Chapter 38

55 5 0
                                    

Chapter 38

"Kung tapos na pala, bakit pa nagti-text?"

Sa loob ng halos isang linggo ko dito sa Isla Serino palagi ako sa restaurant ni ate Rita. Ako ang nagbabantay kay Kulindra lalo na kung tanghali at abala sila dahil maraming customer. Totoong tinulungan nga ni kuya Simon ang mag-ina na makapag-simulang muli. Noong una'y aayaw daw ni ate Rita dahil nahihiya subalit kalaunan ay napapayag naman ito.

Maging sa akin, noong unang beses na dumalaw ako dito at nagka-usap kami panay ang hingi niya ng tawad dahil sa nagawa ng asawa kaya ipinaliwanag ko sa kan'ya na wala na iyon.

"Ate!" When Kulindra saw me entering the restaurant's door she excitedly ran towards my direction, napalingon pa sa amin ang ilang kustomer na kumakain. Karamihan ay mga estudyante mula sa ISC. "Kain ka ate?" She asked cutely.

I lifted her and carried in between my arms as we went straightly to the counter where Xavier was busy over something.

Kailan pa dumating ang lalaking ito?

"Saan mama mo, baby?" Tanong ko kay Kulin na mabilis itinuro ang direksyon kung nasaan si ate Rita. May inaasikaso ito sa isang gilid kung saan ang mahabang mesa roon ay puno ng mga pamilyar na tao sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang mga iyon.

"Kels!"

Ibinaling ko ang atensyon kay Xavier na ngayon ay naghuhubad ng suot na apron at nagtungo kami roon. Hindi na lang pinagtuunan ng pansin ang mga dating kakilala na nasulyapan sa mesa hindi kalayuan.

"Kailan ka pa dumating, Xavier?" naupo ako sa stool doon samantalang sa hita ko pinaupo si Kulin.

"Kanina lang." Sagot niya. Maya-maya pa'y tumaas ang kilay. "Ikaw ha! Sabi ni tita lagi ka raw dito."

Nangunot ang noo ko. "Oh, ano naman?"

Xavier placed a plate on the counter table and grabbed Kulindra in my arms. "For you, pasalubong ko sa 'yo. Kumain na kami kanina, para sa 'yo na 'yan."

"I don't eat ice cream, Xavier."

"Really? Sayang naman." He pouted and that made me chuckle.

"But it's a prank! Thank you."

The corner of his lips quirked up. "Tss."

"Tito Pogi, liligawan mo si ate?"

Pareho kaming natigilan ni Xavier sa tanong ni Kulin. Ang dapat na isusubo ko ng ice cream ay naiwan sa ere, even Xavier, I heard him cleared his throat.

"Ikaw ate liligawan mo tito pogi?"

Namamangha kong tinitigan si Kulin na inosenteng naka-abang sa sagot ko, si Xavier naman ay bahagyang napangiti sa akin pero nahalata ko rin ang pagka-ilang.

"Kulin, s-saan mo narinig iyon?" Tanong ko sa bata.

"Kay mama po. Sabi mama dapat liligawan tito pogi ikaw ate."

"Keliandra!" Ate Rita caught our attention, nagmadali ito sa paglapit sa amin at agad kinuha si Kulin kay Xavier at ibinaba. "Naku, huwag n'yo nang buhatin itong si Kulindang at malaki na naman."

Sandali tuloy naming naiwala ang pinag-uusapan kanina.

"Kumain ka na ba, Kels?"

"Ah, oo ate. Kumain na ako sa bahay kanina."

"Pasensya na at hindi ko kayo maasikaso ni Xavier, mas maraming kustomer ngayon dahil may tao sa privates mga taga ISC."

"Ayos lang ate, ako na lang muna ang bahala kay Kulin."

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now