Chapter 17

48 8 0
                                    

Chapter 17

“Dapat kapag nakalimot kana, makalimutan na rin kita. Para patas. Walang talo. ”

“Nay Sela may hihingin sana akong pabor.” muli kong bulong sa matanda ilang minuto ang lumipas.

Bumaling sa akin ang katutubong ginang saka tumango. “Sige, ano iyon?”

I slightly rubbed the gun on my waist. “Pwede ko ho bang bilhin iyang bag n'yo po?” Itinuro ko ang kulay itim na sling bag na dala niya.

“Ilalagay ko ho itong dala kong...baril.”

Mabilis ang mga mata ni nanay Sela na sinulyapan ang mga kasama namin pero ang mga ito'y nakatuon ang atensyon sa daan. Marahil ay nag-alala ito na marinig ako ng mga kasama.

“Pati ho sana isang suot n'yong pangamay...” dagdag ko pa.

Nanay Sela immediately unzipped her bag and remove her small wallet, eyeglasses and green scarf before she gave it to me. Nagkatinginan kaming dalawa nang hugutin ko ang baril sa tagiliran at inilagay iyon sa loob ng sling bag. Pasimple pang umusod si nanay Sela para ikubli ako, lihim akong napangiti nang napansin ang kaba niya.

“Amoy pawis na itong jacket ko, nakakahiya sa iyo—”

“Ayos lang nay. Para lang hindi mapansin itong mga galos ko...”

She then, took off her jacket and helped me wear it. Mahaba iyon at halos abot hanggang tuhod, tama lang para matakluban ang ilang galos. Napapahiya akong bumaling sa matanda na halata ang pag-aalala sa mga mata.

Binuksan ko ang wallet para kumuha roon ng perang pambayad sana sa bag at jacket ni nanay Sela pero laking gulat ko nang makitang malaking halaga ang laman noon, akala ko'y sadyang lang makapal ang wallet.

Isanlibong pisong papel ang pasimple kong iniabot kay nanay Sela dahil wala namang ibang mas maliit pa roon, nanlaki ang mga mata ng matanda. “Naku wala akong panukli riyan!”

I shook my head as I slid the money on her palm. “Sa inyo na ho nay, hindi n'yo na ako kailangang suklian.”

Alas-onse na ng makarating kami sa Infanta. Tumigil kami sa isang vulcanizing shop at lumipat sa tricycle na pag-aari rin ni mang Upong. Iniwan namin doon ang trailer at ang isang sakong kamote sa shop at ang isa ay isinakay rin sa tricycle at idi-deliver raw sa palengke. Kumain kami sa isang restawran at nagpresinta na akong ako nalang ang magbabayad ng kinain namin, noong una'y nahihiya pa ang matatanda pero sa huli'y pumayag narin. Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa'kin ni nanay Sela bago kami tuluyang maghiwalay.

Umakyat ako sa itaas ng palengke at saka bumili ng ilang pares ng damit at sandals, I also bought a travel backpack saka doon ko inilagay ang bag na may lamang baril pati na ang wallet at ang mga pinamili, kaunti lang naman ang binili ko dahil gusto kong tipirin ang perang dala. Kapag mabilis itong naubos ay kaawa ako.

After I changed my clothes in a public comfort room I decided to walk around the whole place while thinking and planning what to do next, because the truth is I have no idea where I am going to.

I have actually nothing. Knowing this world, we cannot survive having only our dreams and perseverance. We need to invest and take a risk then whatever the result is would be worth it. I have no plan staying in this beautiful province neither in Serino which is my real home. I want to try some larger city and walk in a crowded places, bigger cities with bigger opportunities.

Should I try Manila?

I want a huge world that nobody would think I was just walking around the place and no one would notice my existence. Iyong tipong sa isang kubli ay maaari na akong makapagtago o makalayo. A place where nobody would think I can survive, I once told myself and even with my friends that a place like Manila could be the last place I would dare to visit. But that's not the case at all, I would rather break my words than throwing my life into chaos.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now