Chapter 19
Di matanggal ang kaba at saya sa puso ko. Just the way he glanced at me and smile at me, it makes my whole world stopped in a minute.
Tonight, pupunta ako ng first time sa isang party. Matatawag ko itong first time dahil ako lang mag-isa at di ko kasama ang mga relatives ko.
And on my 28 years of existence, di pa ako nakakapunta sa birthday party ng di ko pa kilalang mga tao.
Yeah, nakakahiya.
"Joy ganda, Okay ka lang?" Natatawang turan ni Cheska sa akin. Napansin niya siguro na parang di ako mapakali dito sa kinauupuan ko.
"Di... masyado," Kasabay niyon ay ang pilit kong ngiti na tinawanan lang niya. Seriously? Para na akong maiihi, kinakabahan ako ng todo.
"Susss ako bahala sayo," saad niya habang nakatuon ang tingin sa daan. She's really cool.
Nagdala ng sariling sasakyan si Josh at nasa likod lang siya namin nakasunod. Gusto pa nga niya akong isakay sa kotse niya pero bigla nalang akong hinatak ni Cheska at pinasabay sa kanya. Total naman daw si Josh ang maghahatid sa akin pauwi.
Gosh! Para na akong balloon handang sumabog kanina ng makita ko ang pagsimangot niya kay Cheska!
Josh Sandilva, you'll making me fall so damn hard!
"Andito na tayo!" Wala sa sariling napalingon ako sa lugar na tinutukoy niya. Naging dahilan iyon nang panlalaki ng mga mata ko. Seriously? A bar?!!
Never in my life akong napunta sa ganitong lugar!
"B-Bar?" I said almost shaking.
Ngumisi siya sakin habang pinapark ang sasakyan. "Yupp! Bar."
"A-akala ko isang pormal na--" agad akong napatingin sa sout suot kong dress. Isang bar? Tapos ito ang sout ko? Napaawang ang bibig ko at medyo natawa.
"Anong meron sa damit mo? You're so gorgeous, tsaka kasama mo naman kami ni Josh. You're our guest kaya h'wag kang mag-alala." It made me blushed. Why are they always like this?
May biglang kumatok sa bintana ng sasakyan na siyang nagpaigtad sa akin. It's Josh.
"Ayan na prince charming mo oh!" And she laugh crazily. Mahilig talaga siya mag-match-make, and I'm so thankful on that.
I bit my lips as I looked at Josh waiting for us outside. Nagpupunta ba siya palagi sa ganitong lugar? Itong maingay? Maraming lasing tuwing alas-dose? At maraming mga babaeng tila nakahubad na dahil sa mga hapit na damit?
This place is so...damn!
Dahan dahan akong lumabas habang nanginginig ang mga tuhod. Should I go home now? Sa tingin ko ay di ko kayang pumasok sa ganitong lugar. I think, it's not my time yet. But for Pete's sake, Im 28! I should be here like the other girls this day. Oh I forgot, girl is only for teenagers, at di na ako teenager.
"Hey, are you alright?" He's the one who open the door for me. Tutok na tutok ako sa Bar at di ko na siya namalayan na lumapit sa akin.
Inilayo ko ang paningin ko sa Bar at tinitigan ang mala-ginto niyang mata.
Ang mga mata niyang tila hinihili ako sa simpleng titig. Josh Anthony Sandilva, baliw na nga ako sayo."I-I never been in this p-place..." Pinilit kong di manginig ang boses ko pero parang di nito kayang sundin ang nasa isip ko.
Kung kanina ay seryoso siyang nakatitig sa akin, ngayon ay nagbago ito sa isang nakakapang-akit na ngiti.
"Walang mawawala kung susubukan mo, nandito naman ako kaya wag kang mag-alala."
Bakit bigla nalang nawala ang mga pangamba na kumalat sa sistema ko? Bakit parang mas ginanahan na akong pumasok sa loob at makipagsapalaran? Bakit sa simpleng salita niyang iyon ay tila nagsilabasan ang mga pag-asa na sana ay meron parin akong puwang sa puso niya?

BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...