Chapter 9

951 129 67
                                    

Chapter 9





"Joy... you should rest. Para ka nang aswang dahil d'yan sa eyebags mong ang lalaki na," pagtatahan ni Jergen sa akin. Humihikbi pa rin ako habang nakayakap sa human size niyang pink teddy bear dito sa kaniyang opisina.





Mula pagdating ko dito sa restaurant niya galing do'n sa book store ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Ganito ako ka heartbroken at ka-miserable dahil kay Josh Sandilva!





"I just can't forget what happened, Jergen. I need to do something! Hindi niya ako naalala," I cried.





Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Baka naman nagpapanggap-"






"For what reason?! At bakit naman niya iyon gagawin?" I paused and wiped the tears on my eyes. "Jergen, I'm so confused and I don't know what to do."






I must be happy dahil bumalik siya. Pero para namang pinipilipit ang puso ko sa sakit dahil sa nasaksihan kanina lang! The man I love doesn't recognized me!? Damn.






"You should ask the person who operated him. Si Dr. Miguel baka may alam siya. Alam mo namang possibleng mangyari ang amnesia kapag may palpak sa operasyon 'di ba?"





Maybe that's the other reason. Possible nga na mangyari ang ganoon. But, still hindi ko maimagine ang sarili kapag nakompirmang wala nga siyang maalala!





Napatingin ako sa libro na nasa mesa. The bookcover and it's title is really meaningful. I never thought na magiging writer siya as in! Bago pa man ako makasagot sa kaniya ay ang kaniyang singhap na agad ang nagpatigil sa akin.






"T-teka?!" She glanced at the book. "Diamond?! Omo! Sikat na libro yan e!" Gulat na sabi ni Jergen habang may pa takip takip pa ng bibig. Nagpunas ako ng luha at medyo kumalma na.






"Siya ang sumulat nito," Saad ko at kinuha ang libro bago pinakatitigan.






Mas lalo pang nadagdagan ang gulat sa kaniyang mukha. "Seriously? May talent siyang ganyan?! Ilang pages ba 'yan?! Ang talino, a!"






"Nagulat nga rin ako e..." napatigil ako at bahagyang naalala ang pagbabago sa katawan ni Josh. I sniffed remembering it all.







Dati mukha lang siyang payatot, ngayon napaka-masculine na. Ang laki ng pinagbago sa katawan. I sighed. How I wish to hug him kanina, pero dahil sa sobrang bigla ko ay wala akong nagawa kundi ang umiyak lamang doon sa harap niya. I pouted my lips to hide my smile.






"Ano na namang mukha yan? Kanina para kang namatayan tapos ngayon para ka nang baliw," bahagya siyang lumayo sa akin ng nakasimangot. Hindi ko na lang siya pinansin at mas pinagtuonan nang pansin ang pag-iisip.





"Cut it, I dont do autographs...Just buy my book and don't tell anyone about you seeing me."






Ang yabang pa rin talaga niya. Bagay na 'di nagbago. I hope to see him or meet him again, sooner. Hoping that he still remember me, that he remember me. Pero nang maalala ko na naman ang pagsusungit niya ay nawala ang tuwa sa katawan ko at napalitan ng pighati. Tss, sinungitan na nga ako kanina e, sa susunod pa kaya?






Did he have a girlfriend now? Pero hindi naman kami naghiwalay. I still considered na kami pa rin. Pero, siya kaya? Jusko. Nababaliw na talaga ata ako.







I still want to confirm something. At kapag nalaman kong hindi nga niya ako naalala, ako ang gagawa ng paraan. Ako ang tutupad sa pangako niyang hindi niya ako makakalimutan. It's difficult because of his situation, kaya dapat dahan-dahan lang talaga ang lahat.






My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon