Chapter 15

52 7 0
                                    

Chapter 15

“No trigger is safe unless a gun has no bullets. No life is safe unless we're dead.”

“Daniel—”

“Fuck!”

Nagulat ako sa biglang pagkamatay ng ilaw, may narinig pa akong ilang kumalabog kaya kinabahan ako.

Bigla tuloy akong nagsisi na hindi muna kumatok.

“Daniel, ayos ka lang—”

“Wait! I'm naked—fuck!” Isang malakas na kalabog na naman ang narinig ko. Kasabay noon ay ang pag-igik ni Daniel.

“Ahh!”

Nanginit ang mukha ko nang mag-sink in sa akin ang ibig n'yang sabihin.

Naked.

Oh, gracious hell!

Nang bumukas ang ilaw ay agad kong nakita ang namimilipit na si Daniel. Hubad-baro ito, tanging pajama lang ang suot at ang mask. Tss.

Bumaba ang tingin ko sa katawan n'ya, namumula ang kan'yang leeg pati ang dibdib habang habol ang paghinga. Bahagyang akong lumapit sa kan'ya habang nakatanaw parin sa kan'yang katawan.

“Nage-enjoy kaba sa katawan ko?” Daniel asked as he leaned on the headboard.

Inirapan ko s'ya. “So pervert..” I crossed my arms as I reached the edge of his bed. Sinulyapan ko ang paa n'yang may benda rin.

“You're hurt.” I touched the bandage on his left foot. He groaned.

“Ouch!”

Inismiran ko s'ya. “Arte.”

“Ito rin masakit..” tinuro n'ya ang may tagiliran. When I saw his abdomen as well as his proud packs there I felt my heart palpitate inside. I looked away. He chuckled.

“You can touch it—”

“Shut up!” I rolled my eyes.

Daniel closed his eyes, “Nagugutom na ako.” he suddenly confessed.

I raised my eyebrows nang tumingin s'ya sa akin. “Anong gagawin ko sa gutom mo?”

Natigilan s'ya at matagal na tumitig sa akin. “Are you worried?” tanong n'ya kapagkuwan.

“S-syempre naman!”

“Noong nakita mo akong duguan kanina, nag-alala kaba?”

“Yes. You're hurt and in too much pain, of course I got worried.” pag-amin sa totoong nararamdaman.

He nodded. “That's good to hear.”

Bumangon s'ya at mabilis nahagilap ang kamay ko. He pulled me beside him.

“Mas mabisa kapa sa kaysa sa gamot na pina-inom ni Alvin,” He hugged my waist.

“Magaling na ako agad.”

I let him do that hanggang sa kusa s'yang bumitaw. Base sa nanliliit n'yang mata alam kong nakangiti ito.

“Lalo na siguro kung dito ka matutulog baka makatakbo na ako bukas.” He joked.

Puro kamanyakan ang alam.

“Tse! Matulog kang mag-isa. Anyway saka na tayo mag-usap kapag maayos kana hindi 'yang ganyang paralisado ka.” I crossed my arms again.

He was stunned for a while.

“Why?” I asked.

“Akala ko ba gusto mo ng umuwi?”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now