ZEE's P.O.V
"Ano ba!? Sumeryoso ka nga, nag seselos ako sa inyo, seryoso ako sa sinasabi ko" galit na sabi ko sa kaniya, hindi niya ata naiintindihan yung sinasabi ko
"Bakit ka naman mag seselos aber?" Takang tanong niya sa akin at gusto ko nang sumabog dahil sa tanong niyang yan
Tang ina! Gusto ko akin ka lang! Hindi ko alam kung bakit nag seselos ako nang ganito! Sa totoo lang, alam ko kung bakit, pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko, dahil ngayon lang nangyari sa akin toh! Pero hindi mo ba pwedeng iacknowledge na nag seselos ako!? Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya yan, kaso mas magugulo pa yung nangyayari ngayon
"Eh kasi, sanay ako na ako lang kasama mo at ako lang nag hahatid sayo at dati parang ako lang may alam kung saan bahay mo, ngayon alam na din ni Lesley for sure alam na din ni marky toh" sabi ko na lang sa kaniya dahil hindi ko masabi yung mga gusto ko talagang sabihin
"Masanay ka nang hindi mo ako nakakasama, may fiancee ka na, sanayin mo na din sarili mo na hindi ako kausapin at lapitan. May fiancee ka na dapat duon ka sa bahay nila napunta hindi dito. Sanayin mo na sarili mo na wala ako sa paningin mo at paligid mo, pag nag kita tayo tapos kasama mo si rachel wag mo kong papansin or kakausapin or titignan man lang. That's the right thing you should do now, lalo na at may fiancee ka na" sabi niya, tang ina lang, ayoko! Ayokong mahiwalay sayo! Ayokong mawala ka! Nakaka tang ina naman kasi eh
"Eh bakit kailangan kong gawin yun? Pwede naman ako pumunta at makipag usap sayo kahit fiancee ko siya" maangmangan kong sabi sa kaniya dahil for sure iniisip niya na maniniwala ako sa sinasabi
"Bakla ako, sooner or later pwedeng mag selos sa akin ang fiancee mo at ayokong maging dahilan ng gulo, kung hindi man mag selos yang fiancee mo, magkakaruon ng bakita na nag kakaruon ka ng affair with me habang may fiancee ka. At madaming pwedeng mangyaring gulo ng dahil sa akin" sabi niya sa akin at tumango tango lang ako sa kaniya, so is that what you really want? Gusto mo talagang umiwas ako sayo? Sige gagawin ko yan
"Well, simulan mo na ngayon, umuwi ka na or kaya bisitahin mo sa bahay yung fiancee mo, wag mong kalimutang dalhan siya ng flowers at bumili ka din ng pwede mong ibigay sa magulang niya" sabi niya at tumango lang ako sa kaniya at agad na inayos ang gamit ko at bago ako umalis ay niyakap ko siya at hinalikan siya sa noo at pisnge, kung pwede ko lang siya halikan sa labi ginawa ko na eh
"Thank you sa advice, lab you!" Sabi ko sa kaniya at ngumiti ako sa kaniya at nag madaling umalis.
Habang nag mamaneho ay hindi ko mapigilang mapamura ng mapamura dahil sa kaduwagan ko.
Bakit naman kasi hindi ko magawa yung mga gusto kong gawin sa kaniya?! Bakit hindi ko masabi yung mga gusto kong sabihin sa kaniya!? Nakakatangina naman eh! Pero ginusto niya toh. Gusto niyang iwasan ko siya. Bahala siya diyan!
Pag kauwi ko ay hindi ko na pinagkaabalahan na daan sila mama sa sala, agad akong dumeretso sa kwarto ko at nag bihis agad ako at humiga agad.
Habang nag lalaro ako sa phone ko ay bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko na pumasok at umupo siya sa kama ko.
"Nak may problema ka ba?" Tanong ni mama at umiling iling lang ako sa kaniya
"Okay lang ba yung arrange marriage niyo ni Rachel? Okay lang ba sayo yun? Kasi kung hindi pwede naman natin itigil yun eh" sabi niya at gusto ko sanang maging masaya pero wala na eh, pinili na ng asawa ko na iwasan ko siya. Ibig sabihin nun gusto niya nang putulin ang mga koneksyon namin sa isa't isa.
"Okay lang, gusto ko naman na si rachel" sabi ko lang sa kaniya at bumunting hininga na lang si mama at pinitik ako sa noo at nakitang kong parang may gusto pa siyang sabihin pero umiling na lang siya at lumabas na siya ng kwarto ko...
Matagal tagal na din simula nung nag umpisa akong umiwas kay saint, at kada magkakasalubong kami its either hindi ko talaga siya titignan or kaya pag kasama ko si rachel ay sinasadya kong maging sweet ng sobra kay rachel habang kasalubong namin siya.
Tinawagan ko si rachel at sinabing susunduin ko siya at masaya naman siyang pumayag. Kaya pag katapos kong mag ayos ng sarili ay dali dali akong pumunta kanila rachel.
Habang nasa biyahe ay nakikita ko sa mirror na kanina pa patingin tingin sa akin si rachel at umiling iling habang nakangiti.
"May gusto ka bang gawin? Kanina ka pa tingin ng tingin sa akin eh" sabi ko sa kaniya habang nakangiti at medyo natawa lang siya ag umiling iling lang siya smat tumingin sa labas ng bintana. Weird.
Habang nag lalakad papunta sa canteen, kasama ko si rachel at nakita ko sa malayo si saint, tatakbo na sana ako papunta sa kaniya, miss na miss ko na siya gusto ko na siyang yakapin at halikan, kaso pinili niya toh. Kaya agad kong inakbayan si rachel habang nag lalakad at kinilig naman ito at nag simulang makipag landian sa akin at nakita ko si saint na napaiwas ng tingin sa amin. At nakita ko na nakasunod sa kaniya si lesley at tumingin sa akin si lesley at umiling iling at minura ko lang siya ng pabulong.
Lately napapansin ko na laging naka buntot si lesley kay saint, di ko alam kung alam ba ni saint na laging naka sunod sa kaniya si lesley eh, pero isa lang ang alam ko... nabwibwiset na ako sa lalakeng yun.
BINABASA MO ANG
Cliche
Подростковая литератураHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...