Chapter 26

45 6 0
                                    

Chapter 26

“People fooled us once, twice and more but why we still afford to forgive?”

“Can you please bring her to the headquarter, Simon?”

“Saan? Main?” Kaswal na tanong ni kuya habang patuloy pa rin sa pagkain ng tinapay na basta na lang nitong kinuha mula sa table ni lolo.

“Yes, dahil si Daniel... He's there.”

Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang pangalan ni Daniel.

Ganoon din si kuya, dahil napansin kong bahagya rin itong natigilan.

“Pinuntahan n'ya ako rito kanina pero masyado akong pagod para harapin siya so I let my men,” he looked at me worriedly. “handle him.”

May sumigid na kaba sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag.

“Send him home.” Utos niya kay kuya Simon bago ibinaling ang atensyon sa akin. “Pagod na akong mag-paliwanag sa kan'ya kaya kung magkaka-usap kayo—”

“Lolo wala pang alam ang kapatid ko. Hayaan mong si Daniel ang magsabi noon kay Keliandra.” Kuya Simon cut him off. Tumango-tango ang matanda.

I don't understand! Anong pinaguusapan nila?

Ano ang hindi ko alam na kailangang si Daniel pa ang magsabi sa akin?

“Do you want to rest first, pwede namang bukas na lang kayo pumunta roon—”

“Hindi na po. Let's go there kuya, please. Ngayon na...” Hindi ko maintindihan kung bakit ako natatakot  na ipagpabukas pa ito.

Am I afraid that something might happen to him?

Am I afraid because he might be in danger?

But why? Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

“Kung iyan ang gusto mo, sige.”

Pagkatapos naming magpa-alam sa matanda ay ginawaran akong muli nito ng isang yakap bago nag-salita.

“Kung sakali man... kung isang araw... babalik ka dito para hingin ang basbas ko bilang lolo mo, hindi ko 'yon ipagkakait sa inyo. Even he is a Verdejo.”

Masyadong maingay ang mga kasama ko sa sasakyan pero hindi ko alintana iyon. Kusang naglakbay ang aking isipan. May parte sa aking isip na umaasang mali ang mga iniisip ko.

Kilala ko ang mata ni Isan. Bawat detalye noon alam na alam ko. Maaaring nakalimutan ko ang amoy n'ya maging ang hugis ng katawan n'ya pero hindi ang kaniyang mga mata.

And I once saw that pair of eyes on Daniel.

“What about the girl you're talking about, iyong na-meet mo sa Cavite ba 'yon?”

I let out a deep sigh.

“Nabalitaan ko binalikan mo raw?”

“Bababa na ako! Yael itigil mo 'to!”

“Napipikon na 'yang si Leonard n'yan?”

“Fuck you, Arturo. Mabaog ka sana.”

Pinilit ko na lang makinig sa kanila kaysa mas isipin ang mga ganoong bagay. Sometimes we can just stop and wait for it to come and happen. Hindi naman kailangang palagi nating papangunahan ang mga bagay-bagay.

“Kuya malapit na ba tayo?” Tanong ko kay kuya Simon na tumatawa pa rin. Nilingon ako nito saka bumuntong-hininga, may pag-aalala sa mga mata.

“Mga isang oras nalang...”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now