Chapter 8

75 9 0
                                    

Chapter 8

“It's more complicated to deny things than telling the truth.”

Hapon na nang makauwi ako sa bahay, galing ako sa ISC at nag-asikaso ng mga requirements para sa enrolment pero minalas pa. Pagkatapos naming pumila ng halos ilang oras ay bigla naman silang nag-sara dahil may emergency meeting raw.

Pagdating ko sa bahay ay nagpasya akong mag-dilig. May kaunti kaming taniman ng gulay sa likod, sa may gilid naman ay may ilang puno na nasa loob din mismo ng aming bakod, may orchids din si papa at noon pa ma'y ako na ang naatasan n'ya na magdilig noon tuwing umaga at hapon.

Napansin kong naninilaw narin ang bermuda na itinanim ko kaya kinuha ko na ang hose sa loob para hindi na ako mahirapang magdilig kaya lang hindi ko maikabit ng maayos iyon sa gripo. May mga kailangan pang ikabit na threads at wala naman akong matandaan na may tools kami dito sa bahay.

Nagmadali akong lumabas at nagtungo kina tiya Delsa pero nakasara ang gate nila kaya kina ate Rita na ako tumuloy.

"Ate Rita? Tao po." Isang tawag lang at may sumungaw agad na maputing lalaki. Ngumiti ako.

"Si ate Rita, nariyan?" Tumango ang lalaki kaya mabilis akong pumasok sa tarangkahan nila. Sanay na ako dito dahil mula pagkabata naman ay palagi na ako dito. Walang anak sina ate Rita at kuya Piolo kaya naman tuwang-tuwa din ang dalawa kapag gumagala ako sa mga ito.

Nang makapasok ako sa mismong kabahayan ay nasa akin parin ang tingin nang lalaki. Muli akong ngumiti bago nagtuloy-tuloy sa loob.

"Ate? Asan ka?" Dumiretso ako sa kusina.

"Oh Keliandra! Akala ko'y kung sinong tumatawag. Nariyan pa yata sa banyo ang ate Rita hintayin mo nalang sa sala at ako'y aalis rin," kinuha niya ang malaking bag at isinukbit iyon.

"Rita narito si Keliandra!"

"Oo sige, madali na ito." Balik na sigaw ni ate.

"May duty ka pala kuya Piolo? Ingat ho kayo sa biyahe."

"Salamat Keliandra, pero magaala-singco na kaya aalis na ako. Xavier samahan mo muna dito si Keliandra."

Nakaalis na si kuya Piolo pero nasa banyo parin si ate Rita kaya naupo muna ako sa upuang gawa sa kawayan. I threw a glance on the paper-white man sitting near the door. Seryoso s'ya at hindi umiimik, maya-maya pa'y ibinalik na nito ang atensyon sa cellphone mabuti nalang at hindi nag-tagal ay lumabas narin si ate Rita. Buti naman.

"Kels, aba ay napasyal ka! Dito kana maghapunan."

"Hindi na ate. May niluto narin ako sa bahay, may hihiramin lang sana ako. Iyong hose kasi sa bahay ay hindi ko maikabit, wala pa naman kaming tools. Baka meron kayo rito ate?"

"Naku ay dapat sa kuya Piolo mo na ipinakisuyo iyan. Sayang at may duty siya ngayon, pero bukas naman ay narito na iyon." Umiling ako.

"Kaya ko naman ho siguro, medyo naninilaw narin ho kasi iyong mga bermuda grass ko sa bahay didiligin ko lang sana." nakita kong sumulyap sa amin iyong lalaki.

"Ay oo nga at sobrang init ngayon. Ayy oo nga pala, halika ka Xavier." Marahang tumayo iyong Xavier na seryoso parin ang mukha, lumapit siya sa amin.

"Si Xavier, pamangkin ko galing Laguna," ngumiti ako at ganoon din naman s'ya.

"Xavier John Domingo." Inilahad niya ang kamay sa akin, magiliw ko iyong tinanggap.

"Keliandra Pajaro."

"Tama! Mabuti pa'y ikaw nalang ang tumulong dito kay Keliandra, Xavier."

Bago pa ako makatanggi ay mabilis na umalis si Ate Rita para siguro kumuha ng tools. Nang tapunan ko ng tingin si Xavier ay medyo gulat din.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now