako, ang dami kong inasikaso ngayon, subukan mo kong pagtripan habang natutulog ako may kotong ka sakin, hindi lang isa kita mo" banta ko sa kaniya at kinuha yung kumot ko at nagkumot.

If you're wondering kung bakit matutulog na lang ako kahit andyan pa siya... kasi di ba sabi niya kanina ayaw niya sa bahay nila? Baka kasi may problema siya sa bahay nila, kaya pabayaan na nating andito siya, for sure mag lalaro lang naman yang lalakeng yan, sana lang talaga wala siyang gawing masama sakin habang tulog ako.

Mamaya eh, drawingan niya mukha ko at picturan ako habang tulog, nako magkakagera talaga.

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon