Chapter 23

817 67 37
                                    

Chapter 23

"W-Where did you get that?"

Sa mga tanong niyang iyon ay parang tumigil sa paggalaw ang mundo ko. Ang mga mata niyang nakatitig sa akin ay para akong hinuhusgahan.

Para akong napipi.

Kung sasabihin ko na ngayon ang totoo? Anong gagawin niya? Anong sasabihin niya sakin? Babalikan niya na ba ako?

Bakit ganun ang mga naiisip ko? Bakit parang nagiging selfish ang dating ko? Oo, gusto ko siyang makaalala pero bakit ang bigat ng sitwasyon naming ito?!

"J-Josh.." Nangingilid ang luha ko sa mata. Parang gusto ko silang pakawalan pero natatakot ako.

Nanatili ang titig niya sa akin hanggang sa napapikit siya at napahawak sa sentido. Ang pagngiwi niya ay sapat na para malaman ko na nasasaktan siya.

"Josh? A-are you okay?" Tumayo ako at nilapitan siya.

"My head hurts..." Sabi niya habang patuloy na hinihilot ang ulo.

"H-Hey...let's go to the hospital." Natataranta akong hinawakan siya sa balikat.

"No, Im fine...di na kailangang pumunta pa." Nagdilat siya ng mata at huminga ng malalim. Umiiling din siya habang pinipikit pikit ang mata.

Im worried sick!

"Josh you're not ok..." Nag-aalalang tugon ko.

"Ok lang ako." Tinitigan niya ako at nginitian. "Im okay, Im sorry kung pinag-alala kita. Ganito talaga ako minsan ehh. Don't worry about me."

He then glanced at my hand and smiled. "M-may bigla lang kasing pumasok sa isip ko, n-nakalimutan ko na."

Ngayon ay parang di na siya makatingin sa akin.

Huminga ako ng malalim at pasimpleng pinalis ang luha sa mga mata.

Still not the right time. Di kita pipilitin Josh. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong dahan dahanin ka.

"B-Baka hinahanap na tayo ni Cheska," sabi ko habang hinahaplos ng marahan sa ilalim ng lamesa ang singsing.

Marahan siyang tumango pero di parin umaalis sa upuan niya.

Umalingawngaw sa buong restaurant ang boses ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa pouch at tinitigan ang pangalan ni Marco sa callers I.D

I glanced at Josh and met his gaze. Ang mga mata niyang namumungay ay nagtatanong. Nag-iwas ako ng tingin at sinagot ang tawag.

"Hello? Marco?" Pasimple kong tiningnan si Josh na nakakunot na naman ang mga noo.

"Joy, how are you?"

"Im fine Marco...bakit?"

"Wala, Im just checking on you."

"Hmm, asan ka ngayon?" Pagkatapos kong sabihin iyon ay nakita ko sa peripheral vision ko ang paninitig ni Josh sa akin.

"Nasa harap ng isang restaurant..."

Bahagya akong napasinghap dahil sa narinig.

"Restaurant ni Jergen?"

Dinig ko ang marahang pagtawa niya sa kabilang linya. "Akin na yun..."

Napanguso ako at napatingin ulit kay Josh na nakataas ang kilay habang naka crossarms. Damn handsome.

"Si Jergen?" Panunuya ko.

"Stop it..." Di ko na tuloy napigilan ang tawa ko.

"Joy, sino yang kasama mo?" Dugtong niya.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon