Chapter 7
Abala sa pagtitipa sa harap ng monitor at pagche-check ng records ng mga pasyente ay agad kong naramdaman ang presensiya ni Jergen pagkapasok niya sa aking opisina. Bakas sa mukha niya ang isang nakakatuwang balita. Ang babaeng ito talaga kapag nae-excite ay hindi na marunong kumatok.
"Joy, kilala mo ba si Matheo? 'Yong bagong intern dito?" Kinikilig niyang saad sabay lapag sa mga pagkaing nakalagay sa paperbag at may pangalan ng kaniyang restaurant.
Nangunot ang noo ko at saglit siyang binalingan. "Oh, anong meron?"
Parang kiti-kiti siyang humagikhik at tumungkod sa aking lamesa. "May gusto daw sa'yo! Iba ka talaga!" pagdidiwang niya.
Napanguso ako at napailing na lamang nang magsimula na siyang tumili na animo'y kinikilig.
"Alam mo, Joy? Narinig ko rin na no'n sa hospital daw sana ng papa mo iyon magtatrabaho noong nandoon ka pa. Pero dahil lumipat ka dito sa Herme's Hospital edi lumipat din daw. Akalain mong crush ka noon dati pa? Mahigit dalawang taon din 'yon, Joy!" dugtong pa niya. Napahinga ako ng malalim at nagsimula nang magligpit ng gamit.
"Jergen, I don't have time to listen to your chismis, wala akong pakialam d'yan at alam mo yan."
"Pinapaalam lang kita 'no, kasi mula noong umalis 'yong boyfriend mo na pasyente mo rin e, kulang na lang magpakamatay ka kakatrabaho."
Napatigil ako sa pagpipipirma at pagtitingin sa mga records at napabaling sa kanya. Nagsimulang manakit ang parte ng dibdib ko at nanumbalik na naman sa akin ang mga alaalang halos gabi-gabi akong binabagabag.
"Jergen, don't mention that thing again," Seryoso ko siyang tinitigan, samantalang pag-nguso lang ang kaniyang iginawad.
"Joy... you should forget him. Ilang taon na rin ang lumipas at wala ka ng balita sa kanya. Halos buwan-buwan mo siyang hinahanap pero maski isang impormasyon wala kang nakuha. Masyado silang mayaman na kayang itago ng pamilya niya ang lahat ng impormasyon sa kanya," she sighed problematically. "Joy, hindi lang si Josh ang lalaki sa mundo," sincere na aniya.
Agad akong natahimik at natigilan. Ang kaninang sakit ay mas lalo lamang nadadagdagan. I gulped ang stared at the ring on my left hand. The ring he used to sealed my heart with. Ang sing-sing na lubos kong iniingat-ingatan. Nangako siya kaya hindi ko siya basta-basta na lamang malilimutan. Alam kong babalik siya, hindi man ngayon pero kaya ko siyang hintayin kahit ilang siglo pa man ang magdaan. Kagat labi akong napahinga ng malalim at napailing sa kaibigan.
"I just can't forget him that easily, Jergen. Maghihintay ako hangga't kaya ko. Mahal ko siya, Jergen. Mahal na mahal," kasabay naman ng paghina ng boses ko ay ang siya namang panunubig ng aking mga mata.
"Joycel..." Singhap niya bago umikot papunta sa aking harapan. And the moment she hugged me, that's when my tears fall painfully from my eyes, too.
It's been three years... three years missing him. But I'm still waiting for him, kahit na ilang taon pa iyan. Nangako siya at nangako rin ako. I'm just hoping that he's doing fine wherever he's right now. Sigurado akong buhay siya at makikita ko pa. The moment I met him, he gave me hope and I won't let it go that easily.
Kahit naman kasi anong pilit kong buksan ang puso ko sa iba, talagang siya pa rin ang palaging hinahanap hanap ko. Maybe there's still a chance for us to see each other kaya ganito makareact ang puso ko. I'm holding on to it.

BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romans[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...