CHAPTER 026

816 32 1
                                    

SAINT'S P.O.V

"Kita mo toh, halos mabalian mo na yung tao kanina hindi mo pala siya kilala" sabi niya at nag sigh lang siya at kinuha niya yung phone niya

"You cannot hide your past forever, I know your uncle, hindi nga ako naniwala na mag kamag anak kayo eh, tapos ang hirap pang makahanap ng evidence na connected kayo, hindi siya naka lista sa family list niyo, pinaremove niya pala lahat ng papeles na nag papakita ng connection niyo. Well, close kami ng uncle mo, bukod sa kaibagan siya ng tatay ko, siya ang nag turo sa akin ng self defense" sabi niya at umupo ako pero hindi sa tabi niya

Oo may uncle ako, pero hindi ko lang sinasabi sa iba, katulad nga ng sabi niya hindi siya kasama sa family list namin. Kaya niya pinatanggal lahat ng papeles na nag bibigay ng connections dahil ayaw niyang madamay kami sa gulo ng buhay niya, Leader kasi siya ng isa sa pinaka kilala at pinaka kinatatakutan na Gang sa buong asia. Bago mamatay sila mama, kinontact nila si uncle at pinakiusapan siya na bantayan ako, you know I've said before, I was bullied, madami ang nambubugbog sa akin sa school namin and isa ang kuya ko sa pasimuno dun, that'swhy i said na mas okay na yung pambubully na ginagawa sakin dito kasi mas masakit yung naranasan ko dati. Nung namatay sila mama, agad na umalis si kuya at nalaman ni uncle na mag isa na nga lang ako, kaya nag pakita siya sakin at sinabi niya na kapatid siya ni mama, for 3 years tinuruan niya ako kung pano ko poprotektahan ang sarili ko, and then in that 3 years i was an official member ng gang niya, but unlike ng mga members niya na may tattoo ng symbol nila, wala akong ganon.

"Sorry nga daw pala sabi ng uncle mo, sabi niya nag sinungaling daw siya sayo, siya daw kasi talaga yung nag babayad ng expenses mo sa bahay hindi yung kuya mo, and pinabago daw ng kuya mo yung surname niya" sabi niya at napatango na lang ako sa sinabi niya, so kilala niya nga talaga si uncle at mukhang close nga sila

"So ingat ka na lang pag uuwi ka, lalo na ngayon na hindi na kayo sabay ni zee umuwi, wag ka nang magulat kung may bigla na lang umatake sayo" sabi niya at tumayo siya at lumapit sakin at tinap niya lang shoulder ko at umalis na siya

This is a part of me na ayokong malaman ng iba, dahil sa pagiging member ko ng gang ng uncle ko ay nag karuon ako ng side kung saan pag naiistress ako ay hindi ko nakokontrol yung sarili ko. Kita mo kanina muntikan ko nang mabalian yung benilde na yun. Jake benilde, kinatatakutan na gang leader dito sa city. Well, I've heard about him, apparently hindi lang siya gang leader, drug lord din siya.

Hindi lahat ng gang ay nag dideal sa drugs, may mga gangs na partner ng mga police, dahil may mga bagay na hindi pwedeng gawin ang mga police dun pumapasok ang ibang gang, inuutusan sila ng mga police. Kunwari ilocate yung ganitong sindikato. May limit lang kasi ang kayang gawin ng police, lalo na at may higher ups sila. Pinaka naiinvolve ang gang ng uncle ko pag nasa government na yung iniimbistigahan ng mga police at lalo na pag alam nilang may higher ups sa police ang involve.

Anyways, its not important naman, sinabi ko lang and it doesn't even matter naman, wala naman yang connect sa nararamdaman ko ngayon. I'm still mad, at myslef... well, just to give a little recap of what is happening, i fell in love with a straight guy and im convincing myself that he's the one at fault in here because of his action, when i know damn well that i had a crush on him even before marky, and now that he has this future fiancee, im mad at myself for falling.

"Hey, sabi na andito ka eh" nagulat ako ng may humawak sa balikat ko at muntikan ko nang hawakan yun ng mahigpit at baliin, well its easier to tell the truth, masyadong worked up yung reflexes ko

"What are you doing here?" Tanong ko ng marealize ko na si zee yun at umupo siya sa tabi ko

"Punta ko mamaya sa inyo, ay hindi sumabay ka na sakin, hatid ko lang si Rachel tapos deretso na tayo" sabi niya at tinignan ko siya ng masama pero agad akong umiwas ng tingin at humarap sa libro

"No, may dadaanan pa ako saglit, kung pupunta ka sa bahay pumunta ka na lang may susi ka naman" sabi ko sa kaniya at tumango tango lang siya at naramdaman kong andito pa rin siya sa tabi ko

"Bat andito ka pa?" Takang tanong ko sa kaniya at nakita kong nakatungo siya sa table at nakaharap sa akin

"Eh may klase pa si rachel, may extra subject siya" sabi niya at humarap na lang ako sa libro at napairap.

So ngayon, taga entertain niya na ako pag wala yung babaeng yun? Wow! Ang galing, ako ang takbuhan pag bored or kaya wala yung jowa, grabe ang swerte naman ng buhay ko, napakasaya.

"There i was again tonight forcing laughters, faking smiles~" kanta ko na lang dahil bigla lang pumasok sa isip ko yung part na yan ng enchanted ni taylor

"Ang ganda ng boses mo, asawa ko" sabi niya, hindi ko pinahalata na muntikan na akong mawalan ng hininga nung tawagin niya ako sa lagi niyang tinatawag sa akin, ang bilis ng tibok ng puso ko at nahihirapan akong huminga, sobra sobra na emosyon ko

"I know" sagot ko lang habang tinatry na icompose ang sarili ko dahil any seconds ay baka mag wala na ako sa dami ng nararamdaman ko

"Asawa ko, tulog muna ako dito, tinext ko si rachel na andito ako, gisingin mo na lang ako, alam mo naman ikaw lang nakakagising sakin, baka mabadtrip pa ako kay rachel pag pinilit niya akong gisingin, tulog muna ako lab you" sabi niya ata tumango lang ako, wag na kaya kitang gisingin para mabadtrip ka talaga dun sa babaeng yun, para hindi--

"Lab you!?" Medyo gulat na tanong ko at tinakpan ko agad ang bibig ko at humarap sa opposite way dahil naka harap pala sakin si zee habang nakapikit

ClicheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon