Chapter 19

41 7 0
                                    

Chapter 19


“Madaling lokohin ang mundo pero lolokohin mo lang ang sarili mo kung maniniwala ka.”

Ala sinco palang ay gising na gising na ako kahit pa wala naman na akong trabaho. I tried to go back to sleep but my mind is not cooperating, kung anu-anong naiisip ko at isa na roon ay kung anong gagawin ko sa mahigit isang buwang bakasyon.

Nagtimpla ako ng kape saka muling bumalik sa balkonahe. Pilit kong iwinawaksi ang bumabagabag sa akin nitong mga nakaraang araw habang nakatanaw sa katapat na building.

I sipped on my coffee as I watched the reflection of the rising sun on the glass-like building in parallel to my apartment, nagmukha tuloy iyong kumikinang. Mas maganda siguro iyon sa loob, kung kaya lang ng budget ko'y baka kumuha rin ako ng sarili kong condo riyan. Kaso kapos pa ako.

Siguro mayaman na lalo si Isan.

Alam ko noon, nasabi n'ya rin sa'kin na may negosyo sila. Marahil ay lumago iyon kaya mas yumaman na sila ngayon. At his age marami na siguro s'yang achievements sa buhay at marami naring karanasan.

Dati nakikita ko pa kung gaano s'ya ka-problemado sa bagay-bagay. Palagi s'yang parang pagod at antok, maybe that's when he was still pursuing his career and his dreams. Baka noon ay bago palang s'ya umaakyat sa tuktok at ngayon ay malaki ang tyansang nasa tugatog na s'ya—baka nga ni hindi ko na kayang abutin.

Everytime I remember what happened before I can't help but to think that it was only a dream. Iyong buhay na mayroon ako sa Serino, my friends, the memories of Isan and so many people iniisip ko baka panaginip ko lang. Because for four years I felt like I am just a normal person here in Manila, I can fearlessly walk on the road. Walang nagmamatyag, walang humahabol. Parang sa isang iglap nagbago ang buhay ko.

However, no matter how painful my life was I wish it wasn't a dream after all. Kasi kung panaginip lang iyong lahat balewala ang kung meron ako ngayon.

Ang daming nangyari noon.

Bagay na dahilan kung bakit ako narito ngayon.

Muli akong sumimsim ng kape. Nasa katapat na malaking gusali parin ang tingin.

Nasaan nga kaya ang mga magulang ko?

Buhay pa kaya sila? Si papa?

Kung buhay pa sila bakit hindi nila ako hinahanap?

I swallowed hard.

Heto na naman ako sa paulit-ulit kong tanong. Kaya hindi ako mabuo-buo, e. Dahil wala sila para bigyang kasagutan ang lahat ng iyon.

Iyong mga tao kayang nakasalamuha ko noon, alam kaya nila?

How about Simon, Hale, Pamela at ang mga kasama nila? Si Alvin kaya o si Alinet? Anong papel nila sa buhay ko?

Si Daniel? 

Sino ba s'ya?

Parang may kung anong pumiga sa puso ko ng maalala si Daniel.

Kung paano n'ya tinanggap ang mga balang walang awang bumaon sa katawan n'ya. Kung paano s'ya humandusay sa malamig na lupa habang dumadanak ang dugo para lang maprotektahan ako. Kung paano ko s'ya tinakbuhan noon.

I left him also.

I left them.

Marami pala akong iniwan.

Kung hindi kaya ako tumakas noon, malalaman ko rin kaya kung bakit nila iyon ginagawa o mamamatay lang ako?

Kung hindi ba ako tumakbo palayo noon malalaman ko kaya kung ano ang nasa likod ng lahat ng mga nangyari?

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now