Chapter 7

83 9 0
                                    

Chapter 7

“You can't blame me.”

Napabalikwas ako nang may kumalabog sa labas. It's past 10 in the evening at mahimbing na ang tulog ko, sadya lang na mabilis akong magising kapag ganito. I always remember what papa said, that I have to be half conscious all the time. Dapat alerto.

Ngayon naiintindihan ko na si papa. Nagpakawala ako ng hilaw na tawa. Mukhang alam at sigurado s'yang dadating ang araw na kakailanganin ko ang mga itinuturo n'ya.

Mabilis kong binuhay ang switch pero huli na dahil napatay na ang linya. I hold my phone tight, with Hale's name on its wall.

For months I learned to trust them especially Hale, she's something I am comfortable talking with even only through phone. Kung masamang tao ang nakapasok at hindi sila I'll call her. It's not that I can't fight alone, but they allow me to report whatever suspicious thing I would encounter.

Kinuha ko ang maliit na punyal sa drawer at isinuksok iyon sa tagiliran, I can use this for defense to at least protect myself.

Mabilis na gumalaw ang pinto ng kwarto ko na nakalimutan ko palang i-lock kung hindi naman ay baka nabuksan nila iyon.

Dalawang malalaking bulto ang lumitaw doon, kinabahan ako. Their silhouette were screaming for disaster, kaya napaatras ako.

These people are scary, kung masasamang loob ang mga ito ay paniguradong sa laki nila'y hindi nila ako iiwang buhay.

Bago pa sila makalapit ay mabilis kong hinigit ang study table at itinulak iyon sa harapan nila. Tumilapon ang mga gamit ko sa ibabaw, ang tunog kanina na tila nabasag ay siguradong ang lampshade ko iyon. Nawalan na ako ng pakialam lalo pa't ang mas mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ko.

In a swift move ay nakasampa ako sa may bintana. Ang bintana'y walang rehas, now I know its purpose. I fearlessly jumped there and landed perfectly on a wet bermuda I planted three months ago. I immediately hit the dial button.

“Puta! Nawala! Bilis.” The man also jumped on the window. Pero bago n'ya pa ako maabutan ay nakatakbo na ako palabas. I tried to crawl across the dark part far from our gate. I realized that maybe there's someone waiting outside and my escape would be useless if that happens.

“Hello, Keliandra.”

“Help me, there were men inside my house.”

I ended the call before I continue crawling but an arm snaked on my waist and effortlessly carried my weight. Magwawala sana ako but when a lips covered with a mask touched my ears I was stunned.

“You're now safe.”

“Here!” Isang lalaki ang sumulpot at mabilis ang mga hakbang na sumunod s'ya roon. I took a deep sigh.

“Ayon!” sigaw noong lalaki sa hindi kalayuan, bigla akong ginapangan muli ng takot nang maisip na baka maabutan kami, but I was wrong. This man was fast at tuluyan na ngang napawi ang takot ko ng maipasok n'ya ako sa loob ng malaking van at makaalis kami roon.

“Sa Headquarter, Alvin.” utos niya sa kasama na agad tumalima.

Napapikit ako nang kumirot ang tagiliran. At nang hipuin ko iyon at halos mataranta ako dahil basang-basa. Bahagyang tumusok iyong punyal sa tagiliran ko kaya dumugo, sa talas nito ay malalim marahil ang sugat dahil sa sobrang sakit at hapdi.

“Ahhh!” Hinugot ko ang punyal at nanghihinang isinantabi iyon.

“Fuck!” Mabilis n'ya akong dinaluhan nang makita ang dugo. May matanda ring lalaki ang sumulpot sa gilid n'ya.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now