Chapter 2

2.2K 212 500
                                    

Lee Sung Kyung as Dra. Joycel Canigo (Look at the multi-media above)


Chapter 2



"I told you I won't eat that! Mayroon naman sigurong iba 'diba?" He grimaced while looking at the veggies I am preparing.


"I'm your Doctor, kaya kung ano ang sabihin kong kakainin mo, 'yon ang dapat," tinaasan ko siya ng kilay.


"Can you just suggest anything? Ah!" He shooked his head when I place the prepared salad in front of him.


Mahina akong tumawa at nanatiling nakatitig sa kaniya. "Ang arte mo talaga."


Napanguso siya at namumulang napaharap sa akin. "Ayaw mo ba talaga 'yang palitan?"


"Alam mo na ang sagot diyan, Josh."


"Pagbigyan mo muna ako ngayon," he pleaded.


"Josh... Isa," I warned.


He gasped and look down at his food. Naiiling niya itong kinain ng dahan-dahan at paminsan-minsang napapangiwi. I can't help but to laughed while staring at him.


"It's not funny, Doc," he tsked. Nagsusungit na naman.


Palihim ko siyang sinusulyapan habang nakangiti. Ang sarap picturan nito, ang cute kasi tingnan. Ngumunguya siya habang nakatingin sa kawalan. Kapag ganito siya alam ko agad na naasar na siya sa akin.


"Don't stare at me like that," Kulang na lang sumayad sa lupa yang nguso niya. I giggled.


His next operation will be the last and I hope and pray for it to be successful. At hindi ko naman hahayaan ang sariling may mangyaring masama sa kaniya kaya gagawin ko ang lahat. I prepared everything for his operation kahit na talagang malayo pa naman. It's the exact date for his sixth month here with me. At kapag gumaling na siya, mas gugustuhin kong hindi na siya makita pa ulit na makaapak sa hospital na 'to. I want him safe... always.



"Ang sungit mo," Pabiro kong sabi. He pouted again and groaned.



"Doc?" He called. Agad akong napabaling sa kanya. I saw a glimpse of sadness through his expression.



"Hmm?"



"Sa tingin mo? Kaya ko pa ba ang susunod na operasyon?" Seryoso niyang tanong habang nakatitig lamang sa harap ng kaniyang pagkain.


Pansamantala akong natigilan dahil sa sinabi niya, pero hindi rin naman iyon nagtagal. I looked at him and smiled. Kapag ganito siya mas lalo kong ginagawa ang lahat para i-cheer up siya at panatilihin ang kalagayan niya.


"Lahat naman kakayanin mo, 'wag kang mag-alala, ako naman ang mag-oopera sayo," I assured.

Umaliwalas ang mukha niya at buong galak na ngumiti. "Wala na pala akong kakatakutan pa." Kasabay ng pagngiti niya ay ang pagngiti rin ng kaniyang mga mata.


No other question asked, he's the only patient who can make me feel like this. Yes, I admit. He's sometimes, strict and arrogant, but the Josh who always make me smile, motivated me everyday. I will do my best to make him feel better, again.


Pagkatapos ng matagal na kainan ay bumalik na rin kami sa kanyang kwarto. Bibisitahin ko muna ang ibang pasyente ko at kokonsultahin ang mga ginagawa ng mga baguhang doktor.


"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, may aasikasuhin lang ako sa station," Saad ko. Tumango lang siya habang nasa tv ang tingin. Napangiti ako bago lumabas ng kaniyang kwarto. Dumiretso agad ako sa station at tinanong ang mga nurses sa mga importanteng bagay.


My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon