Chapter 2

127 9 1
                                    

Chapter 2

“...then we met people and it's not an accident.”

Bago ako pumasok sa klase ay dumaan muna ako sa registrar para sa ilang concern regarding my absences pagkatapos ay sa guidance office, I had violated rules so I received punishments.

Kakapasok ko palang may bonus na agad akong sakit sa ulo.

Halos hindi ko na makita and daanan dahil sa dalang kahon plus sobrang bigat pa, siguro'y mga libro ang laman nito. Sa Education building ko raw iyon dadalhin, sa faculty, at hindi biro ang lalakadin ko bago makarating doon. Pwede ko namang iwanan muna ang isang kahon para hindi mabigat pero mas matagal iyon, may klase na ako ng 10:30 at ayoko namang ma-late pa.

May ilang mga estudyante ang napapatingin sa akin pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at kung minamalas ka nga naman...

Mabuti na lamang at hindi tumapon ang laman ng kahon nang tumilapon iyon sanhi ng malakas na pagkabangga sa akin ng isang lalaki. Masakit rin ang aking pigi dahil sa pagkabagsak.

Talaga namang...

“I am sorry miss, I was in hurry and I didn't notice you,”

He continue picking up the boxes while apologizing.

“Oh? It's heavy, where are you going? Let me help you with this.”

Ay taray english speakerist si koya.

“Ay, no no. I can do this. Mukhang nagdudumali ka at baka makaabala pa ako. Kaya ko na 'to.” puno ng sarkasmo kong sabi.

Nakaismid kong kinuha ang mga kahon sa kanya at bago pa s'ya makapag-react ay tinalikuran ko na ito at nagdudumaling umakyat sa hagdan.

Pagdating ko sa mismong faculty offce ay nagulat ako dahil may nakahilig sa may pinto doon at nang makita ako'y sumulyap iyon sa pambisig na relo.

I was stunned when I realized how handsome he is. He's tall and dressed too formal at mukhang ang bango-bango n'ya. Bahagya tuloy akong nahiya dahil tiyak na pawis-pawisan ako.

But who is this man?

“I'll just have to put this inside sir, umm... excuse me.”

I don't know if it was right to call him sir but base on his look naman kagalang-galang s'ya so...

Na-realized kong hindi lang s'ya tumatabi doon, bigla akong nainis. Hindi ba n'ya nakikitang nahihirapan ako.

Para namang nabasa n'ya ang nasa isip ko. Kinuha n'ya ang kahon sa ibabaw kaya medyo gumaan iyong dala ko. Mangha ko s'ya pinagmasdan nang buksan ang pinto ng office. Baka professor s'ya?

“You took so long..”

Dinig kong sabi ni sir kahit pa halos pabulong iyon. Wala namang ibang tao sa opisina kaya sigurado akong ako ang kinakausap n'ya.

He put the box on the floor at bago pa man ako makagalaw para ilagay din ang kahon doon ay nakuha na niya ito.

“Ako na..”

“Sa-salamat sir.”

Why the hell I am stuttering?

Pagkatapos n'yang ilagay ang mga kahon doon ng maayos ay hinarap n'ya ako. For second I realized that he's staring at me kaya nag-iwas ako ng tingin.

“You... better go.”

Sinunod ko ang utos n'ya at agad na nagtungo sa may pinto dahil narin siguro nakaramdam ako ng konting pagkailang. He followed me, I can feel that he's just behind me. At bakit naman kinakabahan ako na malapit s'ya?

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now