Chapter 20

53 7 0
                                    

Chapter 20

“Listen, may karapatan ka man o wala maaari kang mag-selos. Hangga't walang batas na nagbabawal, malaya ka.”

“Tatlong araw na?!” Gulat kong tanong kay ate Rita sa kabilang linya.

“Bumili pa nga sa akin ng repolyo at bawang kanina, nag-presinta pang magni-ninong kay Kulin.”

“Ano pang sinabi ate?” Muli kong tanong habang nagtitimpla ng kape.

“Nagtabas rin iyon kahapon tapos sabi pa sa kuya Piolo ay titira muna s'ya pansamantala sa bahay n'yo. Hinihintay ko nga na...” she made a pause then I heard her sighed eventually.

“magtanong tungkol sa'yo pero wala naman.”

Noong nalaman kong umuwi si Kuya Arturo sa Serino naisip ko agad na posibleng may dahilan iyon. At hindi ko rin napigilan ang sarili kong isipin na baka may alam s'ya sa pag-iwan sa akin ni papa noon. Umalis s'ya, naaalala ko pagkatapos kinabukasan si papa naman ang umalis. Imposibleng nagkataon lang iyon. Ang paalam n'ya ay isa o hanggang dalawang buwan lang s'ya sa ibang-bansa but it's almost five fucking years.

“Hayaan mo at tatawag nalang ako sa'yo mamaya, Keliandra.”

“Sige, ate salamat—”

“E kung umuwi ka kaya muna? Tutal wala ka namang trabaho.”

“Pag-iisipan ko ate.”

Dala ang isang tasang kape ay nagtungo ako sa balkonahe kung saan kita ko ang kulay kahel na sikat ng araw na tumatama sa kabuuan ng katapat na gusali. I suddenly missed how the sun kissed my cheeks every morning way back in Serino. I missed how it feels, it's warmth and calmness, bagay na hindi ko nararanasan ngayon. Ang daming bagay sa Isla Serino na nami-miss ko.

What if I give myself a chance to experience it all again? Paano kung umuwi nga ako sa Serino ngayon?

I leaned my pale body against the cold banister. I closed my eyes.

Bakit nga ba ako umalis doon?

Because Serino caused me lot pain and sacrifice. Serino broke me so many times. But that place made me who I was yesterday and who I am today. Minsan akong pinasaya ng lugar ng 'yon kaya kahit nasasaktan ako pakiramdan ko dapat ko 'yong balikan.

Parang iyong mga taong naiwan ko roon, I miss them and I deserve to see them. They're my family and will always be. Naalala ko noon, I bought a new phone and created another social media accounts para lang kahit papaano'y may connection pa ako sa kanila—but I used different names. Mula noon hindi ko na binuksan ang kahit anong anong social media accounts ko bilang si Keliandra.

Maging ang cellphone ko noon na naiwan ko sa hospital ay dinala sa akin dito ni ate Rita but I keep it on a small pouch and never use it at all.

I opened my eyes and the shine of the rising sun keep me mesmerized.

Iniangat ko ang aking kamay sa ere na tila abot-kamay ko ang kumikinang na gusali at marahang hinahaplos iyon.

One day, I wish I'm gonna woke up with your warm kiss on my cheeks and with your tight embrace on my waist just like how you do it before. Like how you made me feel I'm at home. One day, with you... again.

Nang ibaba ko ang kamay ay natawa ako.

I realized that I wasn't talking about Serino at all.

I was talking about Isan...

And my desperate wishes.

Nakakatawang isipin na kahit saan ako dalahin ng imahinasyon ko sa'yo parin ako nauuwi.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now