CHAPTER 030

839 35 0
                                    


SAINT'S P.O.V

Katulad nga ng sinabi ko kay zee, ay kinaumagahan nga ng araw na iyon ay hindi niya ako pinansin. Nung una masakit, sobrang sakit... pero nung tumagal tagal ay nasanay na rin ako...

Hindi porket sinabi kong nasanay na ako ay hindi na ako nasasaktan. Masakit pa rin, sobrang sakit, its just that nasanay na ako sa sakit, kaya parang dedma na lang.

Habang naglalakad papuntang library ay nakita ko sa malayo si zee at tatakbo na sana ako papunta sa kaniya kaso nakita ko na kasama niya si rachel at parang napansin niya ako kaya agad siyang umakbay kay rachel at nag landian naman silang dalawa kaya agad akong umiwas ng tingin at dali daling baglakad ng mabilis papuntang library.

Ng makarating ako ng library ay agad akong tumakbo papunta dun sa pinaka dulo at pinaka sulok para humiga sa sahig. Habang nakahiga sa sahig ay nakatunganga lang ako at nakatingin sa kisame. At nakita ko bigla si lesley at inirapan ko lang siya. Simula kasi nung araw na yun ay lagi na siyang naka sunod sa akin, sabi daw kasi ng uncle ko na bantayan niya ako kaya sinusunod niya lang daw si uncle ko.

"Alam mo kaya ko na sarili ko di mo na kailangan bumuntot sa akin lagi, para tuloy kitang butler" sabi ko sa kaniya at umupo siya sa tabi ko at nagulat ako ng hilahin niya ako at ihiga niya ang ulo ko sa lap niya

"Kumain ka na, dami daming sinasabi kala mo naman ang strong mo" sabi niya kaya agad ko siyang kinagat sa hita niya at pinitik niya lang ako noo ko at umupo na ako ng maayos at hinalungkat ang dala niyang pagkain at nag sinulang lumamon.

"Hindi ko alam kung napapansin mo ba, pero dalawang sasakyan ang laging naka sunod sayo tuwing uuwi ka" sabi niya at inirapan ko lang siya at patuloy na kumain

"Tatlo, isama mo sarili mo" sabi ko sa kaniya at tumawa naman siya

"Di ko alam kung magka hiwalay sila or magkasama pero mag ingat ka, dahil hindi ako laging nakasunod sayo, pano kung biglang umatake yung mga yun habang hindi ako nakasunod sayo?" Nag aalalang sabi niya at binatukan ko lang siya at inirapan

"Mukha bang madali akong kalabanin?" Sabi ko lang sa kaniya at umiling iling lang siya

"Kahit pa, kahit sabihin mong mabilis at malakas ka, dalawang van yun, pano kung yung dalang van na yun puno ng tao tapos may mga weapons sila? Tingin mo ba mas mabilis ka sa bala?" Nag aalalang sabi niya at ngumiti na lang ako sa kaniya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang nakain

"Dont worry i can protect myself, at alam kong may iba ka pang gawain kaya mag focus ka na lang dun at wag mo na akong bantayan. Kaya ko na sarili ko" sabi ko sa kaniya ar sinubuan siya ng burger at kinain niya naman yun. Hayss. Kung pwede lang na si lesley na lang magustuhan ko eh.

Kung hinahanp niyo pala si marky ay wag na, dahil nag patransfer siya sa ibang bansa dahil mas maayos daw yung school dun at mas tama lang daw dahil gusto niya daw maging independent kaya, nanirahan siya sa ibang bansa at maliit na pera lang ang tinatanggap niya mula sa parents niya, gusto niya daw kasi matutunan mabuhay ng mag isa bago niya tanggalin yung company nila. So humble noh? Forever crush ko na talaga si marky. at ang balita ko, may jowa na daw siya dun. At balak ata nilang magpakasal na after ng school nila parehas. Swerte naman nun kay marky, for sure alagang alaga yun kay marky at for sure mahal na mahal siya ni marky.

"Hoy, alam mo ba na nagkagusto sayo si marky?" Sabi bigla ni Lesley at tinignan ko siya ng masama

"Oo nga, popormahan ka sana niya kaso sinabihan siya ni zee na wag nang gawin yun, dahil mapapahiya lang siya kasi sabi niya may gusto ka daw sa kaniya, kaya ayun di na tumuloy si marky" sabi niya at talaga namang speechless ako sa mg nalaman ko

"Takte! Edi sana ako yung inaalagaan at minamahal ni marky diba!? Syet naman tong si zee eh" sabi ko na lang at kinagagan yung siopao na nakita ko

"Pero okay na din yun, mukhang seryoso naman si marky dun sa jowa niya" sabi ko sa kaniya at binatukan ako ni lesley kaya binatukan ko din siya

"Makapag salita ka kala mo naman kilala mo na at nakita mo na yung jowa ni marky" sabi niya at inirapan ko lang siya at hinampas

"I dont need to know kung sino at hindi ko na din kailangan makita, dahil tiwala ako kay marky, sa inyong tatlong magkakaibigan naman siya pinaka mapagkakatiwalaan eh, siya pinaka gwapo, pinaka matalino, pinaka masipag, pinaka maalagain... hayss... such a perfect guy" sabi ko na lang at inaalala yung days na may gusto ako kay marky ng matindi

"Para lang malaman mo, gay yung jowa ni marky, at nagpropose na siya dun" sabi niya at napasapo na lang talaga ako sa noo ko

"Napaka swerte naman!!! Grabe naman sa swerte yung baklang yun, sana ako din diba!? My gosh so unfair! " sabi ko na lang at humiga sa lap ni lesley

"Ikaw may nahanap ka na ba?" Sabi ko sa kaniya at tumango lang siya at nakita kong nakangiti siya

"Pero tsaka ko na siya aasikasuhin pag tapos na ako sayo" sabi niya at hinampas ko lang siya

"Ano ka ba!? Wag mo na akong alalahanin, unahin mo na siya" sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya

"Sinabi ko naman sa kaniya na hindi pa ako available dahil nga priority kita, at sinabi ko sa kaniya kung kami talaga magkikita at magkikita kami at pagsasamahin kami" sabi niya at napangiti na lang ako sa kaniya at pumikit na para matulog.

Uwian na, at papunta ako sa locker room ngayon para kunin ang mga gamit ko. Napag isipan ko kasi na wag ng mag iwan ng gamit dito sa school lalo na at baka may umaaligid aligid din sa akin dito sa school, kawawa naman gamit ko, kulang na nga ako sa monthly budget eh, nag aabang lang ako ng next event dito sa school para makatanggap agad ako ng pera, kaso next month pa yung event ay yun ay prom. Oo, prom na next month, ang bilis noh? Matatapos na naman ang isang school year, gradr 12 na ako next school year, at final year na nila lesley dito...

Habang nag aayos ako ng gamit ko sa bag, ay naramdaman kong may nakatingin sa akin, at pinabayaan ko lang yun at agad akong nagmadali sa pag aayos ng gamit, pag kasara ko ng locker ko ay naramdaman kong may tao sa likod ko, kaya humarap ako dun at nagulat ako sa nakita ko.

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon