SAINT'S P.O.V
Medyo naalipungatan ako ng may maramdaman akong nagalaw sa kama ko, at may naririnig akong boses kaya binuksan ko ng konti ang mga mata ko at nakita ko si zee na nakaupo sa sahig at nag sosolve ata ng math problem, kaya di ko muna pinaalam na gising na ako.
"Ano ba naman kasi toh eh! Bakit kasi may letters letter pang katabi yun mga numbers tanginang yan!" Pabulong niyang reklamo at napapakamot na lang siya sa ulo niya at medyo napapangiti ako sa itsura niya, ang cute niya pala pag frustrated siya, at nakita ko siyang pumunit ng papel at nag sulat na naman uli, at tinry kong silipin yung sinosolve niya
"Mali ka kasi ng ginagawa" sabi ko sa kaniya at nagulat siya at agad niyang nilaglag yung mga gamit niya na nasa kama ko
"Hay nako! Wag ka nang ano dyan, kanina pa kita pinapanood mag solve" sabi ko sa kaniya at umayos ng upo sa kama ko at tumingin sa orasan, 5:30 pm na pala
"Wait lang cr lang ako" sabi ko sa kaniya at lumabas ng kwarto at dumeretso sa telephone para umorder ng pagkain, pagkatapos ko umorder ay agad akong bumalik sa kwarto at nakita ko siyang naglalaro kaya agad kong kinuha ang phone niya at inoff ito
"No phones." Sabi ko sa kaniya at nilagay ko sa table ko yung phone niya at kinuha ko ang ballpen ko at calcu ko
"Asan na yung sinosolve mo kanina?" Tamong ko sa kaniya at umiling iling lang siya na para bang sinasabing wala naman siyang sinosolve kanina
"Pwede ba? Wag ka nang pabebe, nahuli na kita kanina" sabi ko sa kaniya at ako na lang ang lumapit sa bag niya at kinuha ang notes niya at kinuha yung papel na pinunit niya kanina, at pumwesto ako sa sofa at sa table sa harap nito
"Halika dito" sabi ko sa kaniya at di siya natinag kaya tinignan ko siya ng masama at kumapit naman siya sakin at umupo sa sofa
"Look, etong mga binulugan ko ng red na ballpen yan yung mga mali mo sa equations mo. Ganito kasi yan, may shortcut kasi dyan sa problem na yan okay? Alam mo ba yung FF + 2FL + LL na equation, ibig sabihin nun, you multiply the first by itself and then imultiply mo naman yung first at last tapos imultiply mo sa 2, constant yung 2 dun, tapos imultiply mo naman yung last sa self niya" pag eexplain ko sa kaniya at mukhang nakuha naman na niya
"Gets mo ba?" Tanong ko sa kaniya at tumingin ako sa kaniya at tumango tango naman siya at napangiti naman ako
"Wag kang ngumiti" sabi niya at napa irap lang ako sa kaniya at napangiti uli
"Kita mo na madali mo lang magets, oh dahil gets mo na tong part na toh, gagawa ako ng problems isolve mo using the formula na binigay ko sayo" sabi ko sa kaniya at gumawa ako ng mga problems
Habang nagawa ako ng problems ay nakita ko siyang naglilibot libot sa kwarto ko kaya pinabayaan ko lang siya. Pagkatapos kong gumawa ng problems ay tinignan ko siya, at nakaupo suya sa kama at nagulat ako na hawak niya ang diary ko at binabasa niya iyon
"Hoy!" Sigaw ko sa kaniya at tumayo at pumunta sa kaniya kaso agad niya itinaas yung kamay niya at tumayo siya, kaya tinry kong abutin, pero di ko abot. Kaya agad akong tumalon kaso pag talon ko ay natulak ko siya napahawak siya sa likod ko at parehas kaming bumagsak.
Napadilat na lang ako ng mata at nakitang nakapatong ako sa kaniya, at sobrang lapit lang ng mukha namin sa isa't isa at napatingin lang ako sa mga mata niya at tinignan niya lang din ako sa mata, parang may something sa mata niya na nanghihigop sakin. At parehas kaming nagulat ng may narinig kaming nag doorbell, kaya agad akong umalis sa pagkakapatong sa kaniya at tumayo
"Pwede ikaw na kumuha nun? Pagkain yun, ito card ko ikaw na pumirma dun" sabi ko sa kaniya at tumango tango lang siya at tumakbo palabas ng kwarto ko at ako naman ay napaupo sa sahig.
Ano yun? Anong nangyari? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga mata niya? Anong meron!? My gosh!!! Baka may sakit na ako sa puso.
"Hey open the door, ang dami nito" nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses niya at agad naman akong tumayo para buksan yung pintuan at agad kong kinuha yung iba niyang dala at nilagay sa table
"Oh sige na sagutan mo na yan, kumain ka na din habang sinosolve mo yan" sabi ko sa kaniya at tinignan ang next na lesson sa notes, at napatingin ako sa kaniya bigla.
Ang gwapo niyang tignan habang seryosong nag sasagot, the way he looks at paper, the way he wrote his answers, tapos pag medyo nadadalian na siya sa problem ay parang kiniclick nuya yung tongue niya at hinahawi yung buhok niya pataas, and pag alam niyang tama yung sagot niya napapa smirk siya.
"Huwag mo kong titigan, baka mahulog ka sakin" sabi niya at tumingin siya sakin kaya napabalik ako sa realidad at inirapan ko lang siya agad
"Kapal mo, yung fries yung tinitignan ko!" Pag dedeny ko at agad akong kumuha ng fries at agad itong kinain
"Okay, sabi mo eh" sabi niya at nag smirk lang, at tinuloy ang pag sasagot niya
"Bilisan mo dyan mag english naman tayo after niyan" sabi ko sa kaniya at tumango tango lang siya
BINABASA MO ANG
Cliche
Teen FictionHe's the bad boy and he's the nerdy one... typical story? it might be, and it might be not... just your typical love story, but its between two boys...