Chapter 27
Joy's POV
"Doc Cristoff! I need you right now! Where are you?" Umiiyak akong tinawagan ang isa sa mga kaibigan kong doctor habang sumasabay sa tumatakbong mga nurse na hawak ang stretcher kung saan nakahiga si Josh.
"Im coming Joy, please calm down," sabi niya at ibinaba na ang tawag. Doc Cristoff is one of the best doctors in our hospital.
Walang tigil ang pag-agos ng luha ko habang tinitingnan si Josh na namimilipit sa sakit dahil sa natamong tama ng bala sa kanang braso. Nababalotan din ng dugo ang kanang parte ng katawan niya.
Nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting hinahawakan ang kamay niya. His hands are very cold. My heart is beating so fast dahil sa nerbyos at takot. Takot na may mangyaring masama sa kanya.
"J-Josh..." I said crying and praying for him to be okay.
He glanced at me and smiled. "I'll be okay, d-don't worry." Nanginginig niyang sambit na naging dahilan ng paghagulhol ko.
"Sa O.R!" Dinig kong sigaw ni Cristoff nang makalapit na ang stretcher sa Emergency Room.
"Josh!" I cried even more nang makabitaw ako sa stretcher niya dahil hinila ako ni Doc Cristoff.
Nakita ko ang ngiti ni Josh habang pinapasok siya ng mga nurse sa E.R na nagpapahiwatig na magiging okay ang lahat. Natutop ko ang bibig ko habang hinahayaang tumulo ang mga luha sa mga mata ko.
Josh please, ayaw kong mawala ka ulit sa akin. Hindi ko na kakayanin ang mga mangyayari kung ganoon.
"Doc Joy, he will be fine. I'll do everything just to make him back to normal, okay? Don't cry, it doesn't suit you." Doc Cristoff said while assuring me.
"Please, do everything. I don't want to lose him again." Humihikbi kong saad. Tumango siya at tinapik ang balikat ko at nagmamadaling pumasok sa E.R.
Napatalikod ako at napasabunot sa sariling buhok. Dahan dahan akong napasandal sa puting pader nitong hospital malapit sa bukana ng E.R.
My tears are falling non-stop and my hands and feet are both trembling. Pilit kong pinopropseso sa utak ko ang lahat ng nangyari, ang putok ng baril at ang pagprotekta ni Josh sa akin. Naninikip ang dibdib ko habang inaalala ang lahat.
Sinong may gawa nito?
"Joy!" Umalingawngaw sa pasilyo ng hospital ang boses ni Cheska. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya habang tumatakbong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Naging sanhi iyon ng mas lalong pagbuhos ng luha ko. I hugged her back while crying at her shoulders.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang saad niya nang humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Umiling ako at yumuko.
Hindi ako okay, nagiging mahina ako kapag si Josh na ang pinag-uusapan. Ewan ko ba, si Josh lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito.
"Magiging okay ang lahat Joy, Josh will gonna be alright. Alam kong kakayanin niya." Tumango ako at naramdaman ko ulit ang yakap niya sa akin.
Gustong gusto kong mahanap ang may gawa nito at pagbayarin siya. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ito ginawa? Mababaliw ako kakaisip!
"Doc Joy!" Nag-angat ako nang tingin at medyo napabitaw kay Cheska. Nakita ko si Marco na malungkot ang mga titig na iginagawad sa akin.
"Doc?" Agad akong napabaling kay Cheska ng sabihin niya iyon sa akin ng puno ng pagtataka at nakakunot ang mga noo.
I gulped as I stare at her reaction. I know she knows everything about Josh and I know that maybe Josh tells her about a doctor that he can't remember.

BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...