Chapter 15

920 110 40
                                    


"Pakialamera! Pwede ba?! Huwag kang manghimasok sa LQ namin ng boyfriend ko!" She screamed.

Leche! Kanina pa to boyprend ng boyprend ahh! Tapos eto namang si Josh para ng timang, kanina pa sabunot ng sabunot sa buhok. Naiirita na rin ata.

"Ano ba Miss! Sinabi na nga niyang di kayo magjowa diba?!" My ghad! Tutubuan pa ata ako ng pimples nito. Magpustahan pa tayo.

Josh rolled his eyes in annoyance.
"It's true! Charice kailan pa kita naging girlfriend?!!" Di narin ata nakatiis si Josh at nagsalita na.

"Simula ng pinagkasundo tayo ng mga parents natin." Confident na sabi nung Charice. Pinagkasundo?

Kunot noo akong napatingin kay Josh at kitang kita ko ang pagtataka niya sa reaksyon ko.

"W-What?! H-hindi iyon sapat para ipaglandrakan mo na magjowa tayo! At baka biruan lang yun ng parents natin, Itigil mo na to Charice!" Nararamdaman ko ngayon ang iritasyon sa boses niya. At tila di na makatiis sa babaeng to.

This girl is insanely inlove with him. I also love Josh, Im so damn in love to him pero di ko naman gagawin ang kalokohang ito. Mas malalayo siya saakin pagnagkataon.

Tinitigan ko iyong Charice at mataray na pina-mewangan. Di pa rin pwede! Akin si Josh!

"Umalis kana dito Miss." I suggested. Ang tigas din naman kasi ng ulo ng babaeng to. Ang lakas pa ng bunganga.

"What?! Sino ka bang babae ka ha?!"  Sarap mong tirisin! Mukhang kuto!

Kitang kita ko kung paano magbago ang ekspresyon sa mukha ni Josh, tila nagpapatulong sakin. At may bigla nalang pumasok na ideya sa isip ko.

Walang sabi sabi ay nilapitan ko si Josh at humawak ako sa braso niya. Gulat man ay parang alam na niya kung ano ang gusto kong mang-yari. Tingnan lang natin kung di  ito eepekto.

"What are you doing?!" Sigaw nung Charice dahil sa ginawa ko kay Josh. Si Josh naman ay naestatwa at namumula na napatingin sakin. I then smirk and glanced to the bitch.

"Ako ang girlfriend ni Josh." Mas lalo kung hinigpitan ang kapit kay Josh at inihilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya. Ang lande ko! hahaha.

Kitang kita ko ang panlalaki ng mata ni bubeta at di makapaniwala. Echosss ka ghurl! Hahaha kung iisipin ng mabuti totoo naman talaga na girlfriend ako ni Josh. Pero ayaw ko munang guluhin ang utak ko.

"WHAT?!!!" She stared angrily at Josh. Para na siyang kakain ng tao. Katakot ang boses ng ngipin niya, dahil siguro sa pangigigil.

Para na tuloy siyang dinosaur ngayon. Kaloka!

"Josh! Care to tell me the truth?!" Sarap talaga nito ilibing ng buhay. Ako ang bahala sa space ng libingan hahaha.

Naramdaman ko ang paghawak ni Josh sa kamay ko, and the impact is so damn great! Parang dinaluyan ng bolta boltahing kuryente ang katawan ko. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko.

"O-Oo, Charice! I love her! I love Joy. S-siya ang girlfriend ko." Putangenerns!

"How could you!! I hate you Josh!" Iyak na siya ngayon ng iyak. Pumangit na tuloy siya ng sobra. Takteng mukha yan. Ilang make-up ba ang gamit ng babaeng to? Sampu? Para na kasi siyang coloringbook na kinulayan ng three years old na bata.

"Watch out BITCH! You will suffer! Di kita titigilan!" Sabay duro duro niya sakin at tumakbo paalis. Pweee!

Sige lang.

Josh sighed heavily, tila nabunutan na ng tinik. "God! Ayaw ko talaga sa kanya."

Kawawa naman pala itong hubby ko. Charringgg.

Napatingin siya sa braso ko na kapit na kapit sa kanya. Agad ko namang kinalas iyon at nagpatay malisya. Nakita ko rin kong paano niya basain ang labi niya. Sheeyyytt! Ayaw kong bitawan eh, ang sarap kaya sa feeling. Charot!

"Sorry pala Joy ahh, nadamay ka pa tuloy." Sabi niya habang nagkakamot sa ulo. Una palang talaga, damay na ako eh. Namimiss ko na rin ang pagtawag mo sakin ng Doc. Kailan ko kaya ulit maririnig yan sayo? Hayyy.

"O-Ok lang, sino nga pala yon?" Kailangan kong tanungin, sa tingin ko kasi di ako makakatulog kapag di ko malalaman kung sino ang Charice na yun.

"Anak siya ng kaibigan ng parents ko. Pinagkasundo kami, pero not totally engaged or something. Pinag-iisipan palang talaga, pero ang kulit at nakakairita na talaga siya kaya pinagtatabuyan ko. Pinagsisiksikan niya ang sarili niya sakin at pinagkakalat na boyfriend niya ako. And I really hate that. Ayaw ko ng ganun." Haiistt. Naintindihan ko siya. Sino ba namang may gusto sa ganyang klaseng tao? Di ba pwedeng maging pormal at magpakababae?

I glanced at him worriedly. "K-Kapag natuloy ang pagkakasundo sa inyo, papayag kaba na pakasal sa kanya?" And that thought made me shuddered. Nanginig ako at the same time natakot.

He paused and then smiled. "Syempre gagawa ako ng paraan para di yun mangyari. May hinihintay kasi ako."

Made with curiosity ay bahagya akong lumapit sa kanya. "Hinihintay?"

"I'll give you a hint." Lumapit siya sakin.




"Tungkol sa babaeng nasa panaginip ko. Siya ang nagmamay-ari ng singsing na nasa isang libro na isinulat ko. Palagi ko kasi siyang napapanaginipan, pero di ko makita ang mukha niya. Malakas ang kutob ko na parte siya ng mga alaala na nawala sakin."


Someone's POV

"Daddy! Iniisip siguro ng Amando na yan na balewalain na tayo! Paano ko makukuha ang kompanya niya kung pinapabalik na niya sa ospital ang bwisit niyang anak!" Sigaw nito sa kanyang ama na malalim ang iniisip na nakatingin sa kawalan.

"Dad! We need to do something before it's too late!"

"SHUT UP! CRISTINE!" Sigaw nito na nagpatigil sa kanyang anak.

"Wag mo akong mamaliitin. Baka nakakalimutan mo na naging sunod sunuran yang si Amando sakin. Kailangan ko lang na gumaling ng mas maaga para makabalik ako sa pagpapasunod sa kanya. Pero kailangan ko rin tulong mo at ikaw ang bahala sa anak niya."

"Sana nga at gumaling kana agad Dad. Nangangati na ako na mapasaakin ang ospital nilang yan."

"Don't worry Cristine. Wala ka yatang tiwala sa ama mo? Kayang kaya kong kunin ang lahat ng gusto ko. At gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang ospital na matagal ko ng inaasam na mapasaatin."

"I'll wait for that Daddy. Nag-iisip narin kasi ako ng magandang paraan para pabagsakin ang Joycel Canigo nayan. Tingnan lang natin kung kaya niya akong talunin."

"Ganyan nga dapat Cristine, alam ko naman na kayang kaya mong pabagsakin ang mga taong haharang sa daraanan mo. Sisiw lang yan sayo."

"Haha yeah, See you tomorrow Daddy. Kikilalanin ko muna ang Joycel Canigo nayan para masimulan ko na ng maaga ang misyon ko."

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon