Chapter 35

47 7 0
                                    

Chapter 35

“I instantly wrapped my arms around his neck and hug him.”

Tinawagan ni kuya sina papa nang makarating kami sa Isla Serino. Maraming bilin si mama lalo pa't hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ito. Iniisip niyang baka may mga hindi pa nahuhuling kasamahan ni Bartolomeo. May ganoon din akong pangamba pero sa palagay ko'y hindi na naman dapat. Naging maingay na ang balita iyon sa buong Pilipinas ngayon, usap-usapan din kahit saan. Maraming nagbunyi lalo pa't kahit papaano'y nakamit na ang hustisya, karamihan ay ang mga biktima ni Bartolomeo.

Nagsulputan ang iba't-iba pang kaso niya na may ikinasadlak niya sa kasalukuyan. Sa mga ganoong senaryo hindi ko pa rin mapigilan na malungkot para sa sakim na katulad niya.

He's been so lonely and now he's probably facing death. He's old enough and I wonder if he ever experienced being completed like me. He has no family for a long time, that's the most saddest part there. He was the creepiest person who brought too much pain and suffering in me but I will not forever mad at him, one day in the future I would be able to forgive him and that's the only assurance I can offer him.

Sana katulad ko marami rin sa inyo ang lumaya na sa pagmamalupit ng mga itinuturing ninyong Bartolomeo sa sarili n'yong laban.

“Are you sure you want to see him?” That question made me frowned.

“Yes, why?”

Kuya Simon slightly shook his head. “Baka lang napipilitan ka dahil kay lolo.”

“Hindi.”

“Huwag mong aawayin si Daniel, marami s'yang sugat.”

Tss. As if I can do that to him.

Sabi ko kay kuya Simon na titigil kami sa Café Serino para doon na lang managhalian. Hindi na kami dumaan sa bahay pero nang tumapat ang sinasakyan namin sa bahay nina ate Rita ay nakaramdam ako ng lungkot. Wala na si kuya Piolo at silang dalawa na lang ni Kulindra ngayon, alam kong masakit para sa kan'ya iyon.

“Siya ang tumayong nanay-nanayan ko noon. Napakabuti niya sa akin, pati na si kuya Piolo. Nalulungkot ako para sa nangyari.”

“I know. Kaya nga balak kong tulungan silang mag-ina na magsimula ng sarili nilang negosyo.”

Nilingon ko si kuya Simon na ngayon ay malungkot rin ang mukha. “Alam kong nasilaw lang sa pera si Piolo, naging mali lang pamamaraan niya pero alam kong malaki ang pangarap niya para sa kan'yang anak. Siguro'y nakonsensya siya noon, kaya pinili na lang niyang tapusin ang buhay niya kaysa ipahiya ang kan'yang mag-ina.”

Napansin kong malaki na ang ipinagbago ng Café Serino, mas lumaki na iyon at halata nang umunlad. Narito kaya si ate Majo? Si Sean at Pau kaya? O si kuya Samson?

Ang lahat ng mga katanungan kong iyon ay nasagot nang makapasok kami. May waitress agad na sumalubong sa amin at kagaya ng plano ko, ang manager ang pinakisuyo ko. Kuya Simon roam his eyes around while we're waiting for ate Majo. I am very excited to see her, sana nakapag-asawa na siya.

“Excuse me, ma'am.” Tumuon ang mga mata ko sa lumapit na babae sa amin. Ang suot nitong uniporme ay kapareho ng madalas na suot ni ate Majo noon, napamaang ako lalo na nang mapagtanto kung sino ang kaharap.

Paula?

“Kels? Oh my God!” Agad akong ginawaran ni Pau ng mahigpit na yakap. Hugging her back, I chuckled.

Katulad nang panalangin naming lahat, nakapag-asawa rin si ate Majo, ang Café ay pagmamay-ari na ngayon ni Sean at si Paula naman ang bagong manager, si kuya Samson daw ay nag-ibang bansa na at doon na nakapag-trabaho kalaunan ay doon na rin nagkapamilya.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now