Chapter 16

910 106 72
                                    


Chapter 16

"Ano na namang mukha 'yan?" Pambungad ko kay Jergen ng makita ko siya sa opisina niya na busangot ang mukha at parang malalim ang iniisip. Tila nagpanting ang kanyang tenga ng makita ako. Ano kayang problema ng babaeng to?

"Oh? Napabisita ka? Tapos kana sa rounds mo?" Sunod sunod na tanong niya. Winawala ang tanong ko. Napansin ko ang kaibahan niya ngayon. Dati kasi para siyang ibon sa umaga kung makita ako. Mag-iingay siya ng mag-iingay. Pero iba ata ang mood niya ngayon.

"Kakain na sana ako, pero mas pinili ko na puntahan ka muna dito sa opisina mo. May problema ba?"

Kitang kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya at malungkot na nag-iwas ng tingin. Sa ganitong sitwasyon, ayaw na ayaw kong nakikita siya ng ganyan. Parang problema niya, problema ko na rin.

"Care to tell me? Jergen?" Tanong ko sa kanya. Nag-aalala na kasi ako, ayaw kong nakikita siya ng ganito.

Bigla nalang siyang napahikbi at lumapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiyak ng umiyak sa mga bisig ko.

"J-Joy..." Her tears suddenly fall from her pinkish cheeks. I hugged her tight, nag-babakasakaling maibsan ang nararamdaman niya ngayon. Napakasakit na makita ng ganito ang kaibigan mo.

Papatahanin ko muna siya bago ako magtanong kung ano ang problema niya. Ayaw kong tanungin siya ng ganitong nahihirapan pa siya.

Ilang minuto ang lumipas ay tumigil na rin siya sa pag-iyak, pero andun parin ang mga luha na nagbabadyang mahulog sa kanyang mga mata.

"W-What's wrong? May nangyari ba Jergen?" I brushed her straight silky hair with my fingers. Natatabunan na kasi ang mukha niya.

"I-Inatake sa p-puso si Daddy kagabi. At n-ninakawan ang kompanya ni M-Mommy ng isa sa mga investors niya kaya naubusan na kami ng pera. And we really need a money para gumaling si Daddy. Now, Im planning p-para ibenta sa iba itong restaurant ko para makatulong. Joy, naguguluhan na ako, anong gagawin ko?" And then she cried again. It's so hard to see your best friend suffering. Ramdam na ramdam ko rin ang hirap na pasan niya ngayon. I need to help her.

"I will help you ok? Dont worry, malalagpasan mo yan. H'wag kang mawawalan ng pag-asa, you know Im always here for you right?" Tumango lang siya at patuloy na umiiyak.



"I don't want to sell this restaurant, its my life. But I dont have any choice right now, ayaw ko namang mangutang. Mas lalo lang akong maaargabyado." Sabi niya ng medyo kumalma na mula sa pag-iyak. I suggested kasi na pahiramin muna siya ng pera, pero ayaw niya naman. Her only choice lang talaga daw, ay ang mabenta ang restaurant.

"I have to sell this to a person na kaya itong alagaan at ipagpatuloy. Pero sino?" Dugtong niya at nagpunas ng luha gamit ang ibinigay kong tissue.

An Idea flash in my mind. May kilala kasi akong maaaring makabili ng restaurant ni Jergen, at kapag mabili iyon ng taong yun, irerequest ko na gawing manager itong si Jergen sa restaurant hehehe.

"Actually may kilala ako Jergen." After I said those words she immediately glanced at me with curiosity. Kawawa naman itong kaibigan ko.

"S-Sino?" Nauutal niyang tanong. Mapagkakatiwalaan naman ng todo itong naisipan kong tao.

"Si Marco."







Josh's POV

"Doc!"

"Doc! H'wag mong wawalain ang sing sing na yan ahh."

"I love you Doc."

"Can you kiss me again Doc?"


"I...l-love you...Josh"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko nanamang iyon at sumunod ang sobrang pananakit ng ulo ko.

That dream, simula ng nagpunta ako dito sa pilipinas ay mas lumalala at dumadami ang panaginip ko tungkol sa isang babaeng naka lab coat.

In my dreams, everyone calls her a doctor, even me.

Sumasakit ang ulo ko sa tuwing nagigising ako mula sa mga panaginip kong 'yon.

Alam kong may kulang sakin, may kulang sakin at gusto kong malaman kung ano yun. May nakaraan ako, at sa nakaraan kong iyon ay kasama ko ang babaeng nasa panaginip ko.





3 years ago, nagising ako sa isang ospital.  A middle aged woman was crying while walking towards me. She introduced herself to me and she said she is my Mother. A man is also crying but a smile was plastered through his face. And he said he is my father.

I woke up that  day, not knowing all the people around me. Lahat sila ay mga di ko kilala, at lahat ng nangyari sa akin ay pawang mga palaisipan. Wala akong alam sa mga nangyari, nagising akong di ko kilala ang mga tao sa paligid ko. Nagising akong walang maalala sa nangyari sa buhay ko.

Pumasok ako sa iba't ibang klase ng therapy. For about three months, unti unti na akong nakakarecover. I remember my parents, some friends in the Philippines and I remember who truly am. I studied Business Administration and graduated at the age of 19. And I remembered that Im suffering from a brain cancer (tumor).

Namuhay ako ng tatlong taon sa Australia, sa mga panahong yun ay unti unti ko ring nararamdaman ang kakaibang bagay na parang nawala sa akin.

I always dreamed about a girl. And then I found my skills in writing. At ang babaeng yun ang sa tingin ko'y nagbigay ng lakas sa akin para isulat siya. Ayaw kong kalimutan ang bawat detalye ng mga nangyayari kapag napapanaginipan ko siya, kaya dinadaan ko ang lahat ng iyon sa pagsulat ng kwento. Sa kwento kong iyon, isa siyang doctor.

Parang totoong totoo ang lahat ng nasa panaginip ko. Pero ang ipinagtataka ko lang ng lubos, ay kung bakit di ko makita ang mukha niya. Her face is blurred. I couldn't see her face at kapag nagigising ako, sumasakit ng todo ang ulo ko.

Isang bagay lang ang tanging tumatak sa isipan ko kapag napapanaginipan ko siya. I gave her a very expensive Diamond ring. At di lang yun basta bastang sing sing lang, it's an engagement ring!

I asked my parents if I ever encounter a girl, not just a girl but a doctor, they'll just look away and told me to stop thinking about something else. It's not something! It's someone.

Alam kong may mali sa mga nangyayari, natatakot akong malaman na may tinatagong di ko pa alam ang mga magulang ko.

May di parin talaga ako naaalala, isang bagay na lubos kong ipinagtataka. Alam kong tungkol iyon sa babaeng naging parte ng buhay ko, naging parte ng mga alaalang nawala sakin at naging parte ng mga nakaraan ko.







Bakit napaka-misteryoso niya? Ano bang meron kami dati? Anong koneksyon niya sakin? Sino siya sa buhay ko?

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon