Chapter 41

60 5 1
                                    

Chapter 41

“There's a succulent meal below, beware.”

We find a possible safe way to avoid the eyes of ISCians as we headed to the old clinic. Ngunit hindi pa rin kami nakaligtas sa ilan lalo na nang mapadaan kami sa may library. Some students were staying at the corridors and when they saw us they started gossiping about us.

It's not about my dress anymore and that's not the issue here, really. Kami ni Isan. These people probably knows something about us. Their teasing sounds, wide grins and even the glints of judgements are visible in some eyes. I swallowed hard, trying to ignore what's happening around when I felt a hand on my waist.

I looked at the man beside me and smiled. “They were probably talking about us.”

“Kels, calm down.”

“I can't.”

Nakalayo na kami, sigurado ako. Wala na ako masyadong naririnig na ingay maliban sa sigawan na nang-gagaling sa gym. Nasa hagdan na kami at natatanaw na namin ang mga benches sa itaas, sa likod naman noon ay ang clinic na.

Marami nang nagbago dito sa ISC, may nadagdag ng mga buildings, mas naging maaliwalas at maingay kumpara noon. Ang canteen ay may second floor na rin, dalawa na ang gymnasium siguro'y mas dumami pa lalo ang estudyante ngayon.

Nang tumigil kami ay hinawakan ni Isan ang dalawang balikat ko. Bumaba rin siya ng konti para magpantay ang mga mata namin. Kinakabahan man ay sinalubong ko ang mga mata niya.

“Normal na may mga tao kang makakasalamuha at ang ilan sa kanila ay pag-uusapan ka kapag nakatalikod ka na. Alam mo kung anong dapat mong gawin? Kumalma lang. Dahil kung magpapa-apekto matatalo ka.”

Tumungo ako saka dahan-dahang ipinalibot ang aking braso sa kan'yang baywang. I moved closer until my cheeks touched his chest.

“Masyado kitang mahal para hayaan silang saktan at talunin ka.”

“Mahal din kita, Isan.”

I heard him chuckled as he tightened the hug. I even felt his fingers brushing my hair softly and that feels good. “Lolo Rodolfo is my father's step-dad. He's the only family I have here in the Philippines before. Wala siyang anak sa dati niyang asawa kaya siya na ang tumayong totoong ama kay daddy lalo pa't maaga ring nawala si Lola Zedalia. Sa side naman ni mommy, hindi ko na nakilala ang mga lolo at lola ko dahil matagal na raw na namatay. Dalawa lang magkapatid sina mommy, siya at si tito Nathaniel. Nakita mo na siya noon, he's Alinet and Alvin's father. Nasa Canada rin si mommy ngayon at mukhang wala nang balak umuwi rito sa Pilipinas dahil masaya na raw siya roon. Pero si Ivan after graduation siya ang mamamahala ng VMP kaya baka hindi na nga ako bumalik ng Maynila.”

May pumatak na luha sa mga mata ko. Now, he's telling me about his family. I felt like, slowly, he is opening his life to me now. Kilala na n'ya ako pati ang pamilya ko kaya ngayon nararamdaman kong siya naman itong gumagawa ng paraan para mas makilala ko siya.

Mas isinisik ko ang katawan ko sa kan'ya. “Tell me more.”

“Lahat sila alam ang tungkol sa atin pero noong una hinahadlangan nila ako. But my mom is different, sa lahat siya lang ang tanging sumuporta sa akin nang ikaw ang piliin ko. When I was in Canada she wants me to came back here to pursue you, palagi niya akong pinagtutulakan papunta sa 'yo.”

Parang may kumurot sa puso ko matapos marinig iyon. His mom wants me for his son.

“Kahit hindi ka pa niya nakikita sa personal, sigurado na raw siyang gusto ka n'ya kung sakali, ba maging manugang.”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now