Chapter 32

47 7 0
                                    

Chapter 32

“Kung ako ang tatanungin, syempre ikaw at ikaw pa rin.”

I am now leaning on mama's shoulder while we're on our way home in Serino. Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako gayong wala naman akong masyadong ginawa ngayong araw. Kanina lang ay naramdaman kong kumirot ang sugat ko sa may parteng likod at halos hindi ako makahinga. Then everything went black, when I woke up my body feels so weak.

My parents we're worried kaya pauwi kami sa Serino ngayon. Katatapos lang ng birthday ko kahapon at hindi ko rin akalain na ngayon pa ito aatake. My brother, who's now in Manila, will be sending a private doctor to check me up. I was a bit nervous about the check up, only Renan ang Pia knows what I have in my body. Ngayon ay siguradong malalaman ito nina mama.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

My phone beeped. I used my right hand to open the message, it's from Herald this time.

Herald:

We're home. Are you okay? Nag-text si Liezl.

When I was still unconscious earlier, Liezl called. Mama told me.

“I'm fine. I'll call you later. We're going back to Serino too.” I replied.

Herald:

Good. Just rest for tonight, I'll visit you tomorrow.

I closed my eyes again but mama spoke.

“When was the last time you dance?”

Last July before the incident happened.

“Medyo matagal na po.”

“Pablo, did you tell Si about this?”

“He already knew.”

It went all silent again until I fell asleep. Hindi ko alam kung anong oras na kami dumating sa Serino dahil kinaumagahan na ako nagising. At dahil pa iyon sa sunod-sunod na pagtilaok ng mga tandang sa labas. Bumangon ako at dumiretso sa banyo, maya-maya pa'y may kumatok sa pinto.

“Nasa bed na ang mga damit mo, the breakfast is also ready.”

“Good morning, mama. Thank you.” I replied happily.

Mabilis akong nagbihis saka lumabas ng kwarto. Naramdaman kong sumigla ang katawan ko ng konti, kaya nakangiti ako habang patungo sa sala kung saan may naririnig akong nag-uusap.

“No, it's okay sir Pablo. Just call me if this happened again.”

Nakita kong tumayo ang isang lalaking may katandaan, hudyat na aalis na ito. Agad akong nagpakita as kanila at bumati.

“Magandang umaga po.”

The old man smiled. “Good morning, hija. Take good care of yourself.” He bow his head to us before leaving the house. I looked at my parents questioningly but their faces gave me an answer already that made my heart pound too fast.

Iyon na ba 'yong doctor?

Was he done examining me while I'm sleeping?

Nakita ba nila?

“For now, kailangan mo munang ipahinga ang katawan mo, anak.” Si papa na marahang tinapik ang balikat ko.

“Papa...”

Bumalatay ang galit sa mukha niya.

“Hindi ko alam na umabot sa ganito! Magbabayad ang mga lintik na iyon.”

“Pablo—”

“Pagkatapos mo ay si Keliandra naman! They are using innocent people to drag my father down. Dapat ay kami ang hinaharap nila!”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now