Chapter 5Pagkatapos ng walang kapantay na kasiyahang iyon ay inihatid niya ako sa aking opisina. May sarili rin kasi akong kwarto sa opisina kaya minsan doon na ako natutulog.
Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon. Ramdam na ramdam ko ang lambot at init ng kaniyang palad sa akin na siya namang mas ikanatuwa ng aking katawan. Nang makarating kami ng tuluyan sa aking opisina ay tsaka ko siya hinarap.
"Bukas ulit," Nakangiti kong saad. Ngumiti rin siya at pinakatitigan ako muna ako ng ilang saglit, animo'y takot na mawala ako ng ilang segundo. I find it weird but suddenly faded when he pulled me for a warm hug.
"I love you, Doc," makahulugang aniya habang nakayakap sa akin. Sa sobrang sarap ng yakap ay halos hindi ko na siya gustong bitawan pa. Niyakap ko rin siya pabalik upang mapantayan ang init na ibinibigay niya. But my brows suddenly furrowed when the back of my shirt is getting wet. Ngunit ipinagsawalang bahala ko na lang ulit.
"I love you, Josh," I smiled.
Marahan siyang gumalaw at humarap sa akin. I could clearly hear his sexy breath near my nose. Inilapat niya ang kaniyang noo sa aking noo at nanatiling ganoon ng ilang segundo. And then again, he take a pick on my lips, and added a longer one again. Napapangiti ako sa kalagitnaan ng halik namin. Mainit ito at talagang nakakagaan ng pakiramdam.
Parang ayaw kong bumitaw. Parang kinakabahan ako. We took a deep breath after the kiss. And then he look at me, like memorizing my whole feature, afraid that he can't remember me suddenly. Napangiti ako at kinurot siya sa pisngi. He's being cute again.
"Gabi na matulog ka na, Josh," ani ko. Dahan dahan siyang tumango at binitawan ang aking kamay. He swallowed hard.
"'Wag mong wawalain yang singsing, ah," He said those words with full of authority, but it made me laugh all of a sudden.
"Bakit ko naman gagawin 'yun?" I chuckled.
"Wala... Mahal kita," Ulit niya. Parang ayaw na ayaw niyang kalimutan ang mga salitang iyon.
"Oo na kanina ka pa a," Sabay tawa ko, pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin ng seryoso. His dark grey eyes is full of promises.
"Can you kiss me again, Doc?" He said in a sad tone. Iba ang naramdaman ko sa mga sandaling iyon pero ipinagsawalang bahala ko na lang. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik.
"May bukas pa kaya, bukas na naman," sabay ngisi ko sa kanya.
Tumango siya at dahan dahang ngumiti, napansin ko ang bahagyang pagkislap ng pisngi niya. Ayaw kong manguna pero parang may nakita talaga ako. Is he crying? I pouted my lips to stop my gigantic smile. Maybe tears of Joy. He's so cute.
"G-Goodbye... My Adorable Doctor," his lips trembled but he still manage to make a wide smile. I just smiled at him, too.
"Bye Josh ko, bukas ulit." I waved my hand to him and smiled sweetly. When he took a step backward I even held the door open. I saw him bitting his lips before waving his hands again. I chuckled and finally closed the door.
Pumasok na ako sa loob ng opisina. Kapag hindi pa ako papasok ay baka 'di rin siya aalis. I held into my chest. Pinakiramdaman ko ang puso ko at inalala ang pangyayari ngayong araw. I will never forget the time I spend with him at sa mga darating pang panahon para sa amin.
Tinitigan ko ang singsing sa kamay ko. It's a diamond ring, such beautiful as ever. Eto na ata ang pinaka-magandang sing-sing na nakita ko sa buong buhay ko. Sa gitna ng kilig ay umingay ang aking cellphone. Kinuha ko at tiningnan ang caller I.D.
BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...