Do not choose to be wrong for the sake of being different.
-Lord Samuel
-----------------------------------------------------
Chapter 32
~ playing : Ganito na pala ang pag-ibig by Marika (A/N: sa mga readers lang na kayang magbasa habang may background music. Para mas feel hehehe, kung 'di niyo naman feel 'wag nalang. Peysss✌)
Tumunog ang cellphone ko na naging dahilan ng pagkaputol ng maganda kong panaginip. Pagod kong kinuha ang cellphone sa mesa at tiningnan ang caller's I.D. unknown number ang nakalagay.
Busangot ko itong sinagot habang pinipilit na mapanatag ang boses. Sa sobrang pagod kaya nakatulog agad ako pagkarating ko dito sa opisina pagkatapos naming mag-usap ng masinsinan ni Cristine.
"Hello? This is Dr. Canigo from A.M Canigo Hospital? How may I help you?" Ramdam ko ang antok sa boses ko kaya bahagya akong tumikhim.
"Kahit sa telepono napakasexy parin ng boses mo, Doc." Sabay hagikhik ng nasa kabilang linya.
Nangunot ang noo ko at umayos ng pagkakaupo sa swivel chair.
"Hello? Speaking?" Seriously? Di ko talaga 'to kilala. Kung may pangalan lang sana ay malalaman ko pa.
"Ouch! Doc, asawa mo 'to," maarteng sabi pa nito. Kumabog ang dibdib ko ng unti unting nakikilala ang boses niya. Sumilay ang ngiti sa labi ko ng may naisip.
"Ha? Bata, baka nagkakamali ka ng natawagan," tinakpan ko ang bibig ko para 'di matawa ng malakas.
"What?! Bata?! The heck! This is Josh Sandilva," inis niyang saad na naging dahilan ng malakas na pagtawa ko.
"You're making fun of me!" Dugtong pa niya. Kahit 'di ko siya nakikita ay alam ko na busangot na naman ang kanyang mukha.
"No I'm not, kung sinabi mo lang kaagad ang pangalan mo baka nakilala kita agad."
"Tinawag mo akong bata tapos 'di mo pa nakilala boses ko, Hmp! nagtatampo ako. Punta ka na dito sa kwarto ko, tabi tayo matulog." He commanded. Bakit ba napaka-childish ng halimaw na 'to? Bahagya akong natawa.
"Galit ka?"
"No, nagtatampo lang. Mahirap pa naman akong paamuhin ulit, punta ka na dito Doc." Pagmamaktol pa niya.
"Paamuhin? Ano ka aso?" I chuckled.
"Tuta Doc, tuta kasi cute at ikaw ang amo ko," sabi pa niya. Baliw talaga. Napailing ako at tumayo na.
"Oo na, papunta na po."
"Don't hang up the phone until you open my room." Ma-awtoridad na aniya.
"Ha? Bakit naman?" Natatawang tanong ko.
"Basta, gusto ko marinig boses mo habang nasa cellphone," he said. I smirked at his cuteness.
"Napaka-bossy mo, supalpalin kita dyan e," natatawang saad ko. Lumabas na ako ng opisina ko at naglakad na papunta sa elevator.

BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...