Chapter 26"Talaga?! 28 ka na?!" Di makapaniwalang turan ni Cheska.
Naiilang akong tumango at nagpilit ng ngiti. Binibig deal talaga niya eh.
"Hahaha palabiro ka a, hahaha" dugtong pa niya. Wala na yatang pag-asa para paniwalain to.
"Tss. Nalunod na ba sa sabaw ang utak mo ha?" Hirit ni Josh habang sinasamaan ng tingin si Cheska. And I laughed a little because of that.
Nandito kami ngayon sa Mall at 8:45 palang ng umaga. Maaga kasing nambulabog si Cheska na magshopping.
At imbes na mahaba ang tulog na inaasahan ko, sa kasamaang palad hindi ko nakamtan.
Flashback:
"Marami ang pinsan ko pero ewan ko ba kung bakit mas close ako dyan kay Josh. Hehe ginayuma ata ako nyan hahaha." Halakhak ni Cheska habang nagkikwento sa akin. Nakahiga kami sa king size bed na kama ni Josh ngayon.
I fake a laugh at pinilit na idilat ang mata para lang mapakinggan siya. Alas-dose na at kanina pa siya nagkikwento tungkol kay Josh. I really love to listen dahil tungkol ito kay Josh pero parang di na kaya ng katawan ko.
I glanced at Josh. He's sleeping peacefully beside me. Yakap yakap niya ang isang unan habang nakaawang ang bibig. Napakacute tingnan.
Tama, magkatabi kaming tatlo at para kaming mga binubod. Mabuti nalang may aircon kaya di masyadong mainit.
"Ang swerte ng babaeng mamahalin ni Josh kung alam mo lang." Dahil sa sinabi niyang iyon ay agad na napunta ang atensyon ko sa kanya.
"B-bakit naman?" Wala sa sariling tanong ko.
"Stick to one 'yan e, may hinihintay 'yan. Saksi ako sa bawat araw na may pinagdadaanan siya." I gulped as I heared those words from her. Its like she's been there whenever Josh is suffering.
Im really thankful that Josh have a cousin like her. Willing to help him anytime.
"Why? A-ano ba ang nangyari sa kanya?" I asked. Alam ko ang lahat. Gusto ko lang talaga na malaman kung ano talaga ang mga alam niya kay Josh.
"Inoperahan siya mula sa sakit niyang tumor 3 years ago, akala namin magiging okay na ang lahat pagkagising niya, pero di namin inaasahan na magkakacomplete memory loss siya. Nagkakomplikasyon daw noong time na inoperahan siya kaya ganoon. Awang awa ako sa pinsan ko. Awang awa ako sa kanya." I feel like my heart is aching badly. Nag-iwas ako ng tingin at pasimpleng pinunasan ang luha sa mata ko. Knowing Josh has been suffering. Napakasakit para sa akin.
Her words is like a dagger. Sa mga binibitawan niyang salita ay ramdam ko ang hinanakit niya. Bihira lang makatagpo ng mga taong kagaya ni Cheska. I placed my hand on her and hold it tightly.
End of flashback
"Kamusta pala ang tulog mo Joy?" Nakangising turan ni Cheska at sumimsim sa strawberry shake niya.
"Pinatulog mo ako ng napakahimbing Cheska." Sarkastik kong turan habang medyo natatawa.
"Suss, katabi mo lang talaga si Josh kaya di ka nakatulog!" Nanlalaki ang mga mata ko habang tinititigan siyang walang humpay na tumatawa at tinutukso ako. "Ang pula ni Josh, sarap pagprituhan ng itlog hahaha" asar niya naman kay Josh.
Ang mga tao sa paligid ay medyo napapatingin sa gawi namin. Gusto ko mang pigilan sa pag-iingay si Cheska pero pinabayaan ko nalang haha. She's fun to talk to lalo na kapag kasama si Josh.

BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...