Chapter 28

810 61 62
                                    

"You don't have to be great to start, but you have to start to be great."

-Zig Ziglar

------------------------------------------------------

Chapter 28


Joy's POV

"Give the operation to Doc Cristine Agcala," saad ni Daddy habang nakaupo sa kanyang swivel chair at tila malalim ang iniisip. Nasa loob parin kami ng opisina niya.

"Dad, parang pinapalabas mo na di ko kaya ang operasyon kung ganoon." Sabi ko habang di mapakali na nakaupo sa upuan na nasa harap ng mesa niya.

"'Yan nga ang dapat na mangyari. Joycel, ipakita mo na di mo kaya ang mga ginagawa ni Cristine. Ipakita mo na mas magaling siya kesa sayo. Gawin mo ang kabaliktaran. Sa paraang 'yan natin dahan dahang mapapaikot ang isip nilang mag-ama."

"P-pero Dad—"

"Joycel, ang kompanya natin ang punterya nila mula una palang. Matalik kong kaibigan si Miguel pero nung nalaman niya na magdodoktor ka at ikaw ang magiging tagapagmana ng kompanya ko, nagbago ang lahat." Turan niya at hinawakan ang kamay ko.

Nangunot ang noo ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. Alam kong may malalim pa na dahilan. Labis akong nasaktan noong tuluyang nakuha ni Miguel Agcala si Josh sa akin. Naisip ko na ang dahilan kung bakit niya kinuha si Josh ay para maging isa sa pinakahinahangaang doktor sa buong mundo dahil isa si Josh sa pinakamayamang angkan ng pamilya.

Pero tatlong taon kung hinintay ang mga balita tungkol sa kanya kung successful ba ang operation kay Josh o hindi ngunit wala akong nakalap.

"P-pero bakit mo ako tintrato na parang di mo anak? Dad, bakit mo ginawa 'yun saakin? Anong sinabi niya sa'yo Dad? Sabihin mo sa akin ang dahilan please." His expression makes me terrified even more.

Sa nakalipas na tatlong taon ay 'di ko parin makalimutan ang ginawa niyang pagtrato sa akin. Lalo na ang pagkampi niya kay Miguel na kunin si Josh sa akin. Kaya kong operahan si Josh, kaya ko siyang pagalingin. Pero bakit mas kinampihan niya si Miguel kesa sa akin? Ako ang anak! Kaibigan niya lang iyon! Alam kong may mas malalim pa na dahilan. Sobra akong nasaktan sa ginawa nila sa akin dati, at di ko 'yun basta bastang makakalimutan.

"A-anak...di pa ngayon ang araw para malaman mo ang lahat." Nanginginig niyang turan habang diretso ang mga mata na nakatitig sa akin. May namumuong mga luha sa mata niya na nagbigay sa akin ng takot.

"Did he blackmail you dad?! Tell me! Did he tell you something?! Dahil alam kong di makakagawa ang isang ama ng ganoon ka sama sa anak kong walang malalalim na dahilan!"

Pero kahit ano mang dahilan, di parin niya dapat ako trinato na parang isang basura. Ang pagsalitaan ng walang kwenta ng isang ama ay nakakamatay!

While looking at him I saw tears falling again from his eyes. It's killing me! Damn! Seeing my father also suffering makes me also cry. It's breaking my heart into million pieces.

"Not this time Joycel, not this time. I'll tell you soon but please not this time." Mahigpit ang kapit niya sa kamay ko.



UMALIS ako sa opisina niya na maraming tanong at maraming gustong malaman. But I don't want to pressure him too. Parehas lang kaming nahihirapan, may dahilan siya kung bakit ayaw pa niyang sabihin sa akin ang lahat.

Habang naglalakad papunta sa E.R kung saan si Cheska naghihintay kay Josh ay nadatnan ko si Cristine.

She smirked and crossed her arms. This bitch is a devil. Malaman ko lang ang lahat at makahanap man ako ng ebidensiya para ipanglaban sa kanya, hinding hindi ko siya mapapatawad.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon