Chapter 20

889 77 39
                                    

Chapter 20

Joy's POV

"M-Matheo... I need to talk to you." Sinabi ko iyon habang pinipigilan ang panginginig ng boses.

Para akong di makahinga sa sitwasyon ngayon. Nandito ako sa Birthday ng pinsan ni Josh at di ko rin inaasahan na nandito rin si Matheo. Everything is so damn awkward!

Habang nag-uusap kami nina Cheska at Jane ay nalaman ko na may nararamdaman itong si Jane para kay Matheo. Fresh pa sa isipan ko na may gusto rin si Matheo sa akin. Ayaw kong makasira ng relasyon ng iba, lalo na ngayong birthday ni Jane at  gusto kong may maalala si Josh kahit konti man lang sa akin. I know it's a bit selfish and I hate it. I just love him.

Nakita ko kung paano nagbago ang mukha ni Jane ng makita ako ni Matheo. I know she's jealous.

Kung makita ko ang gusto kong lalaki na nakikisalamuha sa iba ay siguradong ganun din ang mararamdaman ko, magseselos ako.

She really liked him.

"What is it?" He smiled. Kahit madilim ay kita ko parin ang magandang pagkakadepina ng panga niya at ang matangos niyang ilong na mas lalong nagpagwapo sa kanya ngayong gabi.

"I think, we should not be close tonight."

Bahagya siyang natawa at napatingin sandali sa loob ng VIP room kung saan nagkakatuwaan ang lahat, maliban sa dalawang tao. Josh and Jane is a not in the mood, I think?
Pareho silang nakayuko at parang malalim ang mga iniisip.

"Why? What's the problem?"

"Matheo, birthday ni Jane. You should be with her, h'wag mong ituon masyado ang atensyon mo sa akin," After I said those words ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Puno ng pag-aalala ang nakikita ko doon. He lick his lips at yumuko. Sana naman ay maisip niya na naiipit ako.

"Alam mo ba na may gusto si Jane sayo?" Dugtong ko na nagpaiwas ng tingin niya saakin.

"Y-yes, but I like--"

"Matheo, hindi naman sa pinipilit kita na pagtuonan mo siya ng pansin pero tingnan mo siya. It's her birthday, make her happy."

"Joy it's hard. I just can't like her back if I want to. I like you and you know it. Alam ko kung ano ang gusto mong iparating."

"M-Matheo..." Nanlalaki ang mga mata ko na napalinga sa paligid. Baka kasi may nakakita o may nakarinig ng mga pinagsasabi niya. Ibinalik ko ang titig ko sa kanya at kinalma ang sarili.

"Joy...I like you." Those words made me trembled. Wala akong maramdam, maski pagbilis ng tibok ng puso ko ay di ko maramdaman.

Talagang nakalaan na ang puso ko sa iba. It's a sign, that my heart is already taken by someone. Ayaw ng tumibok para sa iba. I felt bad about it.

"M-Matheo... I'm w-waiting for someone," saad ko na nagpabagsak ng balikat niya. Ang mga mata niyang makikinang kanina ay tila nawala na parang bula. Dinig na dinig ko ang malalalim niyang hininga bago ako tinitigan ng diretso sa mata.

"Siya parin ba... Joy?" Nanginig ang tuhod ko sa kung ano ang ibig niyang sabihin.

Naikwento ni Jergen sa akin noong bumisita siya sa aking opisina na lumipat daw ng ospital itong si Matheo noong lumipat din ako dahil nga sa nagkagalit kami ni Papa at nawala si Josh. Baka alam na niya ang history namin ni Josh.

"How did you know?" Kahit na may kutob ako ay gusto ko paring siguraduhin.

"I just heard about it, pero di ko kilala kung sino ang tinutukoy nila na pasyenteng naging...b-boyfriend mo."

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon