Chapter 17

845 102 72
                                    

Chapter 17



Joy's POV

Tinitigan ko ang ospital na una kung pinasukan.

A.M Canigo Hospital.

The place where I met him. Ito ang lugar kung saan una kaming nagkakilala, nagkasama, nagsaya at nagkahiwalay. It's so hard to came back to this place. Dito nagsimula ang lahat ng saya, sakit at pait, pero di ko aakalaing mababalik pa ako dito at tanggapin ulit ng ama ko.

Maraming nagbago, maraming nawala at meron namang nagpaiwan. Ilan lang yan sa mga napansin ko dito sa ospital namin.

Habang papasok sa loob  ay maraming tao ang napatingin sa direksyon ko. MapaNurse, Doctor, pasyente at mga watchers man napatigil sa kanilang nga ginagawa. Dinig na dinig ko nga rin ang mga bulung bulongan nila sa paligid. Yung iba kilala ako at yung iba naman ay ngayon lang ako nakita.

"She's back."

"She's still beautiful as ever"

"Parang mas dumadami ang mga magagandang Doctor ngayon ahh."

"Can't wait to be her patient."

Bahagya akong napatawa dahil sa huling narinig ko pero binalewala ko na lang lahat ng iyon at nagpatuloy na sa paglalakad. Habang nagtitingin sa paligid ay isang babaeng nakasuot ng gown ang nagpahinto sa akin.

Her blue eyes, her straight hair, her sexy body and her gorgeous face made everyone glanced at her. Kitang kita ang karangyaan sa pananamit at kilos niya. She's like Anna Hathaway for having those angelic face. Pero siya din yung klase ng babae na kung tititigan mo ng maigi, ay may di kaaya ayang pakiramdam.

She stopped in front of me and give me an evil smirk. Evil? Yeah, may talento rin kaya akong basahin ang ugali ng tao sa pamamagitan ng paninitig lang. At ang isang ito, ay maihahalintulad ko sa isang demonyo. May kahawig siyang tao.

"The princess is back?! What a wonderful day nga naman diba?" She said almost saying na bakit pa ako bumalik. The way she act, parang dati pa siyang nagtatrabaho dito.

"Yeah, it's a very wonderful day. Newbie." After I said those words, her eyebrows just raise in annoyance. Ang dali mo naman palang galitin ehh.

"Hmm, by the way Im Cristine Agcala." Maarte niyang inilahad ang kamay niya sakin. Yeah right, Miguel Agcala's daughter.

"Ohh nice to meet you, Im Joycel Canigo, anak ng may-ari nitong ospital." Ngumiti ako at akmang aabutin na ang kamay niya ng bigla niya itong binawi. Naiwan ang kawawa kong kamay sa ere.

Nice, just nice.

She smirked and left me dumbfounded. Ha! Kung titingnan ng iba ang sitwasyon ko, ay para akong inichapwera.

Galing mo ring babae ka ahh. Manang mana sa Ama.

Ibinaba ko ang kamay ko at huminga ng malalim. Ngayong lumpo na ang ama niya, siya na naman ang pumalit para manggulo.

Sorry Agcala's, di na ako ang dating doctor na kayang kaya niyong apak apakan.

Kung ang Daddy ko ay nagawa niyong lokohin at patumbahin, Pwes! Di niyo ako kayang kontrahin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nginingitian ang mga taong kakilala ko na bumabati sa akin. Nang makarating na sa aking opisina ay dun pa ako nakahinga ng maluwag. Inilibot ko ang paningin ko at napansin ang konting pagbabago ng opisina. Siguro may gumamit nito nung wala pa ako at inayos nalang ng konti.

I open the curtains and saw the beautiful City of Makati. How I miss this place, magmula kasi ng umalis si Josh ay lumipat narin ako sa ospital nina Marco.

Suddenly, someone knock on the door of my office. "Come in."

Bumukas ang pinto at pumasok si Papa. Nakangiti siyang lumapit sa akin at tinitigan ang buong opisina ko.

"I guess, magsisimula ka na ngayong araw." He chuckled.

"Oo naman, Im going to check my new patients after I arrange my things to their proper places."

"Good, Im inviting you to have dinner with us later. Makakapunta ka ba?"

"Sure Dad, makakapunta ako."

Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti at nagpaalam na rin para umalis. Nang makalabas siya ay biglang sumulpot sa isipan ko ang mga tanong.

Alam ba niya na bumalik na Si Josh Sandilva? Did he already know na may amnesia ito?

I wonder kung magkasabwat parin sila ni Miguel ngayon o hindi na. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit di na nakakalakad si Miguel. Did he got in an accident? Or got stroke?

Karma is a bitch nga naman talaga.





Lumabas ako ng office at napagpasiyahang libutin ang kalagayan ng ospital.

Kinuha ko ang tali sa aking buhok at inilugay. My brown silky hair is dancing through my back. I brush it using my fingers and walk confidently.

Di nakalampas sa paningin ko ang iilang mga tao na nagsitigil sa mga ginagawa at napapatingin sakin, mapa-Doctor man o mga pasyente na nagpapahinga sa lobby nitong ospital. Di ko napigilan ang mahinang pagtawa dahil sa naging reaksyon ng paligid.

"Doc. Joy!" Umalingawngaw sa paligid ang pamilyar na boses na iyun.

Agad akong napatingin sa taong kumuha ng atensyon ko at napangiti.

"Ohh? Matheo, kamusta?"

He smiled to me. "Ok lang, Sorry kung matagal ulit tayong di nagkita. Umuwi kasi ako ng Cebu. How about you?"

Kaya pala di ko na siya nakita pa mula noong gabi na nagdinner kami.

"Ok lang rin, Ahmm bakit ka nandito?"
Tanong ko. Naalala ko kasi na lumipat siya ng ospital ni Marco at ngayon nandito nanaman.

"Ahh ehh k-kasi nalaman ko na bumalik kana dito." Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Klarong klaro iyon dahil sa puti ng balat niya.

Dahil sakin? Napatawa ako ng dahan dahan siyang tumango. Woww.

Di ko naisip na may Doctor na ganito. I mean, parang mas tinututukan pa niya ang pagsunod sa akin kesa sa mga pasyente niya.

"Baka pagagalitan ka ni Marco niyan. You're switching places."

"Don't worry nakausap ko na siya tungkol dun."

Napangiti ako at napailing nalang. He's older than me pero parang bata, I think he's 29 years old now. He likes me and I know that, pero ayaw ko namang umasa siya saakin pagdating ng panahon.

Di pa naman niya sinasabi sakin kung ano talaga ang nararamdaman niya pero di naman ako manhid para di malaman ang mga kakaibang kilos na ipinapakita niya sakin.

Matapos naming mag-usap ng mga konting bagay ay nagpaalam narin siya dahil may meeting pang dadaluhan.

Naging matiwasay ang araw ko kahit na naiirita ako sa presensya na hatid ni Cristine. Kapag nagkakatagpo kami ay panay ang taas ng kilay niya sakin at pagngisi.

Tss. Di ko naman ikakaunlad ang pang-iinis niya sakin.


Dumating ang gabi at pumunta na ako ng bahay para makasama sa dinner sina Dad at Mommy.

Habang papasok palang ako ng bahay ay kitang kita ko si Mommy na nagmamadaling lumapit sa akin. I miss my family so much.

"I miss you Anak." She hugged me tight na siya namang tinugunan ko.

"I miss you more Mom."

Masaya kaming naghapunan at di na mawala wala sa labi ko ang ngiti. Im happy to see my Mom and Dad na nakangiting nakikipagkwentuhan sa akin sa hapag kainan.

Sana naman ay magpatuloy ang ganitong kasayang pagsasama namin. Yung walang problema at gulo.


My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon