SAINT'S P.O.V"Ahhh, edi uwi na ako" sabi ko sa kaniya at niligpit ko na ang gamit ko at lalakad na sana ako paalis ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako bigla
"Hoy uuwi na ako" sabi ko sa kaniya at di niya lang ako pinansin at di ko namalayan na nasa loob na kami ng elevator
"Dito ka na matulog" sabi niya at tinignan ko siya ng masama at pipindot na sana ako sa floor buttons ng hawakan niya ang mga kamay ko
"No, stay here, dun ka matutulog sa room ko, anong oras na balak mo pang bumyahe" sabi niya sa akin at tumungi na lang ako at marinig kong nag open na ang elevator at hinila niya uli ako papasok sa kwarto niya
"San ako matutulog?" Tanong ko sa kaniya at tinuro niya ang kwarto niya kaya pumunta ako dun
"Peram damit" sabi ko sa kaniya at hinantay ang sagot niya
"Kumuha ka dyan" sabi niya kaya agad akong nag hubad ng damit at nag hanap ng maayos na damit za closet niya at napili ko yung jesey niya na ang lambot ng tela at ang laki sakin, after kong mag bihis ay humiga na ako sa kama
After ng ilang minuto ay nakita ko sa zee na pumasok dito sa kwarto at nag hubad ng damit kaya agad akong pumikit...
"Pikit pikit pa ng mata kala mo naman" sabi niya at dumilat ako at binato siya ng unan at nakita ko na naka boxers lang siya at nagulat ako ng bigla siyang lumapit dito at humiga
"Hoy tabi tayo matutulog?" Gulat na tanong ko sa kaniya at tumango tango lang siya
"Ayoko sa sofa" sabi niya at tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako palapit sa kaniya at nagulat ako ng yakapin niya ako
"At wala akong sinabing lumipat ka" sabi niya at tinuloy ang pagyakap sakin kaya agad kong kinagat ang braso niya at napabitaa siya sa pagkakayakap sakin
"Mag suot ka ng tshirt, magkakasipon ka" sabi ko sa kaniya at umiling iling lang siya kaya hinampas ko yung dibdib niya pero ako ang nasaktan sa ginawa ko (sidenote:lagi naman akong nasasaktan sa mga ginagawa ko eh) at tumingin lang siya sakin at tinuro ko yung closet niya at tumayo na siya agad para magbihis at tumabi agad siya sakin at niyakap ako.
"Zee may sasabihin ako sayo" sabi ko sa kaniya habang nakayakap siya sakin, may bigla lang pumasok sa isip ko eh
"Bakla ako zee, baka nakamalimot ka" sabi ko sa kaniya, i mean totoo naman bakla ako and straight siya
"Alam ko, so? Anong point mo?" Sabi niya na para bang wala talaga siyang pake
"I mean... ito... naka yakap ka sa akin, nasa iisang room tayo, tapos tabi pa tayo matutulog..." putol na sabi ko, ayaw ko man nang ituloy yung mga sasabihin ko kasi you know mahina akong tao
"So ano nga ang point mo?" Takang tanong niya sakin at parang naiinis na siya sa mga sinasabi ko, baka narerealize niya na din... at bigla siya umupo sa kama, at hindi ako gumalaw sa pwesto ko, baka umiyak ako pag humarap ako sa kaniya
"Hindi ka ba nan didiri sakin? I dont know why you're doing this kind of things to me..." sabi ko sa kaniya at bigla niya akong hinarap sa kaniya at bigla siyang pumatong sakin
"Alam mo... kung ano anong iniisip mo, komportable kasi ako sayo, bakit? Hindi ka ba komportable sa mga ginagawa ko sayo?" Sabi niya at umiwas ako ng tingin sa kaniya
"Ayokong maging komportable, kasi pag ako naging komportable at nasanay..." sabi ko at nag takip ng kumot sa mukha, nagulat na lang ako nang biglaan niyang tangalin yung kumot sa akin at bigla niya akong pinitik sa noo
"Ano toh? 2 am thoughts? Kung ano anong iniisip mo, pabayaan mo na kung anong mangyari sa future, ienjoy mo ang present... and im pretty sure kung ano man yang mga iniisip mo, hindi yan mangyayari" sabi niya at hindi na ako nag salita, pero sana... sana talaga hindi mangyari yung mga iniisip ko... ayokong mag katotoo ang mga iniisip ko... nakakatakot mag dwell sa mga pwedeng mangyare sa future...
Nagising ako ng mag vibrate ang phone ko at 6 am na. Kaagad akong naligo at nag ayos ng sarili although nanguha lang ako ng damit ni zee dahil wala akong masuot na pantaas, pinabayaan ko na lang na naka shorts ako at yung isang sando at longsleeves na lang ni zee ang sinuot ko na nag mukhang oversize dahil sa liit ko...
Pagkatapos kong mag ayos ay agad akong bumaba at pumunta sa venue para idouble check ang mga bagay bagay at ituloy yung mga di ko pa tapos gawin...
"Papuntahin ko pa ba yung mga students? Wag na siguro kaya ko na toh, may hanggang 10 am pa naman ako bukas, kaya pwede akong mag tagal dito sa venue" pagkausap ko sa sarili ko at agad dinouble check ang mga nakasabit at nakadikit na mga decorations
"Ay shems! Pupunta pala mamaya ang ibang teachers para idouble check yung decorations" pag kausap ko na naman sa sarili ko at naupo sa sahig, ewan bigla ko na lang naisip na umupo sa sahig at pagmasdan ang mga decorations
"Alam mo, kala ko nung una ginagawa mo toh at pinapagod mo ang sarili mo dito dahil kailangan, pero now i think ginagawa mo toh dahil nag eenjoy ka sa ginagawa mo" nagulat ako ng may nag salita sa likod ko at pagkaharap ko ay naka upo si zee sa upuan sa likod ko...
Yeah, I totally enjoy things like this, gusto ko yung ako nag aasikaso ng decorations ng isang event, yung pupunta ko sa venues para makaisip ng design and then ako din magahahanap ng ibang materials na gagamitin...
"Well, i really do enjoy things like this" sabi ko sa kaniya ag ngumiti sa kaniya
"Then, i dont have to worry, kasi nahanap na ng asawa ko ang bagay na gusto niya and i think this kind of thing would be the best pag pinartner sa taong merong sariling hotel" sabi niya at ayoko mang isipin na ako yung tinutukoy niya as asawa niya pero wala na, corrupted na utak ko...
I think I'm Falling...
![](https://img.wattpad.com/cover/214624907-288-k93444.jpg)
BINABASA MO ANG
Cliche
Ficção AdolescenteHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...