Chapter 42

58 5 0
                                    

Chapter 42

“Kaya hindi ko kayang magmahal ng ibang babae noon, 'yon ay dahil okupado na ang puso ko.”

The smile on his lips is like a punishment to me and sure I am all red now. I just keep on rolling my eyes to him to show that I am not affected when in fact I can already feel my face exploding with too much embarrassment.

Ibinaba ko ang hawak na kubyertos, tumaas ang gilid ng aking labi saka siya inismiran. Nakapangalumbaba siya sa harap ko, pinapanood akong kumain habang kagat ang labi at parang baliw na ngingiti-ngiti.

“Anong ginagawa mo, Isan?” Medyo nahihiya pa rin pero sinikap kong magkunwang naiinis.

“Can't you see? Pinapanood kita.”

Umirap ako. “Kung kumain ka na lang din kaya? Hindi ka ba nagugutom?”

Mas nanliit ang kan'yang mga mata nang lumapad pa lalo ang ngisi niya. “No. Kumain na ako kanina, mas masarap pa riyan.”

Nakasabunot ako sa sariling buhok. I dropped my head on the table, frustrated and embarrassed. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa kanina, habang nasa pagitan s'ya ng mga hita ko.

Naramdaman kong dumapo ang kamay ni Isan sa ulo ko saka marahang hinaplos iyon. “Matapos mo akong akitin ikaw pa ang may lakas ng loob na mahiya ng gan'yan?”

“Isan..” Mariin kong suway sa kan'ya.

“And because of what I've done to you, hindi ko na alam kung hahayaan pa kitang lumabas ng bahay ko.” He chuckled sexily. “Ginising mo ang natutulog na pagkatao kong iyon, Kels. And don't blame me now that I am looking forward for more. Pero huwag mo lang talagang uulitin iyon dahil hindi na ako makakapagtimpi sa 'yo. Matigas pa naman ang ulo mo.”

Sunod-sunod akong napalunok dahil sa sinabi niyang iyon.

“Now, eat. Maliligo lang ako.” He kissed my hair before exiting the kitchen, saka pa lang ako nag-angat ng tingin.

Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya kanina. Parang ibang Isan iyon. Oh my goodness, what I have done?

Mabilis kong tinapos ang pagkain saka niligpitan ang pinagkainan at nang hindi pa rin nakakabalik si Isan ay nagpasya akong lumabas muna. Maliwanag ang buwan, bukod pa roon ay may mga poste rin sa bakuran ng bahay niya kaya natanaw ko agad ang terasa. Inilang hakbang ko lang iyon, ngunit nayakap ko ang sarili nang nasa kalagitnaan pa lang ay umihip ang malakas na hangin at nakaramdam ako ng kakaibang lamig.

Agad akong naupo sa bangkong kahoy roon, yakap pa rin ang sarili. Now, the beauty of the ocean a little far from here is breathtaking. Kumikinang dahil sa liwanag na tumatama mula sa buwan. Marahas ang tunog ngunit napakapayapang pagmasdan.

Isang halik sa aking balikat ang nagpapitlag sa akin, “Akala ko...” then I felt Isan's arms wrapped around me. “umalis ka.”

Kinuha ko ang mga kamay niya na nakapahinga sa aking tiyan at hinalikan iyon. “Hindi ako aalis, Isan.” Tumayo ako saka marahang pumihit paharap sa kan'ya. “I'm sorry.”

“Keliandra, bakit ka naman nagso-sorry?” Inosenteng tanong ni Isan.

“Huwag mo na ulit iisiping iiwan kita. Dahil hindi na, Isan. Hinding-hindi na.”

Sumilay ang ngiti sa labi niya kasunod noon ay ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa kan'yang pisngi. Sa sandaling iyon na muli ko na namang nasaksihan ang paghikbi niya mas naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin.

Tumaas ang kamay ko patungo sa kan'yang mukha at tinuyo iyon gamit ang mga palad at daliri. Isan smiled, his face flushed.

“Everytime I cried in front of you I feel a little embarrassed.”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now