Chapter 22
"Ano?! Bakit mo naman nireject! Sana pinatulan mo nalang ang event para wala ng problema!"
Rinig na rinig ko mula sa labas ng condo ni Josh ang boses ni Francheska. As usual kakagaling ko lang sa ospital at di na naman ako matutulog ngayon. Kailangan kong paghandaan ang nalalapit na operation sa susunod na araw.
"Ayaw ko ng maraming tao, ayaw ko sa mainit na lugar. Ayaw ko ng pinagkakaguluhan ako!"
"Josh naman ehh! Kailan mo ba balak magpakita sa mga fans mo? Manunulat ka pero para kang artista! My god!"
Nakabukas na naman ang pintuan ng kwarto kaya dinig mula sa labas ang boses nila.
"Ikaw nalang kaya ang magpanggap na ako? Effective ata yun," Sabi ni Josh
"Bokulan kita jan ehh!"
Medyo natawa ako dahil sa pagtatalo nila. Ano kaya ang problema ng dalawang to?
"Ehem!" Napaigtad ako ng may tumikhim sa likuran ko.
At sa lalim ng gabi ay may bruhildang nagpakita. Si Charice. Well, kung naaalala niyo pa siya.
"Eavesdropping? Bitchy?" Sabay taas ng kilay niya. Heto na naman tayo.
"Ganyan ka ba talaga ka-epal?" I said those matter of factly. Tama ba yung english ko? Haha
"Ikaw? Ganyan ka rin ba ka eng eng para mangialam na naman sa Josh ko? Para kang stalker!"
Josh ko? JOSH KO?! Wow! here she goes again. Ano kayang gamot ang pwedeng ibigay ko sa babaeng to? Mas inggrata pa kay Cristine eh. Ibibigay ko na ng libre yung gamot.
"Joy ganda!" Agad akong napalingon kay Francheska. She's smiling so wide until she glanced at Charice.
"Hi, good evening" sabi ko. Napabaling siya sakin at nginitian ako at bumalik ulit ang tingin kay Charice.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Charice.
"Im here for My Josh--" pinutol ni Cheska ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay at iminuwestra iyon sa harap ni Charice.
"Alis na..."
"Di ako aalis lesbi, kakausapin ko si Josh."
"Hindi pwede! May date si Josh ngayon." Agad na napatingin sa akin si Cheska at itinulak ako papasok sa loob ng condo ni Josh.
Pagkapasok ko ay nakita ko si Josh na tumatakbo habang may dalang jacket. Tumakbo siya papuntang kusina, papuntang kwarto at tumakbo papuntang C.R. Tumigil lang ng makita ako.
"Joy!" Napangiwi ako ng nakita ko ang bibig niyang may toothbrush.
"Tapusin mo nga muna yang ginagawa mo?" Tumango siya at agad na bumalik sa Cr.
"Ano ba! I want to see Josh! Do you think I believe you? He will never date anyone except me!" Nangagalaiting sigaw ni Charice.
"Wapakels! Aalis ka o puputulan kita ng leeg?!" Banta ni Cheska pero di parin nagpatinag si Charice. Grabeng banta naman yun.
May biglang humila sa akin. At nakita ko ang mala Adonis na mukha ni Josh. Shit! Mamaya na ang pantasya!
"Josh! Nandun si Charice sa labas!" Bulong ko habang tinitingnan ang kinaroroonan ni Cheska.
"I know, pacensya ka na but I really need your help this time." Hinila niya ako papunta sa bintana ng kwarto niya.
"Hoy! Anong gagawin mo?!" Agaran kong tanong ng isinampa niya sa bintana ang mga paa.

BINABASA MO ANG
My Adorable Doctor [COMPLETED]
Romance[ UNDER EDITING ] Highest Rankings: #1patient #2doctor Dr. Joycel Canigo, is a workaholic Neurosurgeon and a down-to-earth kind of woman. Siya rin ang klase ng babae na walang arte sa buhay. Iyong tipong makapagsuklay lang ng buhok pagkagising sa um...