Our cute Baby "Shin Won Ho" as "Josh Anthony Sandilva" 💕☝
---------------------------------Chapter 3
"Wala ka bang ibang gagawin ngayon?" Tanong niya sa akin.
Nasa loob ako ng kwarto niya habang nagbabasa ng magazine. Tapos na ako sa rounds ko kaya nagpapahinga muna. I always stay at his room kapag walang masyadong ginagawa. Nakikipag-usap o 'di kaya inaasar siya. Sideline ko kapag walang trabaho masyado. Madalas kasing wala ang parents niya, parang may iba pang pinagkakaabalahan.
"Checking the intern students later, maybe?" Ani ko ng hindi sigurado.
"Ahmm... Kailan mo ako ooperahan?" Daglian niyang tanong na naging dahilan ng pag-angat ko ng tingin sa kaniya.
Tikom ang bibig akong napangiti bago sumagot. "I'm still preparing the time, I'll tell you if may schedule na tayo."
After that, wala nang maski isa pang nagsalita sa amin.
"Ayaw ko nang umalis dito," Biglaang niyang saad dahilan para mamilog ang mata ko at bahagyang matawa dahil sa sinabi niya."Bakit naman? Ikaw lang yata ang nagsasabi ng ganyan," I chuckled and flip the next page of the magazine.
"Kapag umalis ako dito, hindi na kita makikita pa araw araw. I'm sure hindi mo rin ako mabibisita kapag nakauwi na ako," his lips twitched cutely.
Napatawa ako dahil sa sinabi niya. At the same time nasiyahan. I felt so happy after hearing those words from him. Tumitibok din ng mabilis ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.
"Bibisita ako palagi, personal doctor mo ako kaya kasali 'yan sa trabaho ko," I winked at him.
His soft white cheeks immediately went reddish. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pasimpleng napatikhim. Hindi ko tuloy mapigilang mapatawa ng hanggang tenga ay namumula siya. Ibang klase talaga.
"Tss. Bakit ka pa dito tumatambay?! Hah?!" He asked trying to be looked annoyed even though he's still flushing red!
"Sabi mo nabobored ka? Kaya dito na lang ako tumambay para may makausap ka naman," Nakita ko ang paraan ng pagnguso niya at ang paraan niya ng pagpipigil ng ngiti. His dimples are showing. Damn that dimples!
"May...a-ano..." napataas ang kilay ko ng maramdaman ang panginginig sa boses niya, tila kabado at kinakabahan sa sasabihin. Which I find really cute.
"Ano?"
"May b-boyfriend ka na ba?" Natigilan ako at pinakiramdaman siya ng ilang saglit. He pursed his lips while swallowing hard. Natanong na 'to kahapon lang, ah. I smirked and shooked my head.
"Maganda ba ako?" Direkta kong tanong, sa halip na sagutin siya ay tanong ang ibinigay ko. Gulat na reaksyon lang ang iginawad niya sa akin. Bumuka ang bibig niya pansamantala pero wala namang salita na lumalabas.
"Kung sasabihin ko ang totoo, anong gagawin mo?" Sagot niya at parang tinitimbang ang reaksyon ko.
"Depende sa sasabihin mo," sabay kindat ko sa kanya. Napansin ko ang pagkailang niya kaya kumuha ako ng upuan at nilagay malapit sa kaniyang kama. Umupo ako at humilig doon.
"You're pretty, inside and out," saad niya na naging dahilan ng pag-iinit ng pisngi ko. My heart suddenly skip its beat. He's looking directly at me. With pure emotions and affection. Agarang dinaanan ng kilig ang sistema ko.
BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...