Chapter 24

839 61 23
                                    

A/N: Ito na po ang update. Hahahaha mag-uupdate na talaga ako kasi madaming nangungulit ng update. Haha Charrot lang.

Baka magbigay din ako ng "Facts" about sa story. May ganern ako ehh. Hahaha

------------------------------------------

Chapter 24

"Total removal ang ginamit na surgery ni Doc. Miguel Agcala kay Josh Sandilva. Kapag gagamit ka nang ganitong surgery sa isang pasyente na may tumor, asahan mo na ang mga bad effects. Ang total removal surgery ay bagay sa mga taong eksperto at bihasa na sa pag-oopera gamit iyon. Pero sa sitwasyon ni Josh ngayon, masasabi kong di magaling na doctor iyang si Agcala. Pwede din naman na sinadya niya... Maraming dahilan." 

Iyon ang mga salitang binitawan ni Marco kagabi nang tumawag siya saakin pagka-uwi namin ni Josh. Napag-usapan namin ang past record ni Josh nung nasa Australia siya inoperahan. May mga nalaman kaming kakaiba at patuloy na tinututukan namin.

May biglang kumatok sa pintuan ng opisina ko habang iniisip ko ang lahat ng sinabi ni Doc. Marco.

"Come in..."

Inayos ko ang pagkakalugay ng buhok ko at inayos ang mga papeles na nasa mesa. Pumasok sa loob ang isa sa inutusan kong nurse kanina.

"Ito na po ang record ni Aries Carballo, Doctora." Sabay abot niya sakin sa record book.

"No, tell it to me. Wala akong panahon para magbasa." Busy ako sa pagchecheck ng mga medical records ng mga pasyente sa monitor at sa paparating na bigating pasyente.

Tumikhim siya bago nagsalita.

"14 days na siyang may mental stupor, pero normal ang motor nerves niya."

"Nofollow up ang CT scan?" Tanong ko habang patuloy na nakatuon sa monitor.

"Oo at normal po lahat."

Binigyan ko siya ng pansin at tinitigan ng seryoso sa mata. Kitang kita ko ang paraan ng paglunok niya.

Strict yata ako masyado. Tskk.

"Matanda na siya kaya wala siyang enerhiya, bigyan siya ng sapat na nutrition at palitan ang position," sabi ko habang pinagsalikop ang mga kamay at nakatitig sa namumutla niyang mukha. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil doon.

"O-opo Doc..." Tumalikod siya at akmang lalabas na.

"Wait Nurse Mary, may sakit ka ba?"

Agad siyang napaharap sa akin. At ngumiti ng malapad.

"N-Naku Doctora wala po hehehe" nakangiti niyang turan. "S-sige Doc, alis na po ako."

Nakangiti ko siyang tinanguan. Pagkalabas niya ay marahan kong ipinikit ang mga mata at hinilot ang sentido. Seryoso ako kapag oras ng trabaho kaya medyo strict ako, yeah I admit it.

Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang ginagawa ng may biglang pumasok sa opisina ko.

"I can do the operation, h'wag ka nang tumulong pa sa akin." Taas noo niyang turan habang nakatitig sa akin.

Pagod ko siyang binalingan.

"Doc. Cristine Agcala, di mo ba nadinig ang sinabi ni Doctor Canigo? We should do it together."

She twisted her lips at ngumisi ng nakakaloko sa akin.

"Kaya ko ang surgery na iyon na wala ka," sabi niya.

Humilig ako sa swivel chair ko at tinitigan siya ng maigi. Umangat ang gilid ng labi ko para bigyan siya ng nagtatakang ekspresyon.

"Isang araw mo bang pinag-isipan na sabihin ito sakin?" Natatawang turan ko. Seriously? Kahapon pa sinabi ni Dad ito sa amin, tapos ngayon siya magsasalita sa akin ng ganyan? Ano na naman ba ang plano ng isang to?

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon