Chapter 21

858 71 37
                                    

Chapter 21

"Sleep well Joy..."

Yun ang huling sinabi niya bago ako pumasok sa loob ng aking condo. Hinatid niya nga ako ng matiwasay. Ang saya ko ay tila di na matutumbasan. I can still feel the roughness of his hands and the heat. Yung feeling na di nakakasawang hawakan at ayaw ko nang bitawan pa.

Huminga ako ng malalim at napaisip.

Parang bumabalik lahat ng nakaraan, natatakot ako baka magaya nanaman ng dati.

Naprapraning na ata ako.

Umingay ang cellphone ko mula sa lamesa. Kakatapos ko lang maligo at naghahanda na para pumunta ng hospital. May rounds pa akong gagawin.

Bumungad sa akin ang pangalan ni Papa.

Papa:

Joy? Are you awake now? You need to come here in the hospital.

Nangunot ang noo ko dahil sa text message ni Papa. Bihira lang siya magtext sa akin, madalas ay tinatawagan niya ako. Ano kayang meron?

Di ko na siya nireplyan bagkus ay nagbihis na para pumunta ng ospital.

Time checked 1:47am na. Sanay na naman akong minsan lang matulog kaya didiretso nalang ako ng ospital.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at nagulat sa nakitang itsura. Ang eyebags ko ang lalaki na! Myghadd!

Kumuha ako ng foundation at lipstick sa bag. Sana naman ay mawala na ito maya maya lang. Naniniwala ako sa magic. Hahaha





Hospital

"Doc! Dumiretso daw po kayo sa conference room sabi ni Doctor Canigo." Bungad ng isang Nurse. I dont know her baka bagong pasok lang ni Papa.

Tumango ako at dumiretso na sa elevator. I need to go to my office first para kunin ang aking lab gown.

Lumiko na ako para sana pumunta sa office ng tinawag ulit ako ng isa pang Nurse.

"Doc. Canigo, pinapatawag po kayo sa conference room. Mamaya na po kayo dumiretso sa office ninyo."

Anak naman ng! Ano ba kasing problema at bakit napakabig-deal?!
Tinakbo ko ang left wing nitong hospital para lang makapunta sa Conference room. Para na kasing di mapakali ang lahat.

Hinihingal parin akong binuksan ang loob ng conference room at unang namataan ng mga mata ko ay ang naiiritang mukha ni Cristine. Tss...

"Oh Anak, you're finally here. Let's discuss something really important." Sabi ni Papa habang nag-aayos ng mga papeles sa kanyang lamesa. Lumipad ulit ang titig ko kay Cristine na parang bagot na bagot na. Inirapan ko siya at di na tinitigan pa. Bahala ka jan.

Umupo ako sa harap ni Cristine. There are only three of us here in the conference room. I wonder why dad text me?

"Well iha, ang dahilan kung bakit pinatawag ko kayo ng ganito kaaga ay upang sabihin na may case akong iaasign  sa inyo." Pinagsalikop ni Papa ang mga kamay at tinitigan kami isa isa.

"Cristine Agcala is Doctor Miguel's daughter. She's a highly graduated Surgeon kaya kinararangal ko na napunta siya dito sa ating ospital." Kasabay niyon ay pagngiti ni Papa kay Cristine.

Kitang kita ko ang marahang pagtango niya kay Papa at pagngiti sa akin. Ngiting nagpapahiwatig ng kayabangan.

"The case that I will give for you two will test your skills and team work. Ang isang doktor ay di makakagalaw ng siya lang mag-isa, pero nakadepende parin iyan sa sitwasyon. Kayo ang aatasan kong mag-opera sa isang pasyenteng may Thalamic Hemorrhage."

Pagkatapos iyong sabihin ni Papa ay agad na dumiretso ang mata ko sa kanya. Did he really mean that? Hindi ito bihirang operasyon! Thalamic Hemorrhage?

"Dad! Isa iyang--"

Hinarang niya ang kamay niya saakin, pinapatigil ako mula sa pagsasalita.

"Alam ko iha, delikado ito at di ka pa nakasalamuha ng ganitong klaseng sakit. Pero base sa mga naranasan mo ay alam kong kaya mo na ang mga ganitong operasyon." Puno ng tiwala ang mga mata ni Papa habang nakatingin sa akin. At naging dahilan iyon ng lihim na kasiyahan sa puso ko.

Huminga ako ng malalim at lihim na napangiti dahil sa tuwa. Kitang kita naman sa gilid ng mga mata ko ang pag-ismid ni Cristine. Talaga bang ganito ang ugali ng inggratang to?

"Inaasahan ko ang kooperasyon at pagtutulungan ninyong dalawa. Ihanda niyo narin ang sarili niyo at maghanda kayong mabuti sa nalalapit na operasyong ito. Sa ngayon ang pasyenteng iyon ay di pa nakakarating dito sa ating ospital." Tumayo siya at isa isang binigay sa amin ang records ng pasyente.

"Pasyente siya galing Davao. Kilala ang ating ospital dahil sa magagaling na doktor at kumpleto tayo sa gamit. Darating ang pasyente sa makalawa kaya paghandaan niyo ng mabuti ang lahat. This operation can give you strength and knowledge. And please think for the good of the patient, sana ay di kayo mag-isip ng iba pang bagay. This can help you to enhance your knowledge in operating different cases. Huwag sanang lalaki ang ulo niyo dahil lang sa ibinigay ko sa inyo ang napakalaking oportunidad na ito. Yun lang salamat." Tumayo na si Papa at kinamayan kami isa isa.

Di mawala ang ngiti ko sa labi.
May matututunan na naman akong bago.

Nang nawala na si Papa sa loob ng conference room ay agad nawala ang saya na nararamdaman ko. Napalitan ito ng kakaibang aura.

"Akalain mo nga naman? Makakasama pa kita?" Ang mga ngisi niyang puno ng pamamaliit ay nagbigay ng iritasyon sa akin, pero di ko pinahalata.

"Oo nga ehh, siguradong masaya to." Nginitian ko siya ng pagkatamis tamis, yung tipong malalaman niya ang pinapahiwatig ko.

"Well, kahit na anong kompara ng mga tao sa atin...ako parin ang magaling," sabi niya habang pinandidilatan ako ng mata.

"Don't worry, di naman ako nakikipagkumpetensya sayo eh. Nag-aral ako ng pagdodoktor para makapagpagaling, di para magyabang." Nginitian ko siya at kinuha na ang purse ko na nasa lamesa. Tumayo ako at akmang aalis na nang nagsalita siya.

"Mabuti naman kung ganoon. Kapag ganyan ka lagi, makukuha ko na ang gusto ko sa madaling paraan."

Hinarap ko siya at tinitigan. Ang paraan ng pag-angat ng kilay niya ay tila nagbabanta.

Wala ka talagang pinagkaiba sa Ama mo.

"Talaga? Ang akala ko kasi pinaghihirapan ang bagay na gustong makuha, di ko alam na madali lang pala yun sayo? Wowww." Sinabayan ko iyon ng mahinang pagtawa at pagpalakpak.

"Oo madali lang, depende sa gagawa nun..." Ang kaninang ngisi ay humiwalay na sa mukha niya.

Ngumuso ako at bahagyang tumango sa sinabi niya. "Tama nga naman, parang may kutob na tuloy ako kung ano ang gusto mong makuha?"

Pinagtaasan niya lang ako ng kilay habang di parin natatanggal ang pagkakatitig niya saakin. Ramdam ko ang galit na binibigay niya habang pinanlilisikan ako ng mata.

"Ohh, may round pa pala ako. Dahan dahan lang sa pagkamit ng gusto, baka pumalpak ka." Kinindat ko siya bago tumalikod at lumabas na sa mainit na kwartong iyon.



Air conditioned naman ang loob pero ang init.

My Adorable Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon