Chapter 8

984 129 100
                                    


Chapter 8




"We're talking about Intracranial Hemorrhages, there are also two types of Intracranial Hemorrhages. First is Extra Axial Hemorrhage, the bleeding occurs within the skull but outside the brain tissue. And the other one is Intra Axial Hemorrhage, the bleeding occurs within the brain tissue."


Sitting on the sofas armrest kitang-kita ko ang seryosong ekspresyon ng mga intern students habang pinakikinggan ako. Pinapakita at ini-explain ko sa kanila ang mga types, signs and symptoms ng Intracranial Hemorrhage.



Trabaho sana ito ni Marco eh, pero biglaan na lang ang panibagong operation niya kaya ako ang naatasang magturo sa mga soon to be Neurosurgeons na ito.


Una pa lang ay nakitaan ko na nang potensyal ang mga batang ito. Mabilis ko kasing mabasa base sa kilos at katangian nila kung talagang interesado silang matuto. Being in a neurosurgery is very hard and challenging, kaya talagang nakakaengganyong tingnan ang mga estudyanteng ito na talagang pursigido. This students are very wise at magagaling kahit basic palang ang itinuturo ko sa kanila.


"Doc. Joy? Is there any type of Extra Axial Hemorrhage?" tanong ng isang istudyante na siya namang tinugunan ko.


"Of course there are three types of it. The Epidural, the Subdural and Subarachnoid." I paused. "The Epidural Hemorrhage occurs between the Dura Mater the Dura Membrane and the bone. Some examples of causes of Epidural Hemorrhage includes, Motor Vehicle Accidents, falls and assault, that we can say common accidents nowadays. And next is-"


"Good afternoon guiz!" bigla na lang sumulpot sa kalagitnaan ng pagtuturo ko si Marco. A slight grinned form through his lips before making a peace sign dahilan ng mahina kong tawa.


Akala ko ba matatapos siya ng matagal? Sinabi niya kasi sa akin kanina na baka matagalan siya kaya ako muna ang magtuturo ngayon.


"Good Morning Doc. Marco," sabay na bati ng mga istudyante. There are seven intern students kaya madali lang ang pagtuturo.


Marco just saluted cheerfully at them before making his way into me. Nakapamulsa niyang dinungaw ang hawak kong tablet na kumokonekta sa projector. Ano kayang meron at parang good mood ang isang 'to ngayon?


"Where did you end? Ako na ang tatapos. You should rest," sabi niya at kinuha ang tablet mula sa aking kamay.


Medyo pagod na nga rin ako. Kaninang umaga rin kasi ay may inoperahan ako kaya nangangalay na ang kamay ko.


"Okay..." Bahagya akong natawa. "Ang bilis mo naman ata?" Kinuha ko ang lab coat ko bago tumayo.


"Medyo madali lang naman kaya mabilis natapos."


I chuckled. "We're on the Axial Hemorrhages part. Alam na iyon ng mga estudyante."


Tumango lang siya sa akin at umupo sa swivel chair habang tinitingnan ang Macbook. Binalingan ko ang mga istudyante at napangiti.


"Bye bye guiz, I gotta go now." They bid their goodbyes too before I left that small conference room. I greeted all the hospital staff na nadadaan pati na rin ang mga pasyente bago tuluyang lumabas ng hospital.


It's almost four in the afternoon at kailangan ko pang mag-grocery. Matheo and I will have dinner at six, I need to be fast.


Habang palabas na ng hospital ay may napansin akong pamilyar na tao. Nakasakay ito sa wheel chair, may isang babae rin na nagtutulak no'n para sa kanya, the woman might be on her fifties now, I think? 


My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon