Chapter 25
Joy's POV
Nandito kami ngayon sa loob ng conference room. Why kami? It's me, Cristine and Dad. Nag-uusap kami tungkol sa pasyenteng galing Davao. Ito iyong napag-usapan namin noong isang araw.
"Nablood-test mo na ba Joycel?" Tanong ni Papa habang binabasa ang ilang medical records ng pasyente.
"300 ang sugar level niya, tingin ko ay kailangang ipostponed ang surgery ng ilang araw." I suggested.
"Komunsulta ka muna sa internal medicine at bigyan siya ng insulin."
Tumango ako at nagpatuloy sa panonood ng surgery sa laptop.
"Siguradong matatagalan pa bago bumaba ang sugar level niya. I think 3 days would be fit." Marahan akong tumango sa sinabi ni Cristine.
Mas makakapaghanda kami kung ipopostponed ang araw ng surgery ng tatlong araw. Delikado mag-opera kapag mataas ang sugar level ng pasyente.
"I agree with that. You can have a break tomorrow for the preparation. Dismiss." Tumango ako at tumayo na para sa pag-alis. Lumapit ako kay Papa at hinalikan siya sa pisngi bago nagpasyang lumabas na. Gabi narin kaya oras na para umuwi.
"Be careful on your way home."
"Yes Dad, you too." Nginitian ko siya at sinarado na ang pintuan ng conference room.
Bahagya akong napapitlag ng nakita ko si Cristine na nakatitig sa akin ng masama.
"What?" I said annoyed. Gabi na at wala akong panahon para sa drama niya.
Umangat ang labi niya para bigyan ako ng ngisi. She's getting in to my nerves.
"Who's Josh Sandilva?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at kakaibang pakiramdam.
Why did she know him?
"W-What are you talking about?" I gritted my teeth and looked at her seriously.
"Im talking about your lover." She raised her brows with a devilish smile plastered on her face. Damn this Freak!
I rolled my eyes at nagpasyang lagpasan siya. Not gonna answer that.
"Natamaan ko ba ang kahinaan mo?" Tumigil ako sa paglalakad at agad na napaharap sa kaniya dahil sa mga salitang binitawan niya.
"Ano bang problema mo?!" Umalingawngaw sa hall way ang boses ko. Kami nalang siguro at iba pang staff ang natitira dahil hindi ito floor ng mga pasyente. Di ko na natiis ang iritasyon at galit dahil sa babaeng to.
Ano ba ang gusto niya? Ano ba ang kailangan niya? Bakit niya kilala si Josh at bakit niya sinasali sa problema namin? Josh is innocent.
She smirked and step towards me.
"Hindi ka matutuwa kung sasabihin ko sayo ang problema ko. Just wait okay?" She tapped my shoulder and smiled wickedly bago niya ako nilagpasan.
Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa galit.
Cristine Agcala, hindi na ako natutuwa sa'yo. Tingnan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo.
Hanggang sa makarating ako sa condo ay di parin maalis sa isipan ko ang naging pag-uusap namin ni Cristine.
Ano ba ang gusto niya? Ano ba ang kailangan niya sakin at pati si Josh sinasali niya? How did she know Josh? Ang sakit sa ulo nito! Akmang bubuksan ko na ang pinto ng condo ko nang...
BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romantizm[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...