CHAPTER 013

958 47 0
                                    


SAINT'S P.O.V

"Zee, sabi ng mama mo sakin 1 week ka na daw di nauwi sa bahay niyo, saan ka dumederetso after mong tumambay sa bahay?" Sabi ko kay zee, andito kami ngayon sa rooftop, tapos naman na class namin pareho, eh tinatamad pa akong umuwi kaya eto stay muna sa school, eh alam niyo naman tong si zee sa bahay namamalagi after ng class ko, kaya eto kasama siya sa pagtambay ko, and yang sinasabi ko, tumawag sakin kanina yung nanay niya at ako daw ang kumausap kay zee kasi di daw sinasagot mga tawag nila, kaya eto dineretso ko na siya tutal magkasama naman kami

"Sa condo" maikling sagot niya sakin at napa sigh na lang ako, di ko alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa bahay nila

"Why?" Tanong ko sa kaniya at tumingin siya sakin at nag shrug lang siya at lumapit ako sa kaniya

"Gusto mo dun ka muna sa bahay matulog?" Pag ooffer ko sa kaniya, may mga room pa naman dun sa bahay mamili na lang siya dun, at mas maiinform ko yung parents niya if sa bahay siya matutulog

"Ok, bili na lang ako ng mga damit ko mamaya" sabi niya at hinampas ko siya sa braso at napatingin siya sakin

"Hoy wala akong sinabing duon ka na tumira sa bahay ko sabi ko lang dun ka muna matulog, umuwi ka pa rin sa inyo, nag aalala na nanay mo sayo" sabi ko sa kaniya at tinuloy niya lang ang paglalaro sa phone niya

"Sige, matutulog na lang ako sa bahay mo pag trip ko" sabi niya at may hinanap ako sa bag ko

"Oh" sabi ko sa kaniya sabay abot ng susi ng bahay ko, bigyan ko na lang siya ng spare kasi for sure may mga times na pupunta yan dun ng wala ako, or kaya pag naunang matapos sched niya tapos ako hindi pa

"Hindi ka ba natatakot na may kung anong gawin ako sa bahay mo, lalo na pag wala ka?" Tanong niya at medyo natawa na lang ako sa kaniya

"Sira ulo ka ba? Ano namang gagawin mo sa bahay? Magnanakaw? Eh mas mayaman ka nga sakin, himala na lang kung may magustuhan kang kung ano sa bahay" natatawang sabi ko sa kaniya at katingin lang siya sakin ng seryoso

"May gusto nga ako dun sa bahay mo, kaso di ko makuha, hirap eh" sabi niya at inirapan ko na lang siya dahil alam ko namang nag bibiro lang yan, wala namang bagay dun sa bahay na gugustuhin niya eh

"Tara na nga uwi na tayo" sabi ko sa kaniya at tumayo naman siya agad at kinuha ang bag ko

"Oyy, saan mo balak dalhin yan?" Takang tanong ko sa kaniya at pinabayaan ko na lang siya dahil inunahan niya ako sa paglalakad

"Antayin mo ko dun sa lagi mong pinag aantayan, kunin ko lang yung kotse" sabi niya kaya tumango lang ako at dumretso na ako dun sa waiting shed sa school

Habang nandito ako ay nakita ko ang mga students na pauwi na rin, lahat sila may mga kasama umuwi, may mga kakwentuhan,ang saya siguro pag may kaibigan ka noh? Hindi kasi ako lapitin ng tao eh, and lalo nang hindi ako makalapit sa tao, nakakahiya kaya noh. Dati kami ng kuya ko sobrang close namin, kaso ngayon dahil nasa ibang bansa na siya di na kami nakakapag usap or nakakapag kita.

Actually... hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ng kuya ko, hindi lang dahil sa company kaya umalis ang kuya ko, pwede naman niyang ihandle yung company dito sa pilipinas eh, pero mas pinili niyang lumayo sa akin, kasi bago siya umalis, bago pa man mamatay sila mama at papa, umamin ako sa kanila na gay ako, and then accepted naman nila ako, except kay kuya, kaya ayun nung namatay sila pinili ni kuyang umalis na lang... kaya lang ako nakakasurvive sa bahay at sa mga gastusin, dahil si kuya ang nag babayad ng lahat ng bayarin sa bahay, and yung sa school, nag iwan ng pera sila mama at papa sakin para sa school expenses ko, dahil expected na nilang may balak si kuyang pabayaan ako.

After ng ilang minuto, wala nang students na naglalakad lakad dito, at ang tagal dumating ni zee, baka may naka salubong na teacher yun tapos inutusan siya... at sakto pumarada siya sa harap ko...

"Ang tagal mo" sabi ko sa kaniya at tsaka sumakay sa kotse niya

"May nakasalubong kasi ako na teacher eh, inutusan pa ako" sabi niya at napatango tango na lang ako dahil tama nga ang hinala ko

"Asawa ko, gusto mo kain muna tayo bago tayo umuwi?" Malumanay na tanong niya sakin at napa isip naman ako, well, okay na rin yun para deretso na ako tulog pag uwi

"Okie" sabi ko lang sa kaniya at saktong nag stop light at tumingin ako sa kaniya at nagulat ako na nakatingin din siya sakin habang naka ngiti

"Where do you wanna eat?" Sweet na tanong niya sakin habang naka smile, teka lang ah... bakit sobrang amo niya ata ngayon? Anong meron? Well okay na din toh kesa mag away na naman kami

"Kahit saan na lang" sabi ko sa kaniya at tumang tango naman siya at saka nag patuloy sa pag drive ng nag green light na...

After naming kumain ay hinatid niya na ako agad sa bahay, nung una ay balak niyang dito matulog pero sinabihan ko siya na dun na siya sa kanila, dahil for sure alalang alala na yung parents nun sa kaniya kahit sabihin mo pang inaupdate ko sila sa wellbeing ni zee sa araw araw, iba pa rin yung sila mismo na kakakita na okay lang si zee. Nagulat na lang ako ng mag vibrate yung phone ko kaya agad kong inopen toh, at message ito from an unknown nimber kaya agad ko itong inopen...

" tulog ka na ng maaga, tama na muna yang kakaaral, naka uwi na ako... goodnight ●3● sleep well, sweet dreams ^3^

P.S save mo tong number ko

- Zee <3<3<3"

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon