Chapter 35 - The Last

1.5K 49 12
                                    

There are two ways you can spread light; you can be candle that makes it shine or the mirror that reflects it.

-Edith Warton

----------------------------------------------------

Chapter 35

Charice has been jailed kasama ang nautusan niyang barilin ako na si Josh naman ang natamaan, pero kahit katiting walang bakas ng pagsisisi sa mukha niya.

"Ikaw sana ang tinamaan!" She said those words to me in a fearless way. Paulit ulit din iyong rumirehistro sa isip ko hanggang sa nakalabas kami ng presento.

"'Di ko inaasahan na magagawa 'yon ni Charice, 'di naman siya ganun dati," malungkot na saad ni Rack ng papalabas na kami sa presento.

"Ako nga rin e, dahil siguro nabulag na siya ng tuluyan dahil sa selos kaya ganoon. She became a monster." Cheska muttered.

Bakas ang pagkadismaya nilang lahat dahil nagawa ni Charice. Ako nga rin e, 'di ko rin inaasahan na makakaya niyang pumatay para lang sa taong mahal niya. It's totally crazy and merciless.

"Are you okay Joy?" Bahagya kong naramdaman ang haplos ni Jergen sa mga braso ko. I smiled to her to assured that I'm okay but still, her suspicious look are being showed.

Nag-iwas ako ng tingin para 'di niya mabasa ang nasa mga mata ko. Ayaw kong mag-alala rin siya sa akin. May problema din siyang dinadala kaya mas mabuting akuin ko muna sa ngayon ang akin. Sasabihin ko rin sa kanya kapag darating ang panahon.

"May alam ka ba kung asan si Josh, Joy?" Tanong ni Rack sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nagtatakang napabaling sa kanya.

"'Di ko alam Rack e, s-simula kagabi 'di na siya nagparamdam sa akin," malungkot akong napatungo. 'Di ko pwedeng itago ang tampo ko sa kanya. Pagkatapos ng tawag at text niya sa akin kahapon sa hapon ay 'di na iyon nasundan pa. Sabi niya nasa kaibigan lang daw na Lawyer. Ewan ko kung ano ang ginagawa.

"Baka nagpapamiss lang? Alam naman natin na utak talangka parin ang hayop na 'yon e," natawa kaming lahat dahil sa sinabi ni Cheska.

"Your cruel," Rack tsked at Cheska.

"Mukha mo! Isa ka pa e,"

"Anong ako?! Ikaw kaya 'yan! Kung 'di ka lang babae... Naku!" Iritadong sambit ni Rack at inis na umunang naglakad.

"Baka ako ang makapatay sa susunod, pigilan niyo ko! Mapapatay ko ang Nurse na 'yan!" Pagpaparinig ni Cheska sa papalayong si Rack.

"Easy ka lang okay? Ang aga tapos ang init ng ulo niyo," natatawang sabi ni Jergen.

"Baka kayo ang magkatuluyan sa susunod niyan a," I mocked.

"Nahawaan ka na ni Josh, Joy ano? 'Di yan mangyayari. Sa kutong Rack na 'yun? Aso nalang ang mamahalin ko 'wag lang 'yon." She rolled her eyes annoyingly that made me laugh even more.

Habang nasa kalagitnaan ng kantyawan ay biglang nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa purse na dala at tiningnan ang text na galing kay Mommy.

Mommy:

Anak, pumunta ka muna dito sa sementeryo. Hihintayin kita.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon