Chapter 33

937 49 18
                                    

You don't have to be brilliant to be a doctor. You have to be hardworking and have a good character. That's what makes good doctors.

----------------------------------------------------

Chapter 33

"May balita na ba sa bumaril kay Josh?" Tanong ko sa kaibigan kong imbestigador, si Arwen.

"Sa ngayon 'di pa, hinanap namin sa mga CCTV footage ng mall pero 'di naman makita ang mukha niya. Just the body built, wala ng iba."

Huminga ako ng malalim at bahagyang napayuko.

"Don't worry, gagawin ko ang lahat mahanap lang ang suspek," si Arwen habang sinisigurado ako. Tumango ako at dahan dahang ngumiti.

Andyan parin ang takot at pangamba. Paano kung bumalik ulit ang lalaking iyon? Paano kung mapahamak na naman si Josh?

Kayang kaya kong isangga ang sarili ko kung ang magiging kapalit nito ay ang kaligtasan niya. Pero 'di naman sa lahat ng oras ay nasa tabi niya ako. Im so scared, at habang iniisip ko ang mga mangyayari ay para akong mababaliw. Habang iniisip ko ang nangyari kay Josh ay parang may bumabaong matalim na bagay sa puso ko.

"Dr. Joycel," napabaling ako sa tumawag sa akin. Kakalabas ko lang ng opisina matapos naming mag-usap ni Arwen.

Bahagya akong ngumiti at hinarap siya. Kung dati ay halos magkasalubong ang kanyang mga kilay kapag nagkakatagpo kami ngayon ay parang halos ayaw na niyang burahin ang mga ngiti niya sa akin. Im happy that she's treating me nicely now.

"Ahmm, Sabay na nating kamustahin ang pasyente?" Saad ni Cristine, bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mga boses. Alam kong naiilang parin siya sa akin hanggang ngayon.

I chuckled and put my hand on her waist, slightly dragging her. It made her shocked for a bit pero napalitan din iyon nang tawa.

"Tara na," saad ko.

Sabay naming binisita ang pasyente na inoperahan. It's been six days since inoperahan namin ito. He's the patient from Davao na nagka-thalamic hemorrhage dahil na-stroke.

"Hello po, sundan niyo po ang kamay ko okay?" Nakangiti kong saad sa pasyente at itinapat sa kanya ang aking kamay. Napangiti ako nang makitang sumusunod ang mga titig niya sa kung saan pupunta ang kamay ko.

"Magiging maayos lang ba ang asawa ko Doctora?" Nag-aalalang saad ng asawa ng pasyente.

"Sa ngayon po ay kailangan parin siyang ma-monitor pero base po sa ipinapakita niya ngayon, sigurado po ako na magiging maayos din ang lahat."

"Naku! Salamat talaga ng marami sa inyo mga doctora, nurse maraming salamat," naiiyak niyang turan.

I smiled to her and gently patted her shoulders. Nagkatinginan kami ni Cristine at nagpalitan ng ngiti.

"Walang ano man po, tungkulin po naming nga doctor ang matulungan kayo," sabi ni Cristine.

Di rin naman nagtagal ay lumabas narin kami sa kwarto ng pasyente. Maraming mga nurses at doctors ang bumati sa amin sa bawat pasilyo na madadaanan. Busy ang lahat siguro ay dahil sa nalalapit na ang pasko at New year. Mas nauuna kasi ang paputok kaya kahit October pa ay may mga pasyente na ang dinadala dito.

"Sabi pala ni Daddy na sabay tayong magdinner mamaya. Kasama sina Tita Jenny at si Mommy." Saad ni Cristine na naging dahilan ng pagbaling ko sa kanya.

"Talaga? Sige, sabay na kami ni Mommy kung ganoon," tumango siya at ibinalik ang tingin sa hallway.

Habang nag-iisip ng mga dapat gawin para sa dinner mamaya ay isang boses ang umalingawngaw sa buong pasilyo.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon