Chapter 1

6.1K 267 520
                                    

Before you read this please be advised:

There are some scenes that the characters inside the O.R (Operating Room) went slovenly. But that doesn't mean it is a bad thing. I just used a little twist to see their progress and development in every chapter.

This story contains 13+ themes not suitable for young readers. The incidents and operating scenes might gave you different feeling. However, if you'd like to read, still be reminded that I warned you already.

THIS IS FICTION! FEEL FREE TO LEAVE YOUR FEEDBACKS THANK YOU!










---


Josh Anthony Sandilva's POV





I have this doctor of mine na napaka-strict at napaka-bossy. Siya iyong klase ng doktor na hinding-hindi mo pagsisisihang makasama.

She's humble and kind. Mas inuuna niya ang ibang tao kesa sa sarili niya. It made her look more cooler and beautiful.

Gusto ko ang buhok niyang kulay krema na may kulot kulot sa dulo, kahit minsan halatang walang suklay. Ang natural niyang mapupulang labi, ang kulay pink niyang pisngi at ang nakakaakit niyang mga mata.


Those are the things that I really like about her. She's the only doctor na kayang tapatan ang ugali ko. Ang tanging doktor na kayang patibokin ng triple ang puso ko.

She's my doctor who save and change my life.

My doctor who filled the emptiness inside me.

Ang Wonderwoman ng buhay ko.

Let's all meet...

My Adorable Doctor


~~~~~********~~~~~




Joycel's POV



Kasalukuyan akong nagpipirma sa logbook ng nurse station nang marinig ko ang boses ng isang nurse na tumatakbo papalapit sa akin.

"Doc! Doc! 'Yong pasyente po sa private room kailangan po kayo ngayon!" sigaw ng nurse habang sapo sapo ang dibdib na humihingal.

Nangunot ang noo ko bago tumango at tumakbo papunta sa tinutukoy na kwarto ng nurse. 'Di na inalintana ang mga titig ng mga tao na nalalagpasan sa hallway na bumabati sa akin dahil sa pagmamadali.

Nang makarating sa paroroonang kwarto ay nakita ko kung paano magmaktol ang isang pasyente habang kinakausap ng mga assigned nurses niya.

"I said I want to see my doctor!" Sigaw pa nito sa nakakainis na paraan. Mariin kong naipikit ang mga mata at napahilot na lamang sa sentido. Naglakad ako ng marahan papasok sa loob para pagmasdan siya ng ilang saglit.

"Papunta na po si Doc. Joy, Sir. Hintayin po muna natin," saad ng nurse sa paraang nagtatahan lang ata ng sanggol.

"I need her, now!" Mariin niyang ani.

I crossed my arms over my chest and stared at him lifelessly.

Namilog ang mata ng nurse na unang nakapansin sa akin at marahang lumapit. Bakas sa kaniyang itsura ang pagod at kaba.

"Doc, ayaw po papigil e, kaya tumawag na kami sa'yo. G-gusto na raw niya lumabas, Doc." sumbong nito sa akin habang nagkakamot pa ng ulo.

Naging dahilan din iyon upang balingan ako ng pasyente kong makulit. His brows furrowed and a slight smile formed from it, pero hindi rin naman iyon nagtagal.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon