Chapter 14

62 8 0
                                    

Chapter 14

“Second chance is free but second life isn't.”

“Alam mong ikakapahamak natin 'to pare-pareho! Pumayag ako noong una kahit alam kong delikado pero hindi ko na palalampasin 'to—”

“I want to hide her from everything, I don't want to involve her in this situation—”

“That's stupid! Noon pa may involve na s'ya, at wala ka ng magagawa. Kung ipipilit mo ang gusto mo'y pare-pareho tayong mamamatay, tandaan mo 'yan Daniel!”

“Pinaalalahanan na kita noon, nag-usap na tayo tungkol dito, hindi ba? Be professional Daniel, you're here because you need to protect that woman. Last chance na ng pamilya n'yo ito, one more mistake and we're all dead. Umayos ka!”

Kanina pa ako gising kaya naisipan kong lumabas ng kwarto pero natigilan ako ng may narinig na nagtatalo sa sala. Kumubli ako sa isang malapad na cabinet para makinig kahit pa hindi ko sigurado kung ano ang pinagtatalunan nila.

I heard the door slammed and seconds later may nasa harapan ko na si Daniel. Napatungo ako, biglang nakaramdam ng hiya dahil sa ginawang pag-usyoso.

“Nagugutom kana?” He asked me softly.

My eyes narrowed on his expression. Akala ko magagalit s'ya dahil sa pakiki-usyoso ko pero bakit parang wala lang iyon sa kan'ya. 

“Tatawagin ko si Alinet para asikasuhin ka, aalis muna kami ni Alvin.”

Hindi ako sumagot. He looked away as he took a deep sign. “Narinig mo ba?”

Tumango ako. “Ako ba ang pinag-uusapan n'yo?”

Bumaling s'ya sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko. “Magpahinga ka muna, huwag kang masyadong maglakad-lakad,”

Ginulo n'ya ang buhok ko. “baka mabinat ka. May gusto akong sabihin sa'yo, pwede ba tayong mag-usap pagbalik ko...”

Ilang segundo akong natahimik. Magtatagal pa ba ako dito?

“Baka nag-aalala na sila,” I looked at him, biglang nanubig na ang aking mga mata.

“ibalik mo na ako...”

When he didn't answer. Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Sa isang iglap ay bigla nalang akong tinalikuran ni Daniel. Gusto ko s'yang habulin at magmakaawang paalisin ako dito pero alam kong hindi n'ya iyon gagawin. Mukhang wala naman s'yang balak na pakinggan ako.

Sigurado akong may dahilan kung bakit ako naririto. Iyong narinig ko kanina alam kong may kinalaman ako roon. Ngunit wala naman akong maisip na sapat na rason para gawin nila sa akin 'to. Being ignorant is tiring and I hate it.

Parang pinaglalaruan nila ako.

Ako, na walang kaalam-alam.

Pinalis ko ang luha sa mga mata. I need to do something. Hindi ako mananatili dito.

Malamang pinaghahanap na ako ngayon, knowing Herald and my friends they won't stop finding me ganoon din sina ate Rita. Alam ko kahit papaano'y gagawa sila ng paraan para makita ako. Pero paano nila ako mahahanap gayong nandito ako sa pusod ng gubat? I left my phone in the hospital, wala akong nadalang gamit maliban sa suot na hospital gown. Hindi ko sila matatawagan man lang.

Isa pa paano ako makakabalik sa Serino kung kahit piso ay wala ako.

Muli kong pinalis ang luha sa mga mata.

“Miss...”

Nanlalabo pa ang mga mata dahil sa nagbabadya na namang luha, binalingan ko ang lumapit. Gamit ang dalawang kamay ay tinuyo ko ang mukha saka agad inayos ang sarili. I won't let them think that I am weak.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now