Chapter 30

51 7 1
                                    

Chapter 30

“Na kung sa Serino ako uuwi at uuwi, babalik-balikan ko naman ang lugar na ito..”

Sa dalampasigan kami dumaan ni kuya, hinayaan naming mabasa ang aming mga paa ng maliliit na alon. Marami s'yang kwento at wala akong ibang ginawa kundi ang tawanan iyon lalo pa't sinasamahan n'ya minsan ng konting kayabangan.

“Really, kahit sa abroad?”

“Oo. Mga private guards iyon. Sa mga mayayaman, pulitiko at ilang artista rin.”

Tumango ako. “Akala ko 'yong mga security guards katulad sa mga malls, banko at public schools lang.”

“May ganoon din. Depende kasi sa skills at sa pinag-aralan, o kaya sa field na gusto nila. Pero minsan ang agency na rin ang nagdedesisyon, kung mahusay ang performance may promotion rin.”

“Hindi ko maintindihan.”

Natawa si kuya Simon sa reaksyon ko. Sa totoo lang at hindi ko maunawaan ang sistema ng trabahong iyon. “Gan'yan rin si Hale noon, pero sumailalim din iyon sa training ayon sa kagustuhan ni lolo. Nag-stop pa siya sa modeling para lang matutunan ang pag-baril.”

“Modeling?”

“Oo. Hindi lang halata sa height pero model iyon. Amabelle Montis, hindi mo kilala?”

“Hale is Amabelle? Goodness, kaya pala!”

“Ikaw nabalitaan ko kay nagturo raw sa iyo bumaril?” Muling tanong ni kuya Simon. Daniel's face flashed in my head.

“Yeah.”

“Ilang araw?”

“Minuto lang naman.” Wala akong ibang ibig sabihin doon pero iba yata ang dating kay kuya.

“Yabang ka rin naman, e.”

“Ewan ko sa inyo! 'yang guards mo creepy ha!”

Agad luminga-linga si kuya. “Nakita mo pa ah? Tagong-tago na nga.”

Iningusan ko s'ya at nauna na sa paglalakad pero napatigil ako nang tumapat kami sa isang resort. The Garcias. Sa halip na makaramdam my kung ano ay pinili kong ingiti na lang. Masyadong makasaysayan ang Serino kung buhay ko ang pag-uusapan but this place has something in my heart. Na kung sa Serino ako uuwi at uuwi, babalik-balikan ko naman ang lugar na ito.

“Bata ka palang isinasama ka na ni papa dito para makita ka namin. Naalala mo?”

Kaya noong muli akong napadpad dito sa Quezon may pakiramdam na ako, e. Na hindi iyon ang una. Malimit nang mag-krus ang mga landas namin noon pa man. Nakakatawa, kung paano minsan ang mga taong hinihiling nating makita nilalampasan lang natin. Hindi napapansin.

“Naalala ko na.”

Hindi na ito ang unang beses na nakikita ako ng magandang resort. Marami na, tuwing may outing kami noon sa college, sa trabaho o kapag kasama ko sina Zachy at Pia. Pareho silang mahilig mag-travel bagay na kahit papaano nakahiligan ko na rin.

Maganda at mas malawak nga lang itong nasa harapan ko ngayon at mula sa kinatatayuan ko'y mangha kong tinatanaw ang malalaking letra sa harap ng mataas na gusali. Hotel El Monti Señor. May isang malaking bakal na gate na nakabukas at doon ako iginaya ni kuya Simon. Dalawang medyo may edad na babae ang lumapit sa amin, ang isa'y nagtungo sa gawi ko at pinayungan ako. Ang isa ay may inabot na kung ano kay kuya Simon.

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now