SAINT'S P.O.V
I understand... but that doesn't mean it doesn't hurt... it hurts and also im mad as hell...
But i cant deal with my emotion right now, because im busy. I aint got time for dramas. Agad akong dumeretso sa library para ituloy yung ginagawa ko.
"Saint, kunin mo daw yung pass mo dun sa office mamaya bago ka umuwi" sabi nung kaklase ko na napadaan dito sa library at nag okay sign lang ako sa kaniya tsaka uli humarap sa laptop at notebook ko lara asikasuhin tong event na toh.
Yung theme daw kasi ng design ng event ay galaxy, so ako eto nagawa ng design sa laptop at the same time nag hahanap ng materials na gagamitin sa decorations, tapos iniisip ko pa kung paano yung set up ng tables...
Nang medyo napagod na ako ay naisipan ko nang umuwi. Pababa pa lang ako ng hagdanan ng maalala ko yung pass na hinihingi ko ay kailangan kong kunin sa office, kaya dumeretso na ako sa office.
"Saint, eto na yung pass na hinihingi mo, and eto pala yung number nung manager ng hotel dun, sabi niya ay sesendan ka daw niya ng schedules ng events na magaganap dun para daw hindi mag sabay yung pag punta mo dun at yung event, sabi niya pwede ka din daw pumunta dun sa mga events na yun kung gusto mo para daw may iba ka pang ideas para sa set up ng venue" sabi sakin ng principal ng hingin ko yung pass at tumango na lang ako sa kaniya atsaka lumabas.
Nag lalakad ako sa hallway nang may narinig akong sigawan, pero hindi ko na yun pinansin dahil wala naman akong pake kung anong meron, paliko na ako ng may biglang bumangga sakin na mukhang natakbo kaya ang lakas ng impact sakin at napa upo ako sa sahig, nang makatayo ako ay nagulat ako ng hilahin ako nung nakabangga sakin at isinama ako sa pag pasok niya sa isang room.
"Zee!?" Malakas na sabi ko ng makilala ko kung sino yung naka bangga at nanghila sakin agad niyang tinakpan ang bibig ko at nilock niya ang pinto
"Wag kang maingay" pabulong niyang sabi at tinanggal ang pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko
"At bakit mo naman ako dinala dito!?" Galit na tanong ko sa kaniya at sumenyas siya sakin na wag akong maingay
"Bakit ba!?" Malakas na tanong ko sa kaniya at tinakpan niya na naman bibig ko at kinagat ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko at sisigaw na sana ako ng biglang lumapit sakin si zee at...
At....
At....
At hinalikan ako...
Hinalikan ako ni zee. Pagkatapos niya akong halikan ay parang nagyelo ako sa kinatatayuan ko, at hindi ako makagalaw, hindi ko din naman alam kung anong gagawin ko, hindi ako makapag isip ng maayos... parang nablanko utak ko... naririnig kong nag sasalita si zee pero di ko maintindihan yung sinasabi niya, parang nag slowmo yung paligid, hindi ko maintindihan ang mga nangyayare, ano ba tong nangyayare?
"Hoy!" Nabalik na lang ako sa diwa ko nang sigawan ako ni zee at kinurot niya ako sa balikat, nang mag sink in sakin ang mga nangyare ay nasampal ko si zee, hindi ko sinasadya parang biglang nag react kamay ko
"Bakit mo ko sinampal?" Gulat na tanong ni zee at sasampalin ko pa sana siya ng nahawakan niya ang kamay ko kaya sinampal ko siya gamit yung kabila kong kamay at hinawakan niya na din iyon
"Bakit mo ko hinalikan?!" Galit na tanong ko sa kaniya at nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin
"Eh ang ingay mo kasi eh" sabi niya at nag struggle na din siyang hawakan yung kamay ko kasi kanina pa ako nagpupumiglas
"Wag ka munang magulo baka andyan pa sila" sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay at huminga ako ng malalim bago pa man ako makasigaw ay hinalikan na naman ako ni zee and this time habang nakahalik siya sa akin ay dinikit niya ako sa pader
"Sige sumigaw ka pa hindi lang halik gagawin ko sayo" sabi niya at tuluyan na akong naging statue, stay still lang ako and ang only movement na ginagawa ko ay ang paghinga
"Ayan okay na, wala na sila, bigla kasing sumugod yung kuya ng isa sa babae ko eh, ayan napa deretso takbo at tago tuloy ako, ayoko mabangasan eh, ako pinaka server sa event eh" sabi niya lang at tumingin sakin na hanggang smngayon ay naka dikit sa pader at hindi gumagalaw
"Sorry" sabi niya na nagpawala sa pagiging statue ko at kinunutan ko siya ng noo at tumingin siya sakin at yumuko at lumapit siya sakin and then hinawakan niya yung kamay ko
"Sorry sa mga nasabi ko sayo kanina" sabi nuya at napa isip naman ako kung ano yung tinutukoy nito at naaalala ko yung nangyare kanina nung may kasama siyang babae
"Okay lang yun" sabi ko sa kaniya at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin
"Hindi okay yun, ang dami kong masasamang bagay na nasabi sayo kanina ng dahil lang sa hindi ko magawang makausap ka ng maayos sa harap ng marami" sabi niya sakin habang nakayakap sa akin at hinimas ko lang ang likod niya at humiwalay siya sa yakap at lumapit ako sa pinto para buksan ito
"Okay lang yun, alam ko naman na importante sayo yung image mo, kaya okay lang sakin na hindi mo ko kausapin dito sa school ng katulad ng pagkausap mo sakin pag tayong dalawa lang" sabi ko sa kaniya bago lumabas at tumakbo na ako palayo doon at nag hanap na ng sasakyan pauwi
This day is so tiring...
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...