Chapter 40

66 7 1
                                    

Chapter 40

“Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang.”

Sa tuwing may kinakaharap tayong problema, maling takbuhan iyon o isantabi. You may be hurt but give time to solve it, find a formula, get a possible and effective solution then wait for whatever outcome would occur. Kung tatakasan natin, hindi tayo sigurado kung mawawala iyon. Maaaring mas lumala pa nga.

Face your problems with courage and confidence. There's no hurricane that stays for years, one day, early in the morning the sunrise will be on top of the cloud.

Isang araw lahat ng sakit, paghihirap, pagsasakripisyo na ginagawa mo masusuklian iyon. Kung nalulungkot ka sa mga oras na 'to, maniwala kang isang araw may isang bagay o isang taong papawi sa lungkot mo, papangitiin ka hanggang sa pinakahuling segundo ng buhay na hiniram mo.

Si Keliandra iyon. Noon pa man, sigurado na akong siya lang gusto kong uuwian. Kapag pagod galing trabaho, kapag may sakit ako, kapag marami akong problema at sa tuwing nilalamig, siya ang magsisilbing pahinga ko. And I am more willing to do the same. Bukas din palagi ang bisig ko para yakapin, alalayan at alagaan siya.

Si Isan lang ang kaya kong pagkatiwalaan ng paulit-ulit. Because now I have realized that no matter what I do, how many times I hurt him, he will always be here for me. Following me around, loving me nonstop. At ngayon ko lang napagtanto na mula pa pala noon, ako na ang palagi n'yang pinipili.

Noong binigyan ako nang kalayaan na piliin ang sarili ko, si Keliandra pa rin ang pinuntahan ko.

Ngayon na binigyan ako nang pagkakataon, si Isan naman ang uunahin ko.

Babawi ako sa kan'ya, dahil alam kong noong mga panahong kailan n'ya ako wala ako roon para patahanin siya.

Babawiin naman ang oras na dapat ay magkasama kaming dalawa.

Isan:

Nakauwi ka na? Tulog ka na ba?

Isan:

Mukhang tulog ka na nga, matutulog na rin ako. I love you.

Pilit kong hindi mapangiti matapos basahin ang mensahe ni Isan kagabi. Nakatulog ako agad pag-uwi ko, e, kaya ngayon ko lang nabasa ito. Hindi man lang ako naka-reply.

“Sino 'yan?” Kunot-noong tanong ni kuya na kalalabas galing kusina.

Hindi ko alam, basta paggising ko nandito na sila ni Bianca. Wala naman silang pasabi. Baka nalaman niyang nandito rin si Isan? Alam kong galit si kuya kay Isan dahil sa nangyari pero siguro naman naayos at nasabi na ni Isan sa pamilya ko ito. I mean, he used to this. Bago niya ako puntahan at gumawa ng hakbang nagpapaalam muna siya sa pamilya ko. Isang bagay rin iyon na gustong-gusto ko sa kan'ya.

“Sinong ka-text mo?” Mas lumapit si kuya sa akin at akmang aagawin ang cellphone ko pero mabilis kong naibulsa iyon.

“W-wala kuya—”

“Eh, nakita ko parang kinikilig ka pa. Sino 'yang gagong 'yan?”

“Hoy, Simon! Hayaan mo na nga iyang si Keliandra,” naiinis na hinila si kuya ni Bianca na kalalabas lang din galing kusina. “Napaka-oa mo. Hindi na bata 'yang kapatid mo para pagbawalan mo sa gan'yan—”

“Eh, sino nga muna Keliandra?” Bakas ang paghahamon sa tono ni kuya na parang hindi talaga siya titigil kung hindi ko sasabihin.

“Si—Si Isan, kuya..”

Mas nangunot ang noo niya. “Nagkita na kayo?”

“K-Kagabi kuya, sa reunion.”

“Anong sabi?”

Painted Memories (ISLA SERINO SERIES #1)  COMPLETED Where stories live. Discover now