Chapter 16

44 7 0
                                    

Chapter 16

“I wish nightmares are kind so I won't get hurt, you won't, we won't.”


“Alinet! Beauty queen—oh, nakita mo si Ali?” tanong ko kay Alvin na naabutan kong kumakain sa kusina.

“Umalis. May bibilhin yata sa bayan.”

Bibilhin? Hapon na a?

“Kasama si Daniel?” Tanong ko pa habang nagsasalin ng malamig na tubig.

“No. Mag-isa lang, why?”

“Wala naman.”

Lumabas ako ng kusina at nagtungo sa teresa sa may parteng likod. Ang kulay kahel na langit ay napaka-gandang pagmasdan mula sa kinauupuan ko ngayon. Mataas ang lugar na ito dahilan kung bakit magandang tingnan ang ibaba, kapag tanghali ay tanaw ang malawak na karagatan pero hindi ako sigurado kung nasa Isla Serino parin ako.

Tumayo ako at humilig sa haliging kahoy. I closed my eyes when the cold breeze kissed my skin. Mumulat lang ako ng maramdamang may lumapit, nagkatinginan kami ng ilang sandali hanggang sa ako nalang ang nag-iwas ng tingin.

Kailan ba iyong nangako s'ya sa akin na mag-uusap kami? Kailan ba iyong sinabi mong ibabalik mo ako sa Serino, Daniel?

“Alam mo kung anong iniisip ko ngayon?” tanong ko sa kan'ya na nasa akin parin ang madilim niyang titig.

“Iniisip ko 'yong mga taong naiwan ko sa Serino, ano na kayang ginagawa nila?”

Daniel looked away.

“Hinahanap pa kaya nila ako? It's almost two weeks,” Katulad n'ya ay tumingin din ako sa kawalan.

“Too bad, wala akong magulang na nag-aalala sa akin. Kung siguro narito sila baka hindi sila titigil sa kakahanap sa'kin, 'no? Kaso they both left me, minsan nga naiisip ko na wala silang planong hanapin ako.” mapait akong ngumiti.

“Nag-aaral akong mabuti para maka-graduate agad at mahanap sila kahit pa may parte sa akin na ayaw ng gawin iyon. But I need them to complete me.”

Isang malaking buntong-hininga ang pinakawalan ko bago hinarap ang kasama na nakatingin parin sa malayo. “I want to blame you, Daniel. Nahihirapan na ako dito,  sobra. Bawat araw na magigising ako sa loob ng kwartong hindi sa akin parang nahihirapan akong bumangon, parang ayokong simulan ang araw ko at bumalik nalang sa pagkakahimbing at aasang sa paggising ko I will realized that everything—even you was just a piece of my usual nightmare.” tears pooled in my eyes.

“I didn't know this would be completely torture.” my voice broke.

Dahan-dahang bumaling si Daniel sa akin, pinalis ko ang naglandas na luha sa aking mukha. “Nakakapagod palang magtiis...”

Daniel hold my hand and slowly pulled me, nang sobrang lapit na namin sa isa't-isa ay tumungo ako.

“Galit ako sa'yo. Galit na galit ako sa inyong lahat.” I said, almost whisper.

Hinagod n'ya ang likod ko hanggang sa dahan-dahan kong naramdaman ang pagsubsob ng aking mukha sa dibdib n'ya. Niyakap n'ya ako ng sobrang higpit na halos magdikit na ang mga katawan namin kaya naman dinig na dinig ko ang malakas na pintig ng kan'yang dibdib.

“Pakawalan mo na ako Daniel, parang awa mo na...”

Halos humagulhol ako dahil sa pagsusumamo sa kan'ya. Pero hindi s'ya sumasagot, hindi s'ya nagsasalita kaya lalo akong nasasaktan. I want him to explain everything to me para naman malinaw sa'kin. Gusto kong mag-salita s'ya para hindi ako nanghuhula sa nararamdaman n'ya at sa mga iniisip nila.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now