Dedicated to: @AngelRollan7 thank you po sayo💞
Joycel's POV
"Ano po order niyo Ma'am?" Ani ng babaeng staff sa counter. I smiled and look up to see their menu.
"Two Cappuccino at dalawang slice ng Black Forest cake," sabay lahad ko sa credit card. She nodded and instantly prepared my order.
Nandito ako ngayon sa Zaro's Cafe malapit lang sa restaurant ni Jergen. Kakagaling ko lang sa ospital at nang matapos sa pagkonsulta sa mga pasyente at pagkuha na rin ng gamot pang-hangover ay pumunta na ako dito para bumili ng kape.
"Here's your order, Ma'am. Thank you and come again," she said. Ngiti at tango lang ang iginawad ko bago umalis.
Habang papasok sa kotse ko ay natanaw ko iyong babae na kasama ni Josh kagabi. Franchesca ata ang pangalan no'n? Napatingin siya sa direksyon ko at kumaway. I smiled to her as well and wave back.
"Hi Miss!" sigaw niya at lumapit sa akin. She's wearing a loose t-shirt and a fitted jeans abd a black cap, looking so cool. Napapansin ko na may pagkaboyish ang style niya, pero sexy.
"Hello, saan ang punta mo?" Tanong ko.
"Mamamasyal ako. Namiss ko ang Pilipinas e," she chuckled a bit. Tumango lang ako. May alam ba 'to kung bakit lasing si Josh kagabi? Napalunok ako.
"Ahmm, tungkol kay Josh pala. Bakit lasing siya... kagabi?" I asked. Did I sound so concern? Baka makahalata siya. Pero bakit ba? Damn.
Pansamantalang pagtataka sa expression ang nakita ko sa kaniya bago siya napangisi at mahinang napatawa.
"Pinilit ng barkada namin uminom e. Napasobra ata kaya headshot!" Sabay halakhak niya.
Bahagya rin akong natawa at napiling na lamang. Kapag nadadala talaga ng barkada kung ano ano na ang nagagawa.
"Bakit parang kilalang kilala mo si Josh? The way you speak his name, kakaiba..." dugtong niya na nagpatigil ng pag-iisip ko. Maang labi ko siyang natitigan, pansamantala din akong naestatwa. Napakagat labi ako at agarang nag-iwas ng tingin sa kanya.
"A-ano... k-kasi... nakita ko siya kanina sa harap ng pintuan niya na nakahiga. Lasing na lasing," nauutal kong saad. Kinakabahan ako ng sobra, bigla na lang kasing nagseryoso ang mukha niya.
"Hindi yan ang ibig kong sabihin, kilala mo ba si Josh dati?" naniningkit ang matang aniya. T-teka? Bakit naman agaran siyang nagtatanong ng ganito?
Nanigas ako sa kinatatayuan at napalunok. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang gusto kong sabihin ang totoo pero parang may nagsasabi sa akin na hindi muna ngayon.
Kailangan ko sigurong sundin ang huli. This is not the right time to reveal myself kung ano ako sa buhay ni Josh. I think I still need to take this slow between us. Sa aming dalawa ay ako ang mas hindi maargabyado. Restraining lost memories might gave him a shock. Pero bago pa man ako makasagot ulit ay dumugtong na siya ng singhap.
"Ay naku! Sorry, Miss Joy. Minsan may pagka eng-eng talaga ako," she laugh. Nangunot ang noo ko.
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko," saad niya na parang nalilinawan na sa isang pagkakamali.
I gave her a smile before nodding. Nakahinga ako ng maluwag sa inabi niyang iyon. Nangangapa pa kasi ako ng maisasagot. Parang nagka-blank spot ang utak ko.
BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Storie d'amore[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...
![My Adorable Doctor [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/214829774-64-k517089.jpg)